Chapter 34

2.6K 63 6
                                    

Miya's POV


"Paano kayo nakarating sa lugar na ito? Hindi niyo ba alam ang panganib na dulot ng pagpunta niyo dito?" nagkatinginan kami ni Blue sa mabilis at parang nababagabag na pananalita ng lalaking nagtakip sa bibig ko.


Kanina lang, I was so damn scared nung may biglang nagtakip ng bibig ko at nagtutok ng patalim sa leeg ko. I almost freaked out. But the moment Blue held my hand para agawin ako sa lalaking to, bigla nalang kaming nawala at napunta sa isang lumang bahay. I thought it was Blue, but it was the guy who teleported us here.


I look at him. I guess nasa 19 up yung age niya.


"We are here for something." Blue answered. Seryosong tinitigan nung lalaki si Blue. He's not that scary face kasi may itsura siya sa totoo lang pero yung tingin niya kakaiba. May something talaga na ikakatakot mo.


"You're risking your lives for that 'something'. Kailangan niyo ng makaalis dito sa lalong madaling panahon." hinawakan nanaman niya ako sa wrist ko kaya napaalma ako kaagad.


"T-teka..." natatakot padin kasi ako sa kanya baka kung ano nanaman ang maisipan niyang gawin. Ayokong natututukan ng matutulis na bagay! It's freaking me out!


"Don't touch her!" hinila ako ni Blue pabalik sa kanya at itinago sa likod niya. "We won't leave unless hawak ko na ang kailangan namin dito." nakipagtitigan si Blue dun sa guy ng halos isang minuto. After that, the guy scratch the back of his head. Siguro napansin niyang wala kaming balak umalis hangga't hindi namin hawak ang makakapagpabalik ng alaala ni mom at dad.


"Okay okay. Halata naman ang pagiging matigas na ulo niyo, hindi ko na kayo pipilitin. Just a reminder, wag na wag niyong babanggain ang malalakas na mga witch sa islang to kung gusto niyo pang mabuhay." he warned. Tumingin ako kay Blue pero seryoso padin siyang nakatingin dun sa guy.


"Asul..." I slightly squeezed his arm. Para kasing nakakatakot yung banta niya eh.


"We know that." simpleng sagot ni Blue.


"Tss. Lalo na ang kasama mong babae, wag na wag mong ipapahawak o ipapakuha sa mga witch ang babaeng yan, she has the power that they need." dagdag pa niya saka tumingin saakin. "The smell of a vampire arouses the blood of a witch. At ang dugo ng shaman na nananalaytay sayo ay kinamumuhian ng mga witch and at the same time longing for it. Do you also know that?" he grin at us. Halos pangilabutan ako sa tono ng pananalita niya. Shockings! Hindi ko alam ang tungkol dun! And they want a vampire? They want me? That can't be!


Napahigpit ang kapit ko sa braso ni Blue dahil sa mga naiisip ko.


Hinawakan ni Blue ang kamay ko. "It's okay, I'm here. Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sayo. I swear that." Blue gave me a smile na nagpagaan ng loob ko. Naniniwala ako sa bawat salita ni Blue kaya hindi ko kailangan matakot.


Hindi ko pa kasi ganun ka alam gamitin ang kapangyarihan ko. The time when mom got hurt because of Claudia, kusa lang yun lumabas. Yung kapangyarihan namin ni Blue, bigla lang nabuhay. Siguro isa nadin yun sa naging dahilan kung bakit mabilis kaming lumaki ni Blue, hindi kinaya ng pang dalawang taong katawan namin ang lakas ng kapangyarihan at dahil nadin sa hindi namin namalayang paglabas ng matinding kapangyarihan sa katawan namin.

The Vampire's Fangs 1&2(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon