Chapter 50: Reunion

41.8K 781 44
                                    

Chapter 50: Reunion

•••Keira Ashlyn•••

"Nasaan sila?" Malamig ang tonong sabi ni Ann Dee. Pangatlong tanong nya na ata yan sa secretary ni Blaze pero hindi nya padin kami sinasagot. Hindi ko alam kung pipi ba sya, o baka naman natatakot lang sya sa aming dalawa o di kaya ay masyado syang loyal kina Blaze at Raven kaya pinagtatakpan nya ang mga 'activities' nila. But whichever is it I can only guess.

"Uulitin ko ha, NA-SA-AN SI-LA?" Nanggigigil na sabi ni Ann Dee pero as usual ay wala padin kaming nakuhang sagot mula sa kanya. Nakatungo lang sya at mukhang trip nyang titigan yung sahig.

Dahil sa pananahimik nya, padabog na inihampas ni Ann Dee ang kamay nya sa lamesa sabay walkout sa kung saan. Agad ko naman syang sinundan pero masyado syang mabilis maglakad kaya naman naabutan ko lang sya nung huminto na sya sa may ladies room.

"AAAHHHHH! ASAR!" Sigaw nya pagkapasok na pagkapasok nya sa may pintuan. Mukhang na-badtrip talaga sya ng malala. Kahit ako din siguro ma-ba-badtrip sa ganun, tatanungin mo ng maayos tapos isang nakakabinging katahimikan lang ang isasagot sayo, nakaka-ubos kaya yun ng pasensya. Pwede nya namang sabihing hindi nya alam o kaya magsinungaling na lang sya na nasa planet mars yung dalawa eh, anything but silence.

"Hey easy, wag masyadong ma-highblood" pang-aalo ko kay Ann Dee. Nilapitan ko sya at idinantay ko ang kamay ko sa balikat nya at hindi ko ito tinanggal hanggat hindi ko nasisigurong kalmado na sya.

"Nakakainis kasi eh. Ang ayos ng tanong ko tapos wala man lang akong makuhang matinong sagot. Buti pa yung secretary mo, si Reinalyn, buti pa yun maayos kausap, yung totoo saan ba nila nakuha yang secretary nila. Badtrip"

Napangiti naman ako nung marinig ko ang pangalan ni Reinalyn, miss ko na sya, hindi na kasi kami masyadong nagkikita dahil madalang na akong pumunta sa office pero nagkakausap parin naman kami paminsan minsan via messenger or text messages.

"Okay lang yan Ann Dee, ang mabuti pa hanapin na lang natin yung dalawa, suyurin natin bawat floor, mula ground floor hanggang sa rooftop" suhestiyon ko. Alam ko nakakapagod but what can we do? Wala kaming makuhang impormasyon kung saang lupalop nagtatago yung dalawa kaya sariling sikap kami sa paghahanap. Nagtataka siguro kayo kung bakit namin ito ginagawa, well to be honest, Blaze and Raven are acting suspicious this past few days kaya naman napag-pasyahan namin ni Ann Dee na mag-imbistiga. I know this is not the first time we did this kind of thing at nangako ako sa sarili kong magtitiwala na ako sa asawa ko no matter what .. pero ang hirap kasi talaga eh, kung ano anong scenario ang pumapasok sa isip ko. Easier said than done ika nga nila.

"Mabuti pa nga Keira" sang-ayon nya.

"So saan tayo magsisimula?" Maya maya ay tanong ko na agad nya namang sinagot.

"Sa rooftop na lang siguro tayo magsimula hanggang sa makarating tayo sa groundfloor para kapag hindi talaga natin sila nahanap then diretso gala na lang tayo, kung ayaw nilang magpakita then bahala sila sa buhay nila. What do you say?"

"Sounds good" I said but at the back of my mind, there's a part of me who wants to find those two real bad. Eh kasi naman hindi ko mapigilan ang mag-isip ng kung ano ano. Daig ko pa ang asawang paranoid. Hinila na ako ni Ann Dee papunta sa may emergency stairs pero bago pa man namin marating yun ay bigla na lang itong bumukas at humahangos na lumabas ang mga men in black ni Blaze at Raven. Madami sila at mukhang may mga kasunod pa sila, pero naagaw ang atensyon ko ng mga taong buhat buhat nila. Dalawang lalaki ang buhat buhat nila, hindi ko alam kung wala lang silang malay o mas grabe pa ang nangyari sa kanila pero masasabi kong mukhang masama ang kalagayan nila because they look so lifeless. Ano ang nangyari sa kanila at nagkaganun sila? Mukhang may nangyayaring kakaiba sa itaas. Makiki-usyuso pa sana ako pero hinila ako ni Ann Dee sa kung saan at pasimple kaming nagtago.

Cinderella Is Married To A Gangster! 2 (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon