Chapter 09: Wedding Part 3

64.3K 1.4K 182
                                    

Chapter 09: Wedding Part 3

•••Keira Ashlyn•••

"Congratulations to the both of you! Congrats! Best wishes" paulit ulit na lang ang naririnig ko, sa dami ng bisita hindi ko na mabilang kung ilang tao ang lumapit sa amin at bumati pero majority nila ay puro kababaihan kaya imbes na matuwa ay medyo naiirita ako.

Sino ang hindi maiirita? Paano ba naman kino-congratulate nga nila kami pero kay Blaze lang sila nakatingin, kay Blaze lang din sila nakikipag-kamay, Am I invisible or what??? Kung pwede ko lang talagang pagbabarilin tong mga to eh, kanina ko pa ginawa. Tsk.

"Alam mo konti pa magdidikit na yang kilay mo, what's bothering you?" Agad akong napatingin kay Blaze nung magsalita sya sa tabi ko at medyo nabigla pa ako dahil ang lapit lang ng mukha nya sa akin at nakikita ko yung mapang-akit nyang mga labi. "A-ah wala naman" pagkakaila ko, ngumiti pa ako para hindi nya mahalata na badtrip ako. Maliit na bagay lang naman yung kinakabadtrip ko kaya hindi na kailangan pang gawing big deal.

"Tch. You can't lie to me, I know you well enough. Ano nga ang problema mo? Are you tired? Gusto mo bang magpahinga na tayo? Are you hungry?"

Hindi naman ako pagod, in fact ang dami ko pa ngang energy eh, hindi din ako gutom, sadyang hindi ko lang talaga nagustuhan yung kilos ng mga female guest ni Blaze. Kung bakit ba naman kasi puro babae ang bisita ni Blaze eh.

"Okay lang ako, wala akong problema kaya hindi mo ako kailangang alalahanin Blaze" I smiled at him to show him that I'm okay. Besides, nakakabadtrip nga sila pero hindi naman sila yung klase na nanggugulo talaga at hayagang nagpapapansin kay Blaze kaya mato-tolerate ko pa sila. "Okay, if you say so. But if your not feeling well or you need something sabihin mo lang kaagad sa akin ha?"

"Opo hubby"

Nandito na kami sa Aerondale Mansion kung saan ginaganap ang reception, nakapagpalit na din ako ng gown, from my wedding gown na napaka-haba ng train I changed into a simple cocktail dress na white din ang kulay para makakilos ako ng mabilis at komportable. Maganda yung wedding gown ko pero medyo nabibigatan kasi ako dun dahil punong puno yun ng diamonds tapos napakahaba pa ng train.

By now everyone is already in the party mood. Everyone is eating, dancing or chit-chatting with their colleagues. Basically everyone is having fun. Naka-upo lang kami ni Blaze dito sa table namin. Hindi ko naman kasi kakilala at ka-close ang mga bisita namin kaya wala akong malapitan. Ang mga parents namin ni Blaze, nasa iisang table kasama ang mga associates nila na kasing-tanda rin nila. Ayoko namang pumunta dun dahil for sure hindi rin ako makaka-relate. As for Tita Minerva and her daughters, ewan ko kung nasaan na sila, basta narinig ko silang nagpa-plano kanina na balak nilang mamingwit ng matabang isda. Pssh. Yung bestfriend ko naman at yung boyfriend nya, ewan ko kung nasaan, pero I'm sure gumagawa na naman sila ng kalokohan somewhere.

Maya-maya pa ay bigla kong nakita si Raven at mukhang papalapit sya dito sa table namin ni Blaze. "Hello newly weds!" Bati sa amin ni Raven pagkalapit nya. Naghello din ako sa kanya pero si Blaze tinaasan lang sya ng kilay.

"Keira, pwede ko bang mahiram si Blaze kahit na saglit lang? Please please please"

"Bakit anong meron?"

"Gusto kasi syang makasama nung mga kababata namin kaya hihiramin ko muna sya kahit saglit lang, kung okay lang sayo, Promise, ibabalik ko din sya kaagad sayo!"

"Kung ako ang tatanungin mo, okay lang sa akin, walang problema. Pero ako ba dapat ang tinatanong mo? Hindi ba dapat si Blaze ang tanungin mo dahil kahit na pumayag ako nasa kanya padin naman ang final say kung sasama sya sayo o hindi?"

Cinderella Is Married To A Gangster! 2 (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon