TVF S2: 14

1.3K 45 3
                                    

Narrator~

"Oh Hugo, san kayo galing?" tanong ni Tricia kay Hugo na kasama si Kyla na kakarating lang sa grupo.

"Diyan lang." sagot naman nito. Tumingin siya sa paligid para hanapin si Miya dahil ang alam nito ay ipinaalam niya kung nasan ang mga kaibigan para mapuntahan nito pero wala naman siya dito. "Is Miya here yet?"

"She's here a little while ago pero pinuntahan niya si Blue. Darating din yun." Maika answered habang nagrerelax sa kanyang inuupuan.

Biglang tumayo si Tracey at umalis nalang ng walang paalam sa kanila. Napatingin si Tricia at Maika kay Tracey.

"San pupunta yun?" tanong ni Kyla. Napunta sa kanya ang atensyon ng dalawa.

"As if we know eh wala ngang kibong umalis dito." sarkastikong sagot ni Maika.

"Kapag nga naman gawa sa kamalditahan lang ang utak, puro kamalditahan lang ang alam. Think before you ask girl. Nagmukha ka tuloy tanga." si Tricia. Nginitian pa nito si Kyla na ikinainis ng babae.

"Cr lang ako Hugo baka may masaktan ako dito eh! Tss!" naglakad si Kyla papunta sa dereksyon na pinuntahan ni Tracey.

Nung mawala si Kyla itinaas ni Tricia ang kanyang kamay at may lumabas doon na maliit na pixie. May ibinulong siya dito saka niya inihipan yun.

Lumipad ito para sundan si Kyla.

"What's that for?" tanong ni Hugo sa kanya. Sumandal muli si Tricia saka pumikit.

"I want to know what she's doing, may masama ba?" tanong nito habang nakapikit at nakakrus pa ang mga binti.

"She's a friend of mine Tricia, I know her. Bakit kailangan mo pang malaman ang mga ginagawa niya?" pagtatanggol ni Hugo sa babae. Dumilat si Tricia para tignan si Hugo.

"Maybe you know her, but we don't. Gusto ko lang makasigurong wala siyang binabalak na masama." seryosong pakikisali ni Maika sa kanilang dalawa.

"We won't harm her unless she's proven guilty. Look, hindi mo nakikita pero sigurado akong may binabalak siyang masama kay Miya." nagsalita ulit si Tricia. Simula kasi ng unang makita niya si Kyla ay naramdaman na niya kaagad ang itim na aura na bumabalot sa babae. Magkatulad sila ng uri ni Hugo pero hindi maipagkakaila ang lakas ng itim na aura ni Kyla.

Natahimik si Hugo ng marinig ang pangalan ni Miya.

Naisip niya na ilang taon din niyang hindi nakasama si Kyla dahil napasama ito sa pagkakakulong sa itim na isla kaya hindi na niya masyadong kilala ang babae pero hindi niya ito gustong pag-isipan ng masama dahil simula ng maipanganak silang dalawa ay magkasama na sila dahil iisa ang kanilang lahi at uri.

Gustuhin man niyang ipagtanggol si Kyla ay wala din iyong silbi. Pagdating kay Miya ay hindi marunong makinig ang dalawang ito kaya nanahimik nalang siya at hindi sumagot.

"If my pixie came back twinkling, we won't hold ourselves back from hurting her." pagbabanta ni Tricia kay Hugo. Tinignan lang siya nito.

"Mark those words Morris." seryosong litanya ni Maika sa kanya. Kahit kasi ilang buwan palang silang magkakasama, alam na nilang mabuti si Miya kaya nga sila naging magkakaibigan.

Naupo nalang si Hugo sa bench na katabi ng kinauupuan nila Maika saka sumandal.

"Do whatever you want." usal nito saka inirelax ang likod sa sandalan ng bench. If it's for Miya's sake hindi na siya aangal. He can't also let anyone even his childhood friend harm Miya. That is how he likes her so much.

The Vampire's Fangs 1&2(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon