Chapter 3

12.2K 382 6
                                    

ALTHEA

Tiningnan ko ang nakasabit na kalendaryo, biyernes na pala. Ang bilis tumakbo ng oras.

Nauna akong lumabas mula sa principal's office. Sumandal ako sa pader sa tabi ng pinto at agad akong napabuntong hininga. Sa wakas, makakahinga na ako nang maluwag dahil magiging malaya na ako nang tuluyan mula sa bullying.

Hindi ko inakala na matatapos na ang lahat nang ito. Wala akong ideya na si Angeline ay magkakaroon ng lakas ng loob na i-report ang bullying na nangyari. Kaibigan ko nga talaga siya, napaka swerte ko sa kaniya.

Ang mga magulang ni Becca at ng kaniyang dalawang kaibigan ay pinatawag ng principal namin. Gano'n din ako, kaso, wala akong magulang na maihaharap.

Sa sobrang abala ng mga magulang ni Becca sa kanilang trabaho, hindi siya napagtutuunan ng pansin. Kaya siguro hindi kanais-nais ang naging ugali niya.

Simula pa lang ng usapan kanina ay puro hingi na ng tawad sa akin ang mga magulang ni Becca, samantalang wala siyang imik at ng kaniyang kaibigan.

Out-of-school suspension, ang isa sa mabigat na napataw na parusa sa kanila. Pero mukhang sobra naman na iyon.

Pangalawa ay ang community service, pagkatapos daw ng meeting namin, uumpisahan na nila ayon kay principal. Tapos na ang meeting, napakalawak pa naman nitong campus. Hindi kaya pwedeng tumulong?

At ang pangatlo ay, kapag natapos na raw silang maglinis, may 10 minutes break sila tapos dapat daw na dumiretso sila sa detention room na may dalang yellow pad paper at punuhin nila iyon ng sagot sa tanong na 'why is bullying hurtful and wrong?'

Siguro, sobra naman na iyon. Pero hindi eh, deserve naman nila yata 'yon. Subalit hindi ko parin maiwasang makaramdam ng awa sa kanila. Ang gusto ko lang naman ay ang humingi sila ng tawad sa akin. Hindi ko naman ipagkakait ang kapatawaran ko para sa kanila.

Bumukas ang pinto at iniluwa nito sina Becca at ng kaibigan niya. Huminto sila at hinarap ako, wala silang imik. Akala ko ay masasabihin siya ngunit agad din siyang tumalikod at lumakad na sila palayo sa akin.

Ayos lang, ang importante ay hindi na ito mauulit. Sana nga.

Kinuha ko sa bulsa ko ang aking cellphone, tiningnan ko kung anong oras na. Pasado 9:00 o'clock ng umaga.

Wala akong maayos na tulog dahil sa bleachers sa swimming pool area ng mga athletes ako nagpalipas ng gabi. Napakaraming lamok. Naligo na rin ako dito sa campus, 'yong mga gamit ko ay iniwan ko sa guard house, mabait naman si kuyang guard eh.

Lumayas nga ako 'gaya ng sabi ni Aunty, siguro nga ito ang pagtawag ng tadhana sa akin. Wala na akong magagawa pa kundi ang tanggapin ito. Napabuntong hininga ako.

"Althea!"

Nilingon ko kung saan ito nanggaling, nakita ko si Angeline na tumatakbong kumakaway patungo sa direksiyon.

Sumigaw ako pabalik, "Anggee!" Iyan ang nickname niya sa akin. Masyado kasing mahaba ang pangalan niya.

Nang makalapit siya sa akin, agad ko siyang niyakap nang mahigpit. Kasabay nang pagpatak ng mga luha sa mga mata ko. Ang emotional ko talaga.

"Thank you, Angge."

Hinagod niya ang aking likod, "Ano ka ba Althea, bestfriend things!" Kumalas siya sa mula sa pagkakayakap ko sa kaniya at hinawakan ang magkabilang braso ko, "look, okay na naman ang lahat kaya wag ka nang umiyak,"aniya.

Morore AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon