"Anong ginagawa mo dito?" - tanong ko.

"Sinusundo ang bago kong girlfriend."- sabi niya sabay kindat. Ano ba Bryle?! Nagpipigil na nga lang ako, magpapacute ka pa.

"Ehem! Bestie, una na ako " binasag ni Cristene ang moment namin ni Bryle. Haha. Tumango na lang ako.

"So? Ready ka na?" - tanong niya.



Nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Kinakabahan tuloy ako. Napatingin ako sa kanya, hindi ko akalaing ang isang tulad niya pwede ko ring maging boyfriend kahit kunyari lang. Jessa, gising. Oo nga pala, nagpapanggap lang kami. Trabaho lang.

Naglalakad kami ngayon sa hallway. At tulad ng inaasahan ko, pinagtitinginan na kami ng lahat.






"Hey! Who's that girl?"

"Waaaaaaah! mang aagaw!"

"Ang kapal nya!"



Ilan lang yan sa mga naririnig kong bulungan ng mga babae na nadadaanan namin. Napaka judgemental naman nila. Napatungo na lang ako habang hawak pa rin ni Bryle ang kamay ko.

"Wag mo silang pansinin." - sabi niya sabay tingin sya sa akin. Napangiti na lang ako.

At sa wakas nakarating na kami sa canteen, lahat ng nadaanan namin napapatingin. Sino ba nang hindi? Lalo na kapag nakita mo na yung pinakagwapo sa school niyo may kasamang commoner.

"Anong gusto mong bilhin?" - tanong ni Bryle.

"Ahm, softdrinks nalang." - sagot ko. Kukunin ko sana ung pera ko nang bigla syang magsalita.

"Hindi naman nakakabusog ang softdrinks." - sermon niya.

"Hindi naman kasi ako gutom at saka matipid talaga ako." - paliwanag ko sa kanya.

"Pumili ka pa, ililibre naman kita eh." - sabi niya.

"Hindi, wag na." ayoko namang isipin niya na pineperahan ko siya. At saka hindi porket nagpapanggap ako na girlfriend niya, kailangan niya na akong ilibre. Kaya ko naman ang sarili ko.

"Girlfriend na kita kaya responsibilidad ko na ilibre ka." - kasasabi ko lang eh. Wala na akong nagawa, si Bryle na yung bumili para sa akin. Inintay ko na lang siya sa may pinto ng canteen.



Napansin ko ang dalawang babae na parang kanina pa nakatingin sa amin.



"WHAT?! "

"So totoo nga ang balita. Ano bang nakita ni Bryle dito? Mukha namang pineperahan lang siya!"


Napatingin ang lahat sa amin sa sobrang lakas ng pagkakasabi nung babae. Hindi ko namalayang nasa likod ko na pala si Bryle.

"At sino namang nagbigay ng karapatan sa inyo para sabihan ng ganyan ang girlfriend ko?" - sabi niya sa dalawang babae. Girlfriend ko. Omg. Hahaha asa pa Jessa.

"Haha, totoo namab eh. Mas maganda pa ako sa kanya!"

Tama naman siya eh. Alam ko sa sarili ko na hindi ako kagandahan. Pinagtitinginan na kami. Nakakahiya.

"Siguro nga maganda ka, pero hindi ko yun nakikita. Kasi natatakluban ng pangit mong ugali yang mukha mo. Halika na nga babe, may masamang hangin dito." - sabi ni Bryle. Kinuha niya yung mga binili namin at hinila ako palayo.




Babe? Babe talaga? Ang sarap pakinggan. Ngayon lang may tumawag sa akin ng babe. Hahaha nakakatuwa naman.

Nandito kami ngayon sa likod ng school. Sabi ko sa kanya dito na lang kami kumain, ayoko na kasing makarinig pa ng mga babaeng lalait nanaman sa pagkatao ko.



"Ayaw mo ba nung pagkain?" - tanong ni Bryle.

"Hindi naman." - sagot ko.

"Eh bakit parang wala kang gana?"

"Naalala ko lang ung sinabi nung babae kanina. Alam ko na marami pang manglalait ng ganon sa akin at iinsulto sa pagkatao ko. Bryle, parang ayoko na atang magpanggap."



"Hah? Maganda ka kaya. Wag mo silang isipin, nandito naman ako ipagtatanggol kita. At isa pa, may konrata tayo diba?" - paalala sa akin ni Bryle. Pero dapat hindi ako masanay na laging andyan si Bryle para ipagtanggol ako, dahil darating din ang panahong mawawala siya sa tabi ko.


"Matanong ko lang, magkano ba ang kikitain ko dito?"ako.

"Pwede na ba ang five thousand?" Ganon lang ba kababa ang talent fee ko para dito? Nalait na nga ako ng bonggang bongga tapos 5K lang?

"Kulanh pa yun sa pambayad ng tuition fee eh. Hmm, fifteen thousand." Makikipagtawaran pa ba siya sa akin?

"Ten thousand. Tama na okay?"

"Sige, okay na yun."

"Alam kong ginagawa mo ito para sa kapatid mo. Alam ko rin na nasasaktan ka na sa mga sinasabi ng ibang tao. Sorry, sorry kung kailangan mong maranasan ang lahat ng ito dahil sa akin. Wag kang mag alala, mamamasyal tayo mamaya after ng klase para naman makabawi ako sayo." - sabi niya



Ngumiti na lang ako. Maya maya ay narinig na namin ang tunog ng bell. Natapos na ang recess. Hinatid ako ni bryle sa loob ng classroom. Lumapit agad sa akin si Cristene at umupo sa tabi ko.



"Narinig ko yung nangyari sa canteen kanina. Ayos ka lang ba?" - Alalang tanong ni Cristene.


"Okay lang ako." magiging okay lang ako.




Maya maya pa ay pumasok na si Ms. Sagpao, ang English teacher namin at nagsimula ulit ang klase.










___________________

OPERATION: Make Her Jealous [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon