Chapter 3

6.5K 188 0
                                    

Misaki's POV


"Booooring..." sabay sabay na sabi nung apat saka nangalumbaba. Habang ako nagbabasa ng libro habang nainom ng pic poc.  Nandito kami ngayun sa cafeteria. Nagpapalipas ng oras dahil kakatapos lang din naming kumain ng lunch. May 30 minutes pa kaming oras para sa next class namin. Pero magkakaiba kami ng klase.

At dahil walang magawa ang mga to, kanina pa sila nagrereklamo. Bat di sila magplanking sa gitna ng caf? Tss. Why not use their energy from reading? It will worth the while, somehow.


"Wala bang laban mamaya? Ang boring naman kapag wala akong iniisip na underground fight. Aissssh." sabi ni Chanon at inihiga na ng tuluyan ang ulo sa lamesa.


"Meron. Pero walang may gustong lumaban satin." bored na sabi ni Keith saka inilabas ang smart phone niya.


"Hmm. Ano kayang pwedeng gawin?" nag-isip si Yuki.


"Shopping nalang kaya tayu girls? Let's ditch the class." mukha namang naexcite ang tatlo sa sinuggest ni Cess. Napatingin silang apat saakin with matching paawa effect.


Tinignan ko sila isa isa saka tinaasan ng kilay. "Hindi." Lahat sila nanlumo. Tumingin nalang ako ulit sa librong binabasa ko.


"Awww! Saki naman!"


"Ang KJ, grabe!"


"Minsan lang eh."


"Ou nga!"


Kanya kanya na silang reklamo apat. Eh bakit ba? Sa tinatamad akong lumabas ng campus eh. Init init kaya! Tss. And I don't feel like going anywhere. -___-


"This boredom is killing me! My gawd!" dabog ni Chanon.


"Master naman! Pumayag kana!!! Pulwease??!" nagpuppy eyes si Cess.


Sinipa ko siya sa binti niya kaya dumaing siya. "What did I told you about that master thingy?" napapout siya saka sabing...


"Sorry." napatahimik nalang yung apat. Di naman nila ako matitinag. Kapag sinabi kong hindi o ayoko hindi ko talaga gagawin. Meron akong isang salita. Tss.


Sinarado ko ang libro ko. Tatayo na sana ako pero may narinig kaming mga tilian mula sa entrance ng caf. And so I know, the jerk with his friends! Tss. Mukhang ok na ok nanaman siya. Kung makangiti nanaman sa mga 'die hard' fans niya parang mapupunit na yung labi kakangiti. Whatta jerk can he really be! Tsk. Nakakairita talaga ang mukha niya!


Tumayo na ako ng tuluyan kaya napatayo nadin yung apat. Naglakad kami papunta ng entrance kaya ang lagay makakasalubong namin si Usui saka ang mga kaibigan niya. Sikat na sikat talaga tong limang to dito eh. Tss. Bakit pa ba ako magtataka, eh magaling mambola ang mga yan? Of course, basketball player duh??


Dahil busy siya sa pakikipagngitian sa mga babae di niya napansin na dadaan kami sa harap niya. Really a jerk. Wala pa akong naririnig na thank you diyan maliban dun sa una niyang sinabi ah. Duhh! Thank you manlang para sa pagdala sa kanya sa hide out at paggagamot sa kanya?! Bwisit!

The Vampire's Fangs 1&2(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon