Chapter 8

4.9K 148 26
                                    

Misaki's POV.


Habang naghihintay sa apat na yun, ang daming tanong ang pumapasok sa utak ko at hindi ko padin masabi kung papaniwalaan ko ang mga sinabi saakin ni Usui.


Vampires? Therianthropes? Demons? Seryoso nga? Bakit may mga nabubuhay na ganung uri? Diba mga kathang-isip lang ang mga tulad nila? At bakit ako nakakapasok ng big city or should i call it Monster Palace? Ano ba ako? Tao din ba ako?


Urgh! I don't know! I don't know a thing anymore. Parang ang laking question mark ng nalaman ko. Oh jeez! In my 19 entire years of existence, I live a normal life with normal people around me, so how the heck should I digest this kind of revelations? Oh well, less the 18 years since parang isang taon palang naman akong nabubuhay. Psh.


Napahawak ako sa noo ko. Tsk! Baka mabaliw ako dito. Nasan naba yung apat na babaeng yun?! Bakit ba napakatagal nilang dumating?! 10 minutes na silang late! Deym. Konti lang ang pasensya ko pagdating sa paghihintay eh! Patay talaga saakin ang mga yun! -____-


"Ano ba Cess?! Bakit ba tulak ka ng tulak?!"


Oh, speaking of the bitches.


"Eh kasi kinakabahan ako eh!"


"Anong akala mo saamin hindi? Aish! I knew this would happen! Kaso parang napaaga!"


"Kesa magsisihan kayu diyan, bat di niyo nalang bilisan? Siguradong kanina pa umuusok sa inis si Saki..."


"Eeeeh! Yuki naman~~ Lalo mo lang kaming pinakaba sa sinabi mo eh!"


"Isa!!!" malakas kong sigaw para dinig nila. Magdadaldalan pa dun eh, di nalang kasi dalian ang paglalakad para makarating sila agad eh! Tss.


Agad kong narinig ang mga yabag nilang papalapit saakin.


Dito ako nagtambay sa bar area ng condo ko dahil gusto ko marefresh ang utak ko. I need to unwined a bit and ready my head for more revelations.


"Waaah! Master!"


"Misaki~~!"


"Yow Saki."


"Hi master."


Kanya kanya nilang bati saakin. Inikot ko ang high stool na inuupuan ko at tinignan sila isa isa. Tumayo ako para bigyan sila ng tag-iisang sapok sa ulo.


"Aray." iisang reklamo nila. Sinamaan ko silang lahat ng tingin.


"You're all aware that I hate waiting right?" nakapamaywang kong tanong sa kanila. Sabay sabay silang tumango. "Eh bakit kayo late?!!!!!?" biglang sigaw ko na ikinapitlag ni Cess at Chanon pero si Keith at Yuki ay napatingin lang sa kung saan. Sus, halatang di talaga sanay yung dalawang childish kapag sumisigaw ako eh. "ANYWAY! Wag nyo ng sagutin!" inirapan ko silang apat at tinalikuran.

The Vampire's Fangs 1&2(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon