Chapter 14

3.3K 113 4
                                    

Misaki's POV

"Yuki..." tinawag ko si Yuki na nasa kusina. Tambay mode kami ngayon sa hide out namin sa tabi ng school. Vacant pa kasi namin kaya dito muna kami. At saka! Nairita ako sa nakita ko kanina!! Bwisit talaga ang lalaking yun!! Grr!

"Bakit Saki?" sinilip niya ako. Nangalumbaba ako.

"Do you know something? About the girl." I look at her. Her forehead wrinkled as if thinking who I am talking about. When she finally noticed, she smiled at me.

"Are you jealous?" ngayon naman tinignan niya ako. Suspicious look. Inirapan ko siya.

"Matino ang tanong ko Yuki, umayos ka!" padabog kong inayos ang upo ko sa high stool. Me? Jealous? Di uy! Curious lang ako noh! Dahil kung makadikit ang babaeng yun kay Usui akala mo naman nilagyan sila ng mighty bond dalawa eh. Di rin mapaghiwalay! Kainis. Kaya nga naiwan ako dito kay Yuki eh.

"What?" natatawang tanong niya. Lumabas siya sa kusina na may dala dalang bowl na may fruit salad at lumapit saakin. "Well, I really don't have any idea. Wala namang binabanggit saakin si Yno tungkol sa babaeng yun." nilapag niya ang bowl sa tapat ko. "Ikaw ang umalam." kibit balikat niyang sabi kasabay ng pagngisi niya. Tss.

"No thanks. Aaksayahin ko lang ang oras ko sa walang kwentang bagay." sinimulan ko ng kainin ang inihanda ni Yuki. At habang kumakain hindi ko talaga maiwasang hindi maisip ang tungkol sa babaeng yun. Sino ba siya? Taga saan naman yun at bakit bigla bigla nalang yun sumusulpot? Ex-girlfriend ba ni Usui yun? Baka kaibigan lang? Pinsan siguro? Eh kung kapatid? Hindi hindi. Impossible dahil hindi naman niya kamukha ang babaeng yun.

"Urgh!!!" out of frustration nagulo ko ang buhok ko. Seriously? Bakit naman ako mapa-frustrate?! Duhh?! Ano naman bang paki ko! Kaya pwede ba Misaki Himea Cruz. Shut your mind and just eat?!!!!!

"Pffft! Anong nangyayari diyan?" agad akong napatingin sa nagsalita mula sa likod ko. Sila Keith, Cess at Chanon. Kanya kanya silang upo sa tapat ko at sabay sabay na tumingin saakin while smirking at me. Tinaasan ko sila ng kilay.

"Why are you looking at me like that?!" inis na tanong ko. Para kasi silang mga tanga kung makatingin. Tsk.

"What's with that 'urgh' with gulo pa ng buhok, ha master?" ginaya niya kung paano ko ginulo ang buhok ko pati nadin ang pagkakasabi ko ng 'urgh'. The fudge?!

"At mukha kang may kagalit. Sino yang iniisip mo haaaa?" Chanon teased me and was about to smack my arms pero iniwas ko kaagad kaya napapout siya bigla. Tsk.

Nagulat kami ng biglang hinampas ni Keith ang lamesa. "Come on master! Share your thoughts!" sigaw niya habang ngiting ngiti.

-___- Eto talagang apat na to ang sobrang nakakastress sa totoo lang. Pasalamat tong apat na to kakagaling lang sa hospital kundi babalian ko mga to! Tsk.

"Wala akong iniisip na kahit na sino! Kaya tigilan niyo ko!" umirap ako saka ipinagpatuloy nalang ang pagkain ko ng salad. Hindi ko nalang sila pinansin. May sayad pa mandin ang apat na mga batang to.

"Iwas iwas din pag may time ano!" pang-aasar ni Keith habang nakangisi.

"Akalain mo nga namang 'sino' ang iniisip niya. Who could it be~~?" ginatungan nanaman ni Chanon. At may tono pa yung pagkakasabi niya ah.

"Tekaaa. Parang kilala ko na eh~~~~" dagdag pa ni Cess. Oh fvck! Wala bang balak tumigil ang mga to?! Grr!

Pinanlakihan ko sila ng mata at kinunutan ng noo with matching taas ang kaliwang kilay. "Ewan ko sa inyo!!!" tumayo ako at umalis sa kusina. Nagtungo nalang ako sa sala.

The Vampire's Fangs 1&2(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon