Chapter 21 : Hala, Lagot

Start from the beginning
                                    

" OK sige,.basta walang ibang makakaalam ah, dahil lagot ako kay Evo. At pag ito lumabas lagot kayong tatko sa akin." Mabilis na kinuha ko yung USB at kinupya namin yun sa laptop ni Sol.

"OH YAN NANG USB MO!" hagis ni Seph kay Enzo. At umalis na rin si Enzo.

Ilang sandali lang pinanood namin ang videos ng naging date nila kagabi sa The  Subway Restaurant

Nagfocus kaming tatlo doon sa pinapanood  namin sa birthday surprise ni Evo kay Enzo at ang pagpapakilala nito sa Papa nya

"OMG, Si Evo ba yan? Ang ganda naman nya?!"  Tanong noong babae sa likuran ko.

"Ah oo si Evo yan. Talagang ang ganda nya nga." Sagot ko habang inaabot ko yung chichiryang kinakain ko doon sa bagong dating at nagtanong sa akin

" Grabe ang gwapo ni Enzo no!" Napangiti ako sa part na kinanta ni Evo ang Fav. nyang kanta na Die in your Arms ni Madilyn...

" Ang galing pa lang kumanta ni Evo!" May biglang sumiksik sa upoan ko, kaya naman tumayo na lang ako.

"Thanks sa upoan ah"  Nginitian ko yung babae habang abala pa rin ako sa panonood noing video

"Walang anuman!" Sagot ko sabay ngiti.

" OMG Yan ba yung videos ng Rooftop Dinner Date at Surprise birthday Set-up ni Evo kay Enzo?" tanong noong bagong dating na babae na nagtatatalon pa sa kilig kaya naman napatalon din ako

'"Ang sweet nila ever, grabe, Monster fanatic na din ako" Nagsigawan kaming lahat doon sa part na hinalikan ni Enzo si Evo.

Si Sol at Seph nakatayo na din tulad ko. Teka halos di ko na makita ah.

"Yang na yung Part na pinapakilala ni Evo si Enzo sa Papa nya."Yun ang sigaw ko tapos nagseryuso ang lahat

"Bakit wala ba kayong balak na magpakasal balang araw!? At dyan din ang punta nyan?"

"Hwag po kayong magalala Sir sasabihin ko pa kay Papa na gusto nyo po syang makilala. At about po doon sa kasal, masyado pa po kaming bata siguro po magtatapos po muna kami ng pag-aaral

"Sounds good, Matalino kang bata at yan ang mga gusto kung katangian ng magiging Son-in-law ko."

Lahat kami nagkatingnan at nagtiliaan ng malakas. But suddenly nagtaka ako bakit halos nasa likuran na kami at di na namin makita yung pinapanood namin,.samantalang kanina tatlo lang kami at ngayon eh halos ipagtulakan na kami at kumapal ng kumapal ang tao,tulak doon, tulak dito. Sandali lang may mali eh.

" Hoy ang kakapal naman ng mga mukha nyo, Magsilayas kayo..Sinung may sabing pwede kayong makinood ah?" Kinuha agad ni Sol yung Laptop. Nagtanginan kaming dalawa ni Seph at doon na ako nalinawan at natauhan sa ginawang yun ni Sol

"PATAY..."  Nauutal kong sabi with crying face pa at kagat-kagat ko pa yung plastik ng chichiyang walang laman

"HALA , LAGOT KAYO" Sabi noong isang nerd na babae sa tabi ko

"TUMAHIMIK KA NGA PANGET!" Kinuwelyuhan ni Sol yung nerd na babae kaya nsman hinila ko agad sya

"Bitawan mo na sya Sol...Wala na tayong magagawa, huli na ang lahat para magsisi" Shoulders down at para kaming mga lantang gulay na nanghina at nagmokmok sa tabi

" Paano na yan napanood din nila?!"  Nagaaang sabi ni Seph

" Kasalanan mo to, Bakit kasi dito pa tayo  nanood eh? Ayan kakalat na yan maya-maya, Paniguradong  magagalit si Enzo sa atin" Nanakot pa talaga tong si Sol, Samantalang isa rin sya sa may kasalanan lahat kami mananagot nito

My Monster Girl is a Gangster (PART 1)Where stories live. Discover now