Starting my Forever with you 25

ابدأ من البداية
                                    

 

Don't know if I could ever be Without you cause boy you complete me And in time I know that we'll both see That we're all we need

Cause...........................................

Nabitawan ko ang earphones. Ibinalik ko sa dati nitong kinalalagyan. Bakit? Bakit iba ang epekto ng kantang iyon?? Napalunok ako. Parang alam ko ang kanta pero hindi ko alam kung kelan ko napakinggan.

Nakita kong pabalik na si Kath. Inayos ko ang upo ko. Hindi niya pwedeng mahalata na may kung ano akong nararamdaman. Umupo na siya sa harap.

Kath: May problema ka?

 

Brent: Ah ...eh....wala..........

Buti na lang at dumating na ang order namin. Kinuha niya ang Ipad at inilagay niya ulit ang earphones sa tenga niya. Nagulat ako ng bigla niyang hilahin ang earphones at patayin ang Ipad. Kathryn......anong meron sa kantang yan?????

KATH’S POV

 

Nagpaalam ako para magpunta sa CR. Grabe talaga magsalita ang lalakeng yon...walang preno. Ako payat? Akala mo kung sinong mataba kung magsalita. Grabe.

Kathryn.....matagal kayong magsasama ni Brent Arellano, dapat lang na masanay ka sa presensya niya.  Binasa ko ng konti ang mukha ko para naman magising ako sa realidad. Kathryn wag mong ihambing si Dj sa kanya....maawa ka naman sa sarili mo.

Pagbalik ko wala parin ang order namin, pero mas napansin kong parang nababagabag si Brent.

Kath: May problema ka?

Brent: Ah eh...wala.........

 

Umupo ako sa harap na upuan. Kinuha ko ang earphones ko at inilagay ulit sa tenga ko iyon. Nagulat na lang ako ng PERFECT TWO na naman ang tumutugtog. Badtrip naman talaga oh. Hinila ko bigla ang earphones. Pinatay ko ang ipad at itinabi sa bag ko. Alam kong nagulat siya sa reaskyon ko, pero alam ko namang hindi niya alam kung ano iyon kaya wala akong pakialam.

MY HEART SAYS "IT'S YOU" BOOK 2حيث تعيش القصص. اكتشف الآن