Chapter 28: Visitor

43.2K 873 58
                                    

Chapter 28: Visitor

•••Bullet•••

"Bullet, may I ask you something?"

"Yes? What is it?" Agad na sagot ko. Hindi ko sya tinignan at nanatiling nasa mga taong dumadaan ang paningin ko.

"Have you ever been in-love?"

Nabigla ako sa tanong na yun ni Sky kaya hindi kaagad ako nakapag-salita. Tinignan ko sya ng seryoso at saglit kong pinag-isipan yung tanong nya sa akin. Have I ever been in-love? I cannot say for sure. The only love that I know is my love for my sister Zoe, nothing more and nothing less. I love my mother and father pero mas matindi ang pagmamahal ko para sa kapatid kong si Zoe.

"I love my sister more than my life, does that one counts?" I answered truthfully.

"Well familial love doesn't count, what I'm really asking is have you ever been in-love with a person who isn't part of your family? Like a boyfriend? A prospective husband? Ka-MU? Basta someone who is not part of your family"

Sumagi sa isip ko si Terrence when he mentioned the word 'boyfriend' pero agad ko din syang binura sa isipan ko. I don't really consider him as a boyfriend, he is just a part of my plans, just one of my pawns. I need him back then, but now isa na lang syang pang-gulo sa buhay ko.

"No, I don't have something like that. At this point in my life, falling in-love is just a nuisance, a distraction. Love can get you killed you know"

Like my sister Zoe, alam ko namang hindi mangyayari ang lahat ng ito if not for her so called love. My sister love Blaze so much, she did everything para lang mapasakanya ito but in the end, that love killed her. Blaze killed her to protect the one he loves. Kaya ako, I will never ever fall in-love. I only have revenge in my mind, body and soul.

"Pero nagkaroon ka na ng boyfriend?"

"Yes" tipid na sagot ko.

"Hmmmm, pwede ko bang malaman ang pangalan nya?"

Tinaasan ko ng kilay si Sky sa tanong nyang yun. Tss. Daig nya pa ang paparazzi kung makapag-tanong. I don't know what's with him, basta ang alam ko lang hindi ako natutuwa sa pagtatanong nya.

"Why do you want to know?" Seryosong tanong ko, tinitigan ko pa syang mabuti para malaman nya na seryoso ako at wala akong ganang makipag-biruan.

"Wala lang, curious lang?"

"Fine" sagot ko. Wala namang mawawala sa akin kung sasabihin ko sa kanya ang pangalan ng lalaking yun. Besides, I don't think he'll stop pestering me if I don't answer his question. Its not like I love Terrence or something like that para hindi ko masabi ang pangalan nya.

"His name is Terrence Coltier"

"Ohhh ... interesting. Hindi ba sya yung kapatid ng mortal mong kaaway?"

"Yes" tipid na namang sagot ko. Wala talaga ako sa mood makipag-usap, ewan ko ba dito kay Sky at ang daldal nya ata ngayon. Wala akong pakealam sa ibang bagay basta ang mahalaga lang sa akin ay ang mapatay sila at mapagbayaran nila ang ginawa nila sa kapatid ko.

"So basically, you used that person for your own selfish reasons? Hindi ka man lang ba nakaramdam ng kahit na konting pagmamahal para sa taong yun?"

What the fudge? Ano ba ang pinagsasabi ni Sky? Para syang na-ngo-ngonsensya na ewan. Too bad, wala akong konsensya.

"Yes" tipid na namang sagot ko.

Cinderella Is Married To A Gangster! 2 (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon