Chapter 13: Lovers

60.5K 1.3K 77
                                    

Chapter 13: Lovers

•••Bullet•••

I can't help but smile. I know I am far from my goal, but I can feel it, little by little, I'm slowly reaching it. Maghintay ka lang Zoe, sooner or later I'll get that revenge that you deserve. As for you Keira, just wait and see, kung inaakala mong wala na akong pasabog, pwes nagkakamali ka.

Nagsalin ako ng wine sa kopitang nakapatong sa table ko, what's a little celebration for that little victory right? Sa totoo lang nag-enjoy talaga ako ng matindi sa game na yun. Sa lahat ng mga taong napaglaruan ko, sa kanila ako pinaka-nag-enjoy, maybe because of the fact na sa lahat ng pinaglaruan ko sakanila lang ako nakadama ng matinding galit. Nung maubos ko ang iniinom ko, nagsalin na naman ako neto at nasa kalagitnaan ako ng pagsasalin ng bigla na lang bumukas ang pintuan. Isa lang naman ang binigyan ko ng susi ng pad ko kaya hindi ko na kailangan pang manghula.

"Bullet" galit ang tonong bigkas ni Terrence sa pangalan ko. Hindi ko alam kung bakit parang galit sya sa akin ngayon pero binigyan ko padin sya ng matamis na ngiti, bagay na alam kong magugustuhan nya. Nakita kong kumislap ang mga mata nya pero nanatiling galit ang expression ng mukha nya.

"Bullet, why did you that?"

"Do what?" I ask curiously.

Hindi ko talaga maintindihan kung ano ang kinakagalit nya ngayon. Alam nya naman kung ano ang plano, in fact this wouldn't be possible if not for him.

"Pwede ba Bullet, wag ka nang mag-maang maangan! Alam kong alam mo kung ano ang sinasabi ko!"

Inis akong tumayo at humarap sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang pinagpipilitan nyang ginawa ko, and the way he is shouting at me right now is pissing me off, big time.

"The fuck! Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo kaya pwede ba Terrence pakilinaw!" I shouted. He's really getting on my nerves.

"Ang plano tatakutin mo lang sila. I even helped you with the preparations! Pero bakit pati yung dalawang pamangkin ko dinamay mo pa sa plano! Then you even killed an innocent person!"

Napaisip ako sa sinabi nya. Well its true, our plan is just to scare them off and ruin their wedding. First we will abduct Ann Dee and put her in the library, I'll take a picture of her and send it to Keira. I know she's the reckless type kaya alam kong ililigtas nya ang bestfriend nya without thinking about the consequences or her safety. We then moved Ann Dee to the maze, pero bago kami umalis sa library nag-iwan muna ako ng clue para malaman nya kung saan sya susunod na pupunta, and the chase begins. Kumuha din si Terrence ng damit nung kambal para pandagdag panakot sa kanila pero hanggang dun lang kaya naguguluhan ako sa sinasabi nyang idinamay ko pa ang mga pamangkin nya.

"Well, about that guy, I did kill him dahil nabadtrip ako sa kanya pero sa sinasabi mong pagdadamay ko dun sa kambal, hindi ko maintindihan kung ano ang gusto mong palabasin"

"Really? Hindi mo alam? Then how come natagpuan sila nina Keira at Blaze sa loob ng maze?! Paano mo ipapaliwanag yun? Alangan namang naglakad silang dalawa? Nagteleport ganun? Psh!"

Nabigla ako sa sinabi nya. Totoo ang sinabi ko, I did kill that waiter dahil nabadtrip ako sa kanya. I specifically ordered him to give Keira that box and make sure she opens it and find whats really inside. Alam ko namang may pagka-slow ang babaeng yun kaya nga inutusan ko yung waiter na siguraduhing makikita nya kung ano talaga ang laman nun. But no, hindi pa man nabubuksan ni Keira yung box nilayasan nya na. Idiot. But about the twins wala talaga akong kinalaman dun.

"I swear wala akong kinalaman dun sa kambal, hindi ko sila ginalaw kaya hindi ko alam kung paano silang napunta dun"

"Pwes kung hindi ikaw? Sino?"

Cinderella Is Married To A Gangster! 2 (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon