Chapter 21 : Hala, Lagot

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ready na ba kayong mamatay mamaya?!" Nauutal kung tanong kay Seph at Sol

" Mamaya na agad, diba pwede bukas na lang?! naiiyak at natatawang sagot ni Sol

" Oo nga naman,  Masyadong mabilis kung mamaya agad!" Nanlulumo kaming umalis sa Canteen, parang kanina eh hiyawan at tilian kami, ngayon para kaming namatayan sa sobrang lungkot.

" Hindi natin kayang pigilan ang mga yun na ipagkat ang mga napanood nila, eh halos lahat ata ng kumakain doon kanina eh lumapit at nakinood sa atin"

" Sa palagay ko maghiwa-hiwalay muna tayo, Matira matibay ah" nagkanyakanya kami ng daan...Ayaw naming makasalubong si Enzo baka nakarating na sa kanya eh.

______________

Umuwe ako ng bahay. Nag-open ako ng account ko sa Facebook

At gulat na gulat ako sa mga nabasa at nakita ko. 5,000 Comment sa loob lang ng isang oras. Binasa ko ang mga comments ng mga Monster Fanatic:

"They are getting married soon?"

o_O( MF)

"Grabe yung  video nila ibang klase" Like,like,like"

T___T(CCY)

"  I wanna die sa Arms ni Evo sa sobrang galing nyang kumanta"

®_©(TropangMonster)

"Enzo's ask Evo to make a baby; Sa soon meron na, Excited tuloi kami,^_^ (Innocentgirl)

"Totoo bang may nangyari na sa kanila?! Pa confirm naman po oh!"

«¡_¡»(MariaCora)

aba bweset na nerd t,o ito yung nakaaway namin kanina ah..wagas makacomment ah mareply nga.

" Hoy bweset kang nerd ka, wala pang nangyari sa kanila, makatanong ka wagas ah"

:P(Lexxie)

"Tanx po sa confirmation"

<¿_¿>(MariaCora)

May nakita akong bagong comment kaya naman binasa ko yun

" Asan kayo?!"

o_O (EVO_lution)

patay si Evo pala,alam nya na siguro ang nangyari.Nereplyan ko sya

"Nasa malayong lugar ako, Out of town Evo"

--___--( Lexxie)

"Hwag ka maniwala nasa bahay lang yan" ^_^ (Seph_14)

bweset ka rin no Seph..isusumbong mo pa ako ah

"Mukhang nangngamoy away ah"

*_*( Solidaridad)

isa kapa Sol.

"Pag di kayo nagpakita sa loob lang ng kalahating oras, lagot kayong tatlo sa akin!"

««O_O»»(EVO_lution)

"Hoy tara na harapin na natin sya, sige kayo baka di na talaga kayo makaabot bukas. Ako pupuntahan ko na sya.."

"-" (Lexxie)

"Galit na nga sya. Pupunta na kami, sabay tayo Seph "

<_>(Solidaridad)

" Ok Sol...See you"

<3 (Seph_14)

Nabihis na ako at nagmadaling umalis

____________

"Antipolo"

Halos magkakasabay din kaming dumating ni Sol at ni Seph...

"Takot ka?" Tanong ni Sol kay Seph

"Uhm i little bit" Sabay ngiting alanganin

" Pumasok na nga tayo, naglalandian na naman kayong dalawa dyan eh"  Pumanhik na kami sa loob...kabado kaming tatlo

____________

"TSK, Nawala lang ako sandali nagkalat na agad kayo, Humanda kayong apat sa akin,lalo kana Enzo, diba sinabi ko sayo na hwag na hwag mong ipapakita sa dalawang to yun, Sira ulo ka talaga " Pinagtatadyakan nya si Enzo at pinaghahampas,may dala rin syang baseball butt.

" Oo na, Sorry na nga diba?" Hindi sya tumigil kaya naman bawat sipa at tadyak napapanguwe kaming tatlo sa sakut eh.

"She's Totally a monster, grabe pala syang magalit"" Bulong ni Seph sa amin ni Sol

"Wala pa yan. Naasar lang sya sa lagay na yan" Tinakot pa talaga ni Sol si Seph eh

"Pwede ba Sol hwag mo ng takotin yang si Seph. Gusto mo bang ipapatay talaga kita kay Evo?!" Akmang babakutan ko na sya nang mapansin kung nakatingin sa amin si Evo, nanlilisik ang mata, Nanggigigil sa galit at umuusok ang ilong.

"Luhod!"  Nagsiluhod kaming tatlo

"Sorry na oh, hindi naman namin sinasadya." agad nyang binatukan si Sol

" Galit ako, Galit na galit talaga"

Binatukan nya din ako pati si Seph, tapos pinaghahampas ng baseball butt na plastick hehehe, uy masalit kaya pag totoong baseball butt. "Hindi kayo nagiisip tignan nyo yung resulta ng ginawa nyo, Pinagpipistahan na naman ulit kami at kung anu-ano pang sinasabi nila."

Natigil si Evo dahil sa pagharang ni Enzo sa amin.

" Kasalanan ko, Hwag mo na silang sisihin at bakit ba galit na galit ka?!"  Tinapon ni Evo ang dala nyang basebalk butt umupo sa harap ng T.V na parang walang nangyari

____________

"Hala, Lagot na galit na sya" Sabi ni Sol, alam kasi namin ang ugali ni Evo, nanahimik yan pag ayaw nya ang isang bagay.

"Galit talaga sya, Kitang-kita ko ang pagpipigil ny kanina sa paghampas sana kay Enzo!" Sang ayon kung sagot doon kay Sol

" Umupo na nga sya diba, Oh di ibig sabihin ok na, tapos na, Kinalimutan nya na yung nangyari, kaya free na tayong tumayo"hinila sya ni Sol dahil sa pagtangka nitong pagtayo.

" Stop, Look, And Listen Seph" tinignan namin kung paano paamuhin ni Enzo si Evo

____________

" Gusto mo Ice Cream?" Napangitin si Evo kay Enzo kaya naman namangha kami dahil hindi namin napapaamo ng ganyan si Evo eh

" Asan ang Ice Cream?"  napangiti kami noong makita naming unti-unting nagliliwanag ang mga mata nya.

" Anung favor ba gusto mo?!"

"Anu bang madalas kung kainin? Ikuha mo na nga ako,  Kung anu-ano pang sinasabi eh, bilis..."

Oh san kapa parang walang angyari no. Ice Cream lang katapat mo Evo, Ice Cream lang...

Chapter 22 Nxt...    

My Monster Girl is a Gangster (PART 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon