TVF S2: 29

949 33 0
                                    

Maika's POV

"Kae!!" nagulat ako sa biglang pagsigaw ni Blue. Nilapitan ko siya dahil paalis na siya sa higaan niya.

"Wait Blue!" pinigilan ko siya sa pag-alis ng higaan niya. Tumingin saakin si Blue ng may nakakatakot na ekspresyon.

"Let me go. I need to go to her!" sigaw niya saka tinanggal ang pagkakahawak ko sa kanya. Tumayo siya saka tinanggal ang mga nakakabit sa katawan niya.

He's actually fine now dahil napagaling na siya ng tita Cess niya pero ilang araw din siyang nakahiga sa lab bed. Masyado niya daw nagamit ang kapangyarihan niya nung araw na kunin nila Tracey at Hugo kasama ni Kyla at ng ate nitong si Almira, si Miya.

Napakuyom ako ng palad. I can't believe her! Tracey is really one of them! And Hugo! Shit! Hindi ko sila maintindihan! Bakit sila umanib sa kalaban?! At si Hugo! I thought he likes Miya!? Bakit siya pa mismo ang kumuha sa kanya?! Bakit siya pa?!

Hindi ko na maintindihan ang sitwasyon. Gusto kong sugudin ang dalawang yun para tanungin sila pero wala pa kaming lead kung saan sila matatagpuan ngayon.

Miya and Blue's parents are doing their all just to find where she is. Pero kami wala kaming magawa. It really hit me when their mom told us na magiging pabigat lang kami kaya wala akong nagawa kundi ang magpagaling.

"Where is she?! Nabawi ba siya?" nabaling muli ang atensyon ko kay Blue.

Napabuga ako ng hangin. "No. Nakuha nila si Miya."

*BAM!!*

I twitched. He punched the door kaya nayupi iyun. So ganito palang magalit si Blue? I understand though dahil kahit ako nakakaramdam ng galit ngayon dahil sa nangyari kay Miya.

"Whoa! Whoa! What is this??" may nagbukas ng pinto. Si Alexios na may dalang pagkain. Nilapitan ko si Blue.

"You need to calm down Blue. Ginagawa na ng magulang mo ang lahat para mahanap si Miya." sabi ko sa kanya para pakalmahin.

"I can't!! Kailangan nating gumawa ng paraan para makuha si Miya sa lalong madaling panahon!" sinuntok naman niya this time ang pader kaya halos mabutas yun. Oh damn! Is he planning to tear down the lab?

"Pero wala tayong pwedeng gawin ngayon!" nagsisimula na akong mainis. "Hindi lang ikaw ang gustong magligtas kay Miya! Naiintindihan ka namin Blue, pero wala tayong kakayahan para iligtas siya! Let just leave this to your parents." pagkukumbinsi ko sa kanya. He glared at me.

"No, hindi mo ko maiintindihan! Because more than anyone of you, alam ko kung anong pwedeng mangyari sa kanya sa kamay ng mga witch na yun!!" he yelled at me.

"That they will kill her?? Hindi pa natin alam ang pwedeng mangyari kaya--"

"Maika..." may humawak sa balikat ko. "Hayaan mo muna si Blue sa ngayon. And cool your head for a bit." tumingin ako kay Alexios habang kagat kagat ang labi ko. I look at Blue again before heading out.

Paglabas ko ng kwarto ni Blue napahawak ako sa pader para sa suporta dahil nanghina bigla ang mga tuhod ko. Ah shit! That was quite nerve-wrecking.

Sinubukan kong pakalmahin ang puso kong parang nakikipagkarera ngayon dahil sa bilis. Ito ang unang beses naming magsigawan ni Blue, at ito din ang unang beses na narinig ko siyang sumigaw dahil sa galit.

Ah! Really Maika?? Trying to throw a gas to a heated situation?

Sana hindi ko nalang siya sinagot! Aish! Ano bang problema ko?? Ugh! Ayoko ng ganito! Nadadala ako ng sitwasyon namin! At alam ko namang may hindi kami alam na alam kong nangyari na sa kanila eh. And if it's for Miya, mas alam niya ang dapat gawin.

The Vampire's Fangs 1&2(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon