"Tignan mo na kasi kaagad yung bahay. Ang ganda kaya." Sabi pa niya.

Pumasok na kami sa loob. Si Daddy na raw ang bahala sa pagpasok ng mga gamit.

"Ang laki ng picture mo r'on Ate! Ako ang pumili niyan!" Proud na proud pang sabi niya. Mas nalalaman pang pagsuntok sa dibdib niya.

"Bakit may picture ko sa sala, Mommy? >_< Parang ewan naman 'to. Nakakahiya kapag binisita tayo ng mga friends natin, ayan kaagad ang bubungad."

Parang loka naman ang mga 'to. Porket ako ang hindi sumama noong nakaraan, picture ko na ang inilagay T_T

"Ang ganda mo kaya riyan, anak." Sabi naman ni Mommy.

"Oo nga, Ate. Panakot sa daga hehehe."

"Gusto mong ma-hehehe sa 'kin, Luke? +_+" Banta ko sa kanya.

"Warfreak  ̄︿ ̄"

"Hwag na kayong magtalo pa riyan. Mei, ayusin mo na ang gamit mo r'on sa taas. Doon ka sa kaliwang pinto pag-akyat mo sa hagdan. Inakyat na ng Daddy mo ang gamit mo sa loob." Utos sa 'kin ni Mommy.

"Okay, Mom."

Umakyat na 'ko sa taas. Maliit lang talaga ang bahay. Dalawa lang ang kwarto dito sa taas tapos banyo yata itong nasa gitna >.>

"Mommy, saan ang kwarto niyo? Isa nalang nandito. Tabi kami ni Luke? ˋ︿ˊ"

"Oo 'nak." Rinig kong sagot niya mula sa ibaba.

"Hala, ayoko T_T"

"Luh, gusto ko ba?" Si Luke 'yon.

"Che! Hwag kang papasok dito a! +_+"

"Asa!" Sagot pa niya. Sarap talagang kutusan, grr!

Kulay pink ang kwarto ko. Nakaayos na naman ang higaan. May laces pa ang bedsheet. May chandelier, isang bedside table na may lampshade, may table rin na may salamin, tapos closet. Isang closet lang ang nandito, hati rin kami ni Luke? Ugh! >_<

Kinuha ko ang phone ko saka tinext ulit si Van.

My Van♥
Nandito na kami. Medyo maliit pala ang nahanap niyong bahay. Ang konti ng kwarto 😭
— sent

Hindi naman nagtagal, nagreply siya kaagad.

My Van♥
It's fine, believe me.
received

Hindi nga e, katabi ko si Luke. Duh? -_- Ang laki-laki na ng damulag na 'yon e.
— sent

Bonding! :P
— received

May pabonding-bonding pa 'to -.- Hindi kaya masaya!

"Baaaaabs!!" Rinig kong sigaw mula sa ibaba.

Nako, ang mga magugulo narito na hahaha.

Kaagad akong bumaba. Naabutan kong nakatingin silang lahat sa malaki kong picture. As in malaki kasi talaga. Sinakop isang pader doon sa sala -_-

I Knew You Were Trouble (SOON TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now