Chapter 9

4.9K 146 8
                                    

Misaki's POV.


"Master!" - Cess


"Yow Saki." - Yuki


"Morning master." - Keith


"Hello master!" - Chanon


*BOINK BOINK BOINK*


"Ahh!" - Chanon


"Aray kupu!" - Cess


"Ouch." - Keith "-__-


Pinagsasapok ko yung tatlo sa ulo paglapit palang na paglapit nila saakin. Di na talaga nadala ang mga to.


"Ilang ulit ko bang sasabihin sa inyo na wag niyu akong tatawaging master sa school?" nakairap na sermon ko sa tatlo, si Yuki naman ay pakamot kamot lang ng ulo. Ang kukulit kasi. Tsk.


"Hehe... Sorry na." - Chanon


"Peace!" - Cess tapos nagpeace sign pa sakin. 

  

"Ewan ko sa inyo." inis na sabi ko. Hayy naku hindi naman kasi masabihan ng isang beses tong tatlong to. Ayoko sa lahat yung may nakakarinig na tinatawag akong ganun dahil ayokong isipin ng iba na thug or gangster ako, when it's the fact. Pssh. Eh kasi takot na nga sila sakin, edi lalo pa silang natakot!


Naglakad na kami papunta ng cafeteria. Pagpasok namin dun binigyan agad kami ng pansin. Mga nakatingin lang saamin. See? Ayoko ng masyadong nabibigyan ng atensyon. The heck with the look? I hate that! Dukutin ko mga mata ng mga to eh. Bwisit! Mabuti nalang kaunti palang ang tao dito.


Yung ibang students, busy I guess. Magkakaroon kasi ng school festival dito at kailangan lahat ng year and sections magparticipate at magtatayo ng kanya kanyang stall at kung anong gimik ang pwede nilang gawin sa classroom nila. Kaya yung mga classmate ko todo ang isip kung anong itatayo nila at dahil nakakatamad, tinakasan ko sila dun. Kaya na nila yun, wala din naman akong maisusuggest eh.


Nang makapag-order kami, umupo na kami sa usual seat namin na katapat ng aircon. Sa init ba naman ng panahon, matitripan mo ding tumapat sa aircon. Tsk.


Nagsimula na kaming kumain. Pero hindi pa mandin sila nakakasubo ay nagtanong na ako. "Should I have a training guys? I mean, it's necessary for me to be trained, right?" kagabi ko pa iniisip yan eh. Baka lang kailangan ko magtraining para naman pagdating ng laban hindi ako pabigat sa kanila.


Tinignan nila akong apat. Binaba ni Yuki ang kutsara niya. "Not really. Sapat na yung paglaban mo sa chaos arena para bumalik yung pakikipaglaban mo." sagot niya.


"And about your abilities na sinasabi namin, hindi naman pinag-aaralan yun kasi biglaan lang din ang pagkatuklas natin dun." si Keith naman ang nagsalita.

The Vampire's Fangs 1&2(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon