Chapter 58: Party Preparation

26.1K 574 26
                                    

Chapter 58: Party Preparation

•••Keira•••

Pagkatapos naming mag-usap ni Terrence dumiretso na ako sa Aerondale Mansion. May mga bagay paring gumugulo sa isip ko but I already made up my mind. I just hope its the right decision for all of us.

Busy parin ang lahat sa pag-aayos para sa 'party', Sven is incharge of defense, sya ang bahala sa seguridad ng lahat during the party. Base sa nalalaman ko, hihigpitan nila ang security during that time pero mag-iiwan sila ng puwang na maaaring lusutan ng kalaban. They will leave an opening in order to trap the enemy the enemy inside.

As for Raven, he is in-charge of the invitations. As I've already said, this is not your average party kaya naman ang lahat ng imbitado ay parte ng mafia o di kaya ay konektado sa mafia world.

"Lorraine May Almirante, Kayla Nicole Solis, Maria Catherine S. Olleta, Marimel Enriquez .. Tsk. Kung hindi ko lang talaga kilala tong mga babaeng to, baka inisip ko nang nag-pa-party ka lang para mambabae eh"

Narinig ko ang boses ni Ann Dee mula sa library, nakaawang ang pintuan kaya naman kahit medyo malayo pa ako ay narinig ko na ang boses nya. Sinilip ko silang dalawa ni Raven sa loob, mukhang pinagtatalunan parin nila hanggang ngayon ang guest-list.

I remember those girls, nung una pinagselosan ko sila, sino ba naman ang hindi magseselos kapag nalaman mong puro babae ang boss ng mga mafia orgs na under kay Blaze but in the end I've realized that they are good people and I don't have anything to worry about.

"At sino naman tong Jecil Calzado, Reinalyn Baluyut at Shawn Prado na to? Wag mo sabihing isa sa kanila ang babae mo?"

Muntik na akong matawa sa sinabi ni Ann Dee. I knew those girls, well I don't really know Jecil personally, alam ko lang na kaibigan sya ni Rein na secretary ko at ni Shawn na wedding coordinator ko. Minsan talaga iba ang nagagawa ng selos sa ibang tao.

"Wala akong babae!" tanggi ni Raven pero muling pinag-duldulan ni Ann Dee ang guest list sa mukha nya.

"Anong wala? At sino naman si Shanemarites Lopez, Rose Dela Vega-Sison, Kryllene Kim, Rhian Ruffa at bakit itong si Zach Daniel Dela Cruz lang ang nag-iisang lalaki dito sa guest list mo ha?"

"Ano ka ba kamag-anak namin yang mga yan, well except for Zach but don't mind him dahil dumi lang sya sa kuko ko! Kung hindi lang talaga kailangan hindi ko naman iimbitahin yan eh. Psh"

When Raven mentioned the name of that guy he seemed annoyed which pique Ann Dee's curiosity. Well to be honest he also pique mine, sino naman kaya sya at mukhang kinaiinisan sya ng matindi ni Raven? As far as I know naiinis lang si Raven sa mga taong hindi nya mapag-tripan o kaya ay sa mga taong mas gwapo sa kanya.

"So sino nga sya at bakit mukhang naiinis ka sa kanya?" nagtatakang tanong ni Ann Dee, mukhang nawala na yung 'pagseselos' nya dahil mukhang naging mas interesado na syang malaman kung ano ang meron sa taong yun para kainisan sya ni Raven.

Sus, if I know tactics nya lang yun para makatakas sya kay Ann Dee ...

Dahan dahan kong isinara yung pinto in a way na hindi nila mapapansin. Iiwan ko na muna sila tutal mukhang okay na silang dalawa. Pupuntahan ko na muna yung kambal, sa sobrang dami ng nangyari at iniisip ko these past few days hindi ko na nakaka-bonding ang mga anak ko.

Pumunta ako sa kwarto nila pero isang katulong lang ang nadatnan ko dun na nag-aayos ng mga gamit nung kambal. Tinanong ko sya kung nasaan sila na agad nya namang sinagot. According to her, kinuha daw ni Blaze ang mga anak namin dahil balak daw nitong ipasyal sila sa may rose garden. Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon, bumaba ako at dumiretso ako sa may garden kung nasaan ang pamilya ko.

Cinderella Is Married To A Gangster! 2 (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon