Chapter 10

4.3K 140 23
                                    

Misaki's POV.


"*yawn* Ugrh nakakaantok talaga!" humihikab na sabi ko habang naglalakad sa hallway papunta sa room. Kanina pa nga ako hikab ng hikab. Palagi kasing nagpupuyat yung apat ngayon. Biglang nahiligan ang panunuod ng movies sa hating gabi tapos dun pa sila naglalagi sa condo ko. Ang titindi. Pati tuloy ako nadadamay sa pagpupuyat nila!


Ang nakakastress pa lalo, ngayon ang araw ng school festival. Ang dami dami dami tuloy tao. Ang ingay paksyet! Tumingin tingin ako sa paligid, ang weird naman ng mga itinayong stalls dito pati classrooms, merong fortune telling booth, lover's cafe, photo booth, marriage booth na sobrang common na, aba pati treasure hunting meron? Ayos din. May mga nagbebenta din ng pagkain. Ang hassle naman masyado niyan. Magluluto pa at ihaw. Tsk. Dami kasing alam ng school na to.


Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa tapat ng room. Pero nakasarado naman to.


Eh?


Bakit nakasarado to? Anong pakulo naman ang naisip ni Jean? Lumapit nalang ako sa pinto para buksan ito, at nung nabuksan ko na ito ay nagulat ako sa sumalubong saakin.


"Welcome Master." nakayukong bati ng tatlong babae na nakamaid outfit. Unti unti at sabay sabay silang tatlo na tumuwid ng tayo kaya nung maka face to face ko silang tatlo nanlaki ang mga mata naming apat.


Oh damn!! No hella way!


"Misaki!" tawag saakin nung tatlo.


"Oh fck!" agad agad akong tumakbo papalayo sa room namin. Darn it! Sigurado akong pagsusuotin nila ang ng outfit na yun. No way!!


"Ang sinumang hindi magparticipate sa paggawa ng props o mga kakailanganin para sa gagawin natin sa room na to, hindi pwedeng hindi magpaparticipate sa mismong festival. Gets niyo?" mataray na sabi ni Jean, ang president namin.


Napahikab ako dahil wala naman akong interes na makinig. Pero biglang napatingin sa akin si Jean at itinuro ako. "Lalo kana Misaki. Subukan mo lang tumakas sa araw ng festival, lahat ng pwedeng ibigay na parusa sayo ibibigay ko."


Bigla ko nalang naalala yung pagbabanta saakin ni Jean. Hindi ko na tuloy alam kung hihinto ba ako sa pagtakbo o magtutuloy tuloy dahil shit lang ayoko talaga ng ganung outfit! That's shitty damn girly thing is so disgusting!


"Hoy Misaki! Tumigil ka!!!" naririnig ko na ang boses ni Jean. Oh fck! How can she run that fast?? She's catching up!!


"Huli ka!" biglang may humawak sa wrist ko kaya halos matumba ako sa bilis ng pagkakahinto ko. Anak naman ng! Tinignan ko ng masama ang taong yun at...


O_o Oh God!!! Not today jerk!!!


Agad agad ko siyang pinandilatan ng mata at buong lakas na nagpumiglas sa pagkakahawak niya but damn it, this strength! "Bitawan mo ako Usui!" madiin at may panggigil kong utos sa kanya, pero hindi siya nagpatinag at nginitian lang niya ako. Urgh! Bwisit!!!

The Vampire's Fangs 1&2(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon