Starting my Forever with you 22

Start from the beginning
                                    

Tumayo siya ng nakita ko.

Maya:  Hi Ms. Kath...

 

Kath: Kanina pa ba sila nagsisimula??

 

Maya: Hindi naman po mam..kakarating lang din po Sir Brent.

Ngumiti ako at patakbong pumasok sa conference hall. Kompleto na sila, naroon na rin ang mga executives from CGC including Aria and Brent.

Tumingin sila sa akin. I took the seat beside Miles.

Kath: Good afternoon everyone...I am sorry I’m late.

 

Aria: Don’t worry Kathryn..We know that you’re on leave today.

 

I just smiled back. Hay nako alam niyo naman pala eh...

Tiningnan ko si Brent. Abalang abala siya sa pagbabasa ng reports. Hindi niya ako pinapansin, eh nung isang araw lang may pa Loc the door lock the door pang nalalaman.

Namatay ang ilaw at liwanag mula lang sa screen ang nagbibigay ilaw  sa buong kwarto. Tumahimik na ang lahat ng magsimula ng idiscuss ni Mr. Rosales ang bagong proposal sa bagong event na gagawin.

 

BRENT’S POV

 

Nauna na si Aria sa Brandworks, may dinaanan pa kasi ako. Bumaba ako sa main entrance, ipinapark ko na lang ang kotse ko. Pababa na ako ng makita kong mabilis na dumaan ang kotse ni Kathryn. Nagmamadali siya?? nakita kong bumaba siya. Nakakabilib naman ang babaeng to...masyadong dedicated sa trabaho.

May driver na rin siya?? Pilit kong tiningnan ang mukha ng kasama niyang driver....si Robie???

Kumunot ang noo ko. Nagleave siya para makasama ang lalakeng ito? Mas iniisip pa niya ang pakikipagdate??? Nabura ang lahat ng papuri ko sa kanya. Bad trip. Sus!

MY HEART SAYS "IT'S YOU" BOOK 2Where stories live. Discover now