Chapter 33: Baby's Day Out

44.1K 796 34
                                    

Chapter 33: Baby's Day Out

•••Keira Ashlyn•••

"Keira my dear daughter, malapit na ang binyag, birthday ng mga apo ko, how are the preparations going?"

Napatingin ako sa nagsalita which turned out to be my Mother in Law, Mommy Arisa. Ever since the twins came, hindi na sila masyadong nagta-travel abroad ng kanyang asawang si Daddy Vash dahil ika nga nila mas gusto nilang alagaan ang mga apo nila. Madalas nga nila kaming sabihan ni Blaze na sundan na yung kambal ehh. Madalas din nilang udyukan sina Raven at Ann Dee na magpakasal na para magkaroon na rin sila ng apo sa kanila at baka sakali tumino na si Raven once na maging isa na syang ama.

"Okay naman po, everything is going smoothly pero hindi pa po 100% complete"  sagot ko.

"Well that's good to hear. Anyway, may napili ka na ba kung ano ang isusuot nilang dalawa?" If there is one thing she loves to do, yun ay ang bihisan at bilhan ng mga cute na damit yung kambal kaya naman hindi na nakapagtatakang pagtuunan nya ng pansin ang isusuot ng kambal sa epecial day nila.

Pero natigilan ako sa tanong nyang yun. Come to think of it, hindi pa ako nakakapili ng isusuot ni Hikaru at Hikari, yung invitations, venue, food and decor palang kasi ang naaasikaso ko at ni Ms. Shawn Prado.

"Ahh , wala pa po akong napipili. Nawala po kasi sa isip ko" sabi ko.

"Ayos lang yan iha, the twins are growing fast naman and before you know it dalaga at binata na sila. Kaya mabuti nadin yung bumili ka ng isusuot nila a week before the event para hindi nila malakihan kaagad ang mga clothes nila. Pero kung gusto mo, why don't we go to the mall right now together with the twins, window shopping lang, what do you say Keira?"

"Sige po, walang problema sa akin" window shopping daw but if I know kapag hindi sya nakatiis bibilhin nya lahat ng damit na magustuhan nya sa mall para dun sa kambal. In a way, sa kanya siguro namana ni Blaze at Raven yung ugali nilang bibilhin talaga LAHAT basta matripan nila ang bagay na yun. Hihi.

"So shall we?" Aya sa akin ni Mommy Arisa. Nasa rose garden kami ngayon, karga karga nya si Hikari habang karga karga ko naman si Hikaru. We were having tea, pampalipas oras dahil busy sa office ang mga Aerondale boys ng buhay namin. As for my best friend Ann Dee, she's currently at the kitchen baking something, yun ngang binebake nya ang hinihintay namin kanina pa hanggang sa maisipan na ni Mommy Arisa na mag-malling.

"Paano po si Ann Dee? Hindi po ba natin sya isasama?" Tanong ko.

"Isama natin sya, the more the merrier nga diba, tawagin mo na sya. Baka napano na yun sa may kitchen"

Agad naman akong tumayo at nagpunta sa kitchen habang karga karga ko si Hikaru. Pagdating namin sa kitchen naabutan namin si Ann Dee na ... kumakain??? Akala ko naman natabunan na sya ng mga binebake nya yun pala tinamaan sya ng gutom kaya heto at lumalamon. Tsk tsk.

"Grabe ka Ann Dee, kanina ka pa namin hinihintay pero busy ka palang lumamon" nang-aakusa ang tonong sabi ko. Mapang-asar ko din syang tinignan at nakakatawa lang dahil muntik na syang mabilaukan dahil sa pagkagulat. Hindi nya siguro ini-expect na pupuntahan ko na sya.

"K-keira! Grabe ka muntik na akong mamatay dun ahh!" Sabi ni Ann Dee pagkatapos nyang uminom ng tubig. "Tss. Kasalanan na bang kumain kung nagugutom ka? Ang tagal kayang ma-bake ng mga to, syempre habang naghihintay kumain na ako"

"Yung totoo? Ilang oras ba bago ma-bake yan? Isang oras at kalahati na kaya kaming naghihintay ni Mommy"

"30 minutes lang to"

Cinderella Is Married To A Gangster! 2 (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon