Chapter 2

15.6K 466 89
                                    

ALTHEA

Ramdam ko ang pagkulo ng tiyan ko, 'yong mga alaga ko ay mukhang gutom na. Wait lang, makakalamon ulit tayo.

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata at puting kisame ang bumungad sa akin. Nakakasinag din ang ilaw mula sa florescent lights. Ang sakit sa mata! Bakit nakatutok sa akin? Malas naman oh. Mukhang mabubulag ako ng wala sa oras.

Sinubukan kong igalaw ang sarili ko ngunit nabigo ko. Masakit talaga kaya hindi ko na pipilitin pa.

Agad akong binisita ng ala-ala ng kahapon. Itinaas kong muli ang aking tingin at napabuga ng hangin. Ano nga bang bago sa buhay ko?

Papasok ako sa school ng hindi man lang nag-aalmusal pero ayos lang 'yon dahil sanay na ako. Pagpasok ko sa classroom, iyong pinaghirapan at pinagpuyatan kong takdang aralin ay kokopyahin lang nila ng walang kapagod-pagod.

Kung sa oras naman ng quiz ay gustong-gusto nila akong katabi para daw may silbi naman 'yong utak ko kahit papaano. Ang saya 'diba? Hindi naman ako nagrereklamo e. Sabi nga nila sharing is caring. Siyempre, ang pambu-bully sa akin nina Becca at ang barkada nito ay hindi mawawala.

Ngayon ko lang napansin na nasa tabi ko pala si Angeline, mahimbing na natutulog. Mukha siyang anghel. Siya ba ang nagbantay sa akin? Napangiti ako matapos ko itong isipin. Kaibigan ko nga talaga siya.

Mahinang inalog ko ang braso niya, "Angeline, gising."

Nakakahiya sa kaniya dahil mukhang puyat siya. Nang pinasadahan ko ng tingin ang nakasabit na orasan malapit sa pinto ay almost 1:00 o'clock na ng hapon.

Kinusot niya ang kaniyang mukha gamit ang mga kamay niya, "What the--- Althea? Gising ka na pala."

Ngumiti ako. "Sige matulog na nga lang ulit ako. Ayaw mo yatang gising ako," wika ko. Kunwaring nagtatampo ako dahil nag-iwas ako ng tingin.

Lumiwanag ang kaniyang mukha. "Ikaw naman masyado kang sensitive," biro niya kasabay nang mahinang paghampas niya sa akin.

"Aray ko naman!"

"Sorry," tumatawang wika niya. Nginitian ko siya at gano'n din ang naging tugon niya.

"Siya nga pala Althea, isang araw kang tulog diyan at sabi ng school nurse ay baka magiging okay ka na ngayon. Mabuti na lang daw at madali kang gumaling," paliwanag niya. Kinalabit niya ang tagiliran ko na nagbigay ng kiliti sa akin, "Anong secret mo ha?" Tumatawang tanong niya.

"Anong sikret ka riyan! Wala nga eh."

Tumunog ang cellphone niya at halatang may tumatawag. Sino kaya iyon? Baka boyfriend niya? Sus, Walang forever at mamamatay rin tayong lahat. Taga 'sana all' muna ako sa ngayon.

"Sagutin mo na. Baka importante," utos ko sa kaniya. "Bahala ka, maunahan ka pa ng iba," dagdag ko.

Kinuha niya ang cellphone mula sa bulsa niya. Tumayo siya at sinagot ang tawag.

"Althea," sabi niya at itinuro ang kaniyang cellphone, tila ba gusto niyang sabihin na kailangan niya munang i-excuse ang kaniyang sarili.

Tumango ako sa kaniya at ngumiti.

"Hello? ah sige po-" rinig kong bigkas niya sa kausap sa kabilang linya bago siya tuluyang lumabas ng pinto.

Bumuntong hininga ako. Sinubukan kong tumayo, nanghihina man ay alam kong kaya ko. Nawalan ako ng balanse at bumagsak ako sa malamig na sahig. Pakiramdam ko ay nadoble ang sakit na nararamdaman ko.

Ganoon ba talaga kalala ang epekto ng nangyari sa akin kahapon? Ang sakit ah.

Sinubukan kong muling tumayo, inabot ko ang kama ko at doon kumuha ng suporta sa aking pagtayo. Hindi ako nabigo, napakahusay ko talaga.

Morore AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon