She flipped her hair bago tumalikod sa amin, lumingon pa siya. "Oo, alam kong maganda ako. Matagal na!" aniya saka naglakad papalayo. Kumekembot pa talaga siya, palibhasa matambok.

Humarap sa akin si Angeline. "Hayst. . ." napabuga siya ng hangin. "Ano bang klaseng tao iyon?" naiinis na saad niya at kulang na lang ay hubarin niya ang kaniyang sapatos at ibato ito sa babaeng papalayo.

"Ano ka ba, parang ikaw lang 'yon bestie," biro ko sa kaniya.

"Tse! Malayo sa itsura ko ang hitsura no'n, mas maganda ako," diin niya. "Pero paano na 'yan, bukas na ang start ng pasukan. . . Saan tayo matutulog?" tanong sa 'kin ni Angeline.

"Aba malay ko! Balik na lang tayo sa klinik," sabi ko. Ang talino ko talaga!

Royal Dorm #14 is what it means. I want to congratulate you because you were be able to be part of Royalties. Saranghae.

Rinig kong bulong ng isang boses ng lalaki sa akin. Hindi ko alam kung kanino ito nanggaling, pero totoo naman siguro 'yong sinabi niya 'di ba?

Iginala ko ang mata ko sa paligid baka kasi malaman ko kung saan 'yon galing. Hanggang sa napahinto ako nang makita ko ang isang lalaking nakaupo sa bench malapit sa isang puno, tinitingnan niya rin ako.

Oh my gosh! Ngumiti siya sa akin. Kaya kumaway at ngumiti ako pabalik sa kaniya, ang pogi eh.

Nag-iwas ako ng tingin nang kumaway siya, thank you. Sabi ko sa isip ko, baka kasi marinig niya. Baka lang naman.

"Angge, Royal Dorm #14 daw ang ibig sabihin," sabi ko bago kami nagpatuloy sa paglalakad. Umakto ako na para bang walang nangyari. Well, that's life.

Pero bigla kong naalala ang isang word na sinabi ng lalaki kanina, Saranghae? Ano kaya ang ibig sabihin no'n? Korean yata o Japanese.

"Bestie, ano 'yong saranghae?" kunot ang noo kong tanong kay Angeline.

Hinarap niya ako nang may pagtataka. "Saranghae? Nakakain ba 'yon?" tanong niya pabalik sa 'kin.

Alam naman naming pareho siguro na foreign language ito, pero hindi talaga ako fan ng foreigner. Wala naman kasing ganiyan dito, ba't pa kailangan pag-aralan? chos.

"Pero may narinig ka ba kanina---I mean sa isip mo, bumulong gano'n?" tanong ko sa kaniya. Mas lalong nangunot ang noo niya sa sinabi ko.

"Aba, malay ko sa 'yo bestie. Ikaw ah, kung ano-anong naririnig mo. Hindi na 'yan healthy," biro niya sa akin. Humawak siya sa kaniyang sintido na para bang may biglang nag-iisip. "Aha!" biglang sigaw niya.

"Oh ano, pretty ka?"

Pinitik na naman niya ang noo ko at saka siya ngumiti. "Saranghae, it means thank you. Medyo tanga ka sa part na 'yon Althea!" sabi niya na para bang siya na ang pinakamatalino sa buong mundo.

Kung totoo man ang sinabi ni Angeline, edi. . . Saranghae rin sa lalaking 'yon. Sana magkita kami ulit soon. Hindi ako mahilig sa pogi kasi mukha akong zombie.

"Sorry naman bestie, ano bang alam ko kasi sa foreign language!" sabi ko.

Nagkatitigan kami.

"So ano, magtsi-tsismisan na lang tayo rito?" saad niya.

Hinila ko naman ng kaunti ang buhok niya saka ako nagsalita. "Tara na nga!"

Magkahiwalay pala ang mga dorms ng lalaki at babae rito. Pero magkaiba na sila ng building. Magdidilim na rin ang paligid at mabuti na lang talaga at nahanap na namin ni Angeline ang Royal Dorm.

Hindi ako sigurado kung dorm ba talaga ito dahil parang bahay na siya, apartment pwede pa. Hindi ko na maipaliwanag pa ang panlabas na anyo ng bahay kung nasaan kami ngayon.

Nasa harap kami ng pintuan ni Angeline at nakatayo na para bang ipinako. Ano na?

Ngayon ko lang rin napansin na may kapitbahay pala ang magiging tirahan namin. Hindi kasi 'to dorm, nakakainis. Kanino kayang ideya 'yon?

Nang tingnan ko ang kabilang bahay, may pumasok doon na pamilyar na lalaki. Hindi ko siya naaninag nang maayos, pero ano nga bang pake ko? Basta inaantok na ako at kailangan ko nang umidlip agad mamaya.

"Althea, katukin mo na," utos ng kaibigan ko. Inirapan ko na lang siya, aba sana all.

Lumakad ako patungo sa harap ng pinto at kumatok. Walang sumasagot kaya naman mas nilakasan ko pa ito.

Lumapit sa akin si Angeline at tumabi sa 'kin. Mukha na kaming tanga dahil pareho kaming kumakatok sa pinto.

Bumukas ito ngunit walang ni isang tao ang bumungad. Hanggang sa naramdaman kong may matigas na tumama sa ulo ko.

Ba't nakakakita ako ng mga bituin?

Kumurap ako ng ilang beses ngunit unti-unting bumabagsak ang katawan ko patungo sa sahig.

Wala bang prince charming na sasalo sa 'kin diyan? Baka naman.

Ang angas ng pa-welcome.


____

Vote☆ and Comments Are higly Aprreciated ♡

Morore AcademyWhere stories live. Discover now