Chapter 41: Past

35.8K 743 8
                                    

Chapter 41: Past

•••Keira Ashlyn•••

"I don't have much time my dear so listen well .. Alam ko hindi mo pa ako lubusang pinagkakatiwalaan, but its okay, dahil walang sekretong hindi nabubunyag, sooner or later papaniwalaan mo din ang mga sinasabi ko whether you like it or not. So, are you ready to know the truth?" Tinignan nya ako ng seryoso na para bang naka-depende sa isasagot ko kung itutuloy nya ba ang sasabihin nya o hindi, so I simply nod at her in response at ipinagpatuloy nya na ang pagsasalita.

"But before I start, may alam ka na ba kung paano kami nagkakilala at nagsimula ng ama mo? Dahil kapag nagsimula pa ako sa pinaka-umpisa I'm afraid na kukulangin na tayo sa oras" Nag-aalangang sabi nya, she even looked at her wrist watch and at the window na para bang iniisip nya na any moment ay lalabas dun si Blaze na hindi naman malabong mangyari dahil may lahing mushroom ata ang asawa ko.

"Yes may mga alam na po ako, bits and pieces of the story I guess?" Agad na sagot ko. I don't know the full details of the story basta ang alam ko lang, my father and the Aerondales are friends with each other except for my real mother dahil naging kaibigan na lang naman nila sya nung naging sila na ni Daddy. At ang alam ko lang right after marrying him dun na naging komplikado ang mga bagay bagay. Minsan na kasi akong nag-pa-kwento kay Mommy Arisa, she told me about my parent's love story pero hindi naman nya i-kinuwento ng buo dahil masyado na daw tragic ang nangyari after their marriage. "Konti lang po ang nalalaman ko, basta ang alam ko lang po magkakaibigan kayo and something bad and tragic happened after you married dad"

"Yes your right. Akala ko magiging masaya at maganda ang buhay namin pero mali pala ako ng akala. I love your father very much but he is a fool! He is a fool to put his trust in them. Sa sobrang pagtitiwala nya sa kanila, hindi nya alam na yun pa pala ang ikakasira ng pamilya nya. He is a fool, then there is also that woman, isa sya sa mga dahilan kung bakit hindi bou ang pamilya natin ngayon anak"

There are a lot of things that baffles me regarding her statement, first 'them' hindi ko alam kung sino ang mga taong tinutukoy nya, second 'that woman' just like the persons she mentioned earlier I'm also clueless about her identity, hindi ko din alam kung ano ang ginawa nya para masira ang pamilya namin. But I let her talk to her heart's desires kaya naman nanahimik na lang ako kahit na kating kati na akong magtanong.

"At first I trusted them too, after all they are your father's friends but after a while I started to question their loyalties na sana ay nung umpisa ko pa ginawa"

"Ba-bakit po?" Hindi ko na napigilan ang magtanong, ang balak ko sana hahayaan ko lang syang mag-salita ng mag-salita at pakikinggan ko lang ang bawat sasabihin nya but what she said pique my curiosity some more.

"They are evil" tipid na sagot nya. At mababakas mo ang galit base na rin sa tono ng boses nya.

"Hi-hindi ko po kayo maintindihan" kinakabahang sabi ko. May feeling ako na hindi ko magugustuhan ang mga susunod nyang sasabihin, diba nga matagal na nyang sinasabi sa akin na wag akong magtiwala sa mga Aerondales. Maaaring sila ang tinutukoy nya at yung babaeng sinasabi nyang naging isa sa mga dahilan ng pagkawasak ng pamilya namin ay ang mommy nina Zoe at Bullet, after all according to Mommy Arisa, bago nakilala ni Dad si Mom, ang babaeng yun ang girlfriend nya.

"Alam kong alam mo kung ano ang sinasabi ko, ayaw mo lang tanggapin sa sarili mo dahil ang tinatawag mong pamilya ngayon ang syang naging dahilan kung bakit nasira ang pamilya natin"

Pagkatapos nyang sabihin yan parang tumigil ang mundo ko. Hindi ko lubusang maintindihan kung ano ang gusto nyang ipahiwatig o mas tamang sabihing ayaw tanggapin ng sistema ko kaya nanahimik na lang ako at itinuon ko ang mata ko sa sahig. Para akong kinakapos ng hangin. Mabigat sa dibdib.

Cinderella Is Married To A Gangster! 2 (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon