Chapter 32

2.4K 67 2
                                    

Misaki's POV


Tsk! Hindi ko tuloy alam kung saan ako pupunta. Nakakapeste naman kasi! Sa lahat ng pwedeng ibalita sakin, yung bwisit na Usui pa na yun! Nakakainit ng ulo! Urgh!


Wag lang silang magpapakita saakin dalawa, parehas ko silang ingungudngod sa pader! Nakakabwisit!


Dumaan ako sa building A, gusto ko sa rooftop nila tumambay. Surely walang makakahanap saakin dito. Tsk. Ayoko ng kahit na sinong kausap!!


Lumiko ako pahagdanan pero may bumangga saakin. Muntik na akong mapaupo dahil sa impact. Ay naku kung minamalas ka nga naman oh!!


"Hey! Watch out!" sabi nung nakabangga ko. Kilala ko ang boses.


Tiningala ko siya at hindi nga ako nagkamali. Si Jarah together with Usui. Wow. Wow lang talaga! Nang-aasar??! Kung mas minamalas ka nga naman, sa lahat lahat ng pwedeng makabangga si Jarah pa.


"Misaki?" gulat na hinawakan ni Jarah ang balikat ko. "Okay ka lang? Did I hurt you?" concern na tanong niya saakin.


Pinalis ko ang hawak niya saakin. "Ou! Many times! Tsk. Lubayan niyo nga ako! Naaalibadbaran ako sa inyo!" inis na hinawi ko silang dalawa pero pinigilan ako ni Usui sa braso.


Inis na tinignan ko siya. "What? Ano masaya ka ba sa nakikita mo?! Ou na ako na ang nasasaktan! Bwisit ka eh!" inirapan ko siya. Grr! Pigilan niyo nga ako! Hindi mapigilang dumaldal ng bibig ko! Kung ano ano ang lumalabas! Urgh!


Narinig ko ang tawa ni Jarah. Sinamaan ko siya ng tingin.


"Ano naman ang nakakatawa?!"


"Pfft! Your such a childish Misaki. Ito bang si Sky ang problema mo? Oh iyan! Iyong iyo na! Sky, samahan mo siya huh? Wag mong aalisan ng tingin yan. May aasikasuhin lang ako." tinulak ni Jarah si Usui saakin na ikinagulat ko. Kinindatan pa ako ni Jarah bago tumalikod. Pero hindi pa man siya nakakatalikod, pinigilan siya ni Usui.


"Are you sure, you can be alone?" concern na tanong ni Usui. Umiwas ako ng tingin.


"Ou naman, anong akala mo saakin bata? Basta samahan mo si Misaki okay? Never leave her side magagalit ako sayo!" parang bata na paalala ni Jarah kay Sky. Tss. Nagsisimula nanamang kumulo ang ulo ko. Pakingtape ah! "Gotta go." bumeso pa sakin si Jarah bago tuluyang umalis. Hindi na ako nakapagreact pa, lalo na nung dalawa nalang kami ni Usui na magkasama.


Tinignan ko siya ng masama. "Tss. Umalis ka kung gusto mo, wala akong pakialam." dinaanan ko siya.


Aish! Ano bang problema ng Jarah na yun! Bakit kailangan pa niyang iwan sakin tong lalaking to! Bwisit! Isipin ko palang na sobra yung concern niya kay Jarah, parang gusto ng kumawala yung puso ko sa ribcage niya para sampalin si Usui. Oh geez!


Naramdaman ko ang presensya niya sa likod ko. Mukha ngang susundin niya si Jarah. Tsk!


The Vampire's Fangs 1&2(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon