Chapter 23: Ms. CEO

51.8K 1.1K 66
                                    

Chapter 23: Ms. CEO

•••Keira Ashlyn•••

"Ang cute cute talaga ng mga Apo ko!"

"Syempre naman Dad kanino pa ba magmamamana? Syempre sa napaka-cute din nilang Mommy!" Which is me by the way. Masaya kong pinagmasdan ang mga anak ko na ngayon ay kalong kalong ni Dad. Nasa rose garden kami dahil dinalaw ni Dad ang mga apo nya at syempre pati na din ako.

Just a few more months and the twins will be turning 1. Excited na ako na kinakabahan, ang bilis lang ng panahon, ang bilis lang lumaki ng kambal. Baka hindi ko namamalayan, bigla dalaga at binata na sila. Hihi. Pero kaakibat ng excitement ay nakakaramdam din ako ng kaba, kaba na baka may gawing masama sa kanila ang mga taong galit sa pamilya namin. Gusto ko silang lumaki ng normal pero mukhang impossibleng mangyari yun.

"Kelan nyo ba susundan tong kambal?" Bigla ay sabi ni Dad na syang nakapagpapula sa mukha ko! Aish. Grabe naman, wala pa ngang 1 year old yung kambal ang gusto nya sundan na kaagad! At talagang si Dad pa ang nag-u-udyok sa akin ha. Waaah. "D-dad naman ehh, ilang buwan pa lang nung manganak ako ang gusto mo mabuntis na naman ako, grabe ka Dad"

Tumawa lang naman sya ng malakas dahil sa sinabi ko at nilaro laro yung dalawa. Maya maya lang ay muli na naman syang nagsalita.

"Seriously speaking my dear, kelan nyo ba susundan tong dalawa?"

"Dad naman eh, maybe after a few years? Like kapag 3 years old na yung kambal then maybe we will consider?" Parang ang hirap naman kasi nung sunod sunod ang anak mo. Mabuti na rin yung may pagitan para naman ma-enjoy din namin ni Blaze ang isa't isa at maka-pag-focus kami sa mga babies namin one at a time. Besides, mas mabuti na rin yun para matutukan namin yung kambal, syempre kapag may bago nang baby mas kailangan nun ang care and attention naming dalawa. Natatakot akong mapabayaan namin yung kambal. Plus, there is danger around us, mahirap bumuo ng isang pamilya kung may nagbabadyang panganib sa bawat sulok.

"After a few years? But that's too long? Mas maganda na sunod sunod, para hindi rin magkaroon ng gap ang mga anak nyo. In some cases, hindi nagiging close ang magkakapatid because of the age gap, nagiging cause pa yun ng hindi pagka-kaintindihan minsan"

Well may point naman si Dad. Naiintindihan ko sya kahit na lumaki akong walang kapatid at nag-iisa. Maybe I'll reconsider after ng 1st birthday nung kambal, plus I have to consult Blaze first before deciding. Ayoko namang magbitaw ng salita kay Dad ng hindi kinokonsulta ang asawa ko.

"I'll think about it first Dad" sagot ko na lang sa kanya.

"Please do my dear" dad said then bumuntong hininga sya at tumingin sya sa kawalan na para bang may bagay syang naalala or inaalala. Mukhang seryoso talaga sya n gusto nyang magkaroon na ulit kami ni Blaze ng panibagong baby. After a few minutes of silence and just staring on the horizon he finally spoke up "Naalala ko tuloy ang nakaraan, the moment we knew your mom is pregnant ang sabi ko sa kanya, gagawa kami kaagad ng kasunod. Ang balak ko kasi bubuo ako ng basketball team, 5 boys tapos isang muse. Too bad it didn't happen"

Parang nalungkot naman ako sa sinabing yun ni Dad. Kung hindi sana nangyari ang trahedyang yun, eh di sana may basketball team si Dad ngayon with matching muse pa. At syempre ako yung muse at si Terrence naman yung MVP. Ayon nga lang kung hindi nangyari ang trahedyang yun sa pamilya namin, hindi ko masisigurong makikilala ko si Blaze at mangyayari sa akin ang mga nangyari sa aming dalawa. For all we know baka ibang tao pa ang nakatuluyan ko. Kahit naman kasi kung ano anong kaganapan ang nangyari sa amin lahat ng yun ay hindi ko pinagsisisihan. But wait, there's still hope for dad ...

Cinderella Is Married To A Gangster! 2 (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon