Chapter 03: Maddie

90.6K 2K 78
                                    

Chapter 03: Maddie

•••Keira Ashlyn•••

Famous people, you either hate them or idolized them. The thing with famous people is that you don't know them at all, you may hate them and like them for the wrong reasons. They can show you a side of them that is far from the real them. They can also be deceiving, just like this person in front of me right now.

"So, have you decided already? Like seriously, gaano ka ba katagal mamili ng design? I've been here for an hour already you know. Madami pa akong kleyenteng kailangang puntahan. Can you please pick already, your wasting my time!" She looked at me with disdain then she rolled her eyes at me. Tch. Mahipan sana ng hangin yang mata mo para di na bumalik sa dati! Asar lang. Pasalamat sya at hindi ako mahilig makipag-away. "Ahh ehh, pasensya na .. Hindi pa kasi ako makapag-decide. S-sorry."

Tch. I hate this person. She is Mandy Montalla, Maddie for short according to her, a famous designer whom Blaze's mother recommended para gumawa ng wedding gown ko. She's beautiful, mukha syang supermodel dahil ang tangkad nya tapos ang sexy nya pa and she looks fashionable pero ang taray taray nya. Kung hindi lang talaga sya nirecommend ng mommy ni Blaze, hindi ako magpapagawa sa kanya ng gown ko. I hate her and little by little she's becoming much more intolerable.

At first she seems okay, she looks so sweet and innocent but under that facade lies a bitch. Yes a bitch. Kaninang kasama ko si Blaze ang bait bait nya plus mukha pa syang accommodating at inosente pero nung nawala na si Blaze, inilabas nya na yung tinatago nyang sungay. Somehow, she reminds me of Zoe. Parang ganito din kasi yung ugali ni Zoe sa akin nung panahong nabubuhay pa sya. But unlike Zoe, this person seems much more intimidating. Kung masungit at mataray si Zoe, mas doble pa ang taong ito. Medyo natatakot ako sa kanya kaya kahit na gustong gusto ko syang barahin sa pagtataray nya, hindi ko magawa.

"Pwede ka namang umalis kung naiinip  ka na, ipapadala ko na lang sayo yung design na mapipili ko. Baka kasi maabala pa kita sa iba mo pang mga appointments or balak na puntahan?"

Pwede naman kasi syang umalis ehh, tsaka balita ko ako ang costumer nya, at may kasabihan nga tayong THE COSTUMER IS ALWAYS RIGHT. Ako yung costumer pero ako pa ang tinatarayan nya. Nakakainis lang. Pssh. Di naman ganun kaganda mga designs nya eh. Hashtag bitter ampalaya.

"Whatever" she said then once again she rolled her eyes at me. Sarap nyang bulagin oh. Kung pwede lang talaga eh, bubulagin ko na sya o kaya dudukutin ko ang mga mata nyang daig pa ang marble sa pag-gulong.

After saying that tumayo na sya sa kina-uupuan nya kaso lang biglang bumukas ang pintuan at bigla na lang pumasok sina Tita Minerva, Shannon at Deniece and being the famous designer that she is, syempre pinagkaguluhan sya nung tatlo.

"Naku Mam Maddie, ang ganda ganda mo po talaga sa personal, sana po ikaw din ang magdesign ng wedding gown ko in the future!" Shannon said mukhang nagshi-shining shimmering pa yung mga mata nya habang nakatitig sya kay maddie. Sige na, ikaw na ang super fan.

"Mam Maddie, idol na idol po kita! Ano pong sekreto mo, bat ang ganda ganda mo? Pwede po bang malaman para maging magka-sing-ganda na tayo?" Sabi naman ni Deniece na mukhang nagshi-shining shimmering din ang mata katulad ng kapatid nya. Gusto nyang malaman ang secret ni Maddie, I doubt it kung i-she-share yun sa kanya ni Maddie, secret nga diba meaning di pwedeng malaman ng iba.

"Sikat na sikat ka na talaga, pwede bang magpa-picture, ipapakita ko lang sa mga amiga ko" sabat naman ni Tita Minerva. Yung totoo, kelan pa nagkaroon ng interes si Tita Minerva sa fashion at sa mga fashion designer? Ni hindi ko nga alam na may alam pala sya sa field ng fashion. Totoo talaga ang kasabihang don't judge a book by its cover.

Cinderella Is Married To A Gangster! 2 (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon