Chapter 1

23.8K 555 52
                                    

ALTHEA

Habang abala ako sa paglamon, titig na titig sa akin si Angeline. Pasensiya na, gutom lang. Wala naman sigurong masama kung matakaw ako sa pagkain diba?

Masarap talaga kumain kapag libre, bukod sa unlimited, nakakatuwa lang. Sa sobrang katakawan ko, nalalasahan ko na rin ang buhok ko. Nakalimutan ko palang itali, nakakainis!

Hinahabol ko ang aking paghinga, hirap na hirap ako sa paglanghap ng hangin. Hirap kong inaabot ang tubig na nasa harapan ni Angeline pero hindi ko ito makuha-kuha.

Kinuha niya ito ngunit ang buong akala ko, iaabot niya ito sa akin. Ininom niya! Nakakaloka.

"Mppphh!" daing ko. Hindi ko na kaya, bahala na. Kumawala ang mga iba't ibang laman ng tiyan ko't bunganga sa mukha niya, may napunta rin sa suot niyang damit.

"Althea? Ano ba naman 'yan!" bulyaw niya sa akin. Gamit ang kaniyang panyo, ginamit niya ito upang alisin ang mga pagkaing nailuwa ko sa kaniya.

"Sorry Angeline. Hindi na kasi ako nakapagpigil pa! Sorry talaga!" sabi ko sa kaniya. Inilabas ko ang aking panyo at pinunasan ang kaniyang mukha.

"Okay lang," wika niya. Tumayo siya at tumalikod siya sa akin, "Dito ka lang muna. Hintayin mo ako, ah."

Pagtango ang naging sagot ko sa kaniya. Ngunit hindi kami nakaligtas sa mga mata ng nasa loob ng Cafeteria, ang iba ay nandidiri. Kahit sino naman kasi ay makakaramdam ng ganiyan.

Buti na lang talaga at nagdadala ako ng extra T-shirt incase of emergency. Binuksan ko ang akin shoulder bag at dinampot ko mula rito ang isang black T-shirt.

"Sandali, ito, magpalit ka na ng damit." Nilingon niya ako kaya ini-abot ko sa kaniya ang hawak kong damit. Walang pagaalinlangan niya itong tinanggap.

"Sige, cr muna ako."

Si Angeline Cervantes ay matalik kong kaibigan since senior high school. Siya lang talaga ang kumausap sa'kin, hindi ko nga in-expect na may lalapit sa akin.

Hello, sino ba naman kasi ang lalapit sa babaeng katulad ko? Walang fashion sense, libro ang palaging bitbit at alam kong pangit ako. Ayon nga sa mga classmate kong mapanghusga, isa akong nerd. Well, hindi ko nga sila pinapakialaman kasi puro lang sila ganda.

Pero dahil nga sa nerd ako, lapitin ako ng mga babaeng mapanghusga, bullies. Physical man o verbal, game na game. Ako ang suki, nakakasawa rin. Hindi rin naman kasi ako pwedeng lumaban, hinahayaan ko na lang sila. Ayaw ko ng gulo, kaya hayaan na. Basta ang mahalaga, buhay ako at nakakalabas ako ng school na buo.

Pareho kami ngayon ni Angeline ng kursong kinuha, Bachelor of Science in Accountancy. Siyempre, dahil sa pagsusumikap namin ay pasado kami sa admission test at interview. Walang imposible kung may pangarap ka. Sana nga lang at magtagal kami dito, sabi kasi nila ay may eviction na nagaganap sa College naming BSA.

Sampung minuto na ang nakalipas pero wala pa rin siya. Seriously, ano nang ginagawa niya sa loob ng cr? Baka naman nag-eenjoy na siyang kausapin ang sarili niya sa harap ng salamin?

Tumayo ako at pinasadahan ng tingin ang comfort room mula sa kung saan ako naka-pwesto. Napabuga ako ng hangin dahil malapit na naman ang mag-umpisa ang next subject namin.

Kinuha ko ang aking shoulder bag at nagsimulang lumakad papuntang comfort room. Nang biglang may humablot sa buhok ko.

"Aray!"

Napasunod ako at naglakad patalikod dahil masakit ang pagkakahila niya sa buhok ko. Ano na naman ba ito?

Ang mga estuduyante ay para bang nanonood ng isang entertainment show, tuwang-tuwa sila. Hindi na ito bago sa'kin, ako palagi ang kawawa.

Alam kong si Becca na naman ito. Gamit ang aking kanang kamay, pilit akong nagpupumiglas. Kumpara sa lakas niya, walang-wala ako. Taekwondo black belter 'yan eh.

"Ano ba? Bitawan niyo nga ang buhok ko!" sigaw ko. Subalit, bingi yata sila at hindi nila ako naririnig.

Nakawala na ako mula sa kaniyang kamay at buong tapang ko silang hinarap. Becca with her friends. Pero akala ko magiging matapang ako, pero bakit nanginginig ang tuhod ko?

Nag-crossed arm si Becca kasabay nang pagtaas ng kilay niya sa akin. Umiling siya at may pandidiri sa tingin niya, para ba akong isang tutang nakaharap ng isang tigre.

Tumaas ang isang kilay niya, "Do you really think na bagay ka talaga sa lugar na ito?" Panghahamak niya sa akin. Ang mga mata niya ay sinisiyasat ako mula sa paa hanggang ulo ko. "Lame, nakakasuka."

Lumapit siya sa akin at tinulak niya ako nang malakas. Sinubukan kong ibalanse ang aking sarili ngunit nabigo ako kaya bumagsak ako at napa-upo sa sahig. Napuno ng tawanan ang buong silid.

Hindi na ako natutuwa, paano ba kasi lumaban? Madiin kong ikinuyom ang kamao ko.Tumayo ako at pinampagan ang aking sarili.

Yumuko ako sa harap niya, "I'm sorry, Ms. Becca."

Tumalikod ako sa kaniya at nagsimulang lumakad papalayo nang muli niyang hinablot ang buhok ko.

"What irritates me the most is when someone turns away from me without my permission," bulalas niya.

Huminga ako ng malalim. Alam ko naman na kung saan ito patungo, ito na talaga ang kapalaran ko sa paaralang ito. Akala ko mas mature na ang mga estudyante sa College pero bakit parang kinulang sa aruga?

"You don't belong here; if I were you, I'd pack my belongings and enroll in a different school," sambit niya.

Inihagis niya ako kaya naunang lumanding ang mukha ko sa sahig. Tumalsik ang eyeglasses ko, malayo sa akin. Ramdam ko rin ang pagpatak ng mainit na likido mula sa noo ko.

"I'll make you taste the power punch of a queen," saad niya. Nilapitan niya ako at itinayo.

Umiikot ang paligid ko, halo-halo ang nararamdaman ko. Ang mga ingay ng estuduyanteng tuwang-tuwa, nakakarindi sa tenga.

Itinayo ako ni Becca. Ipinatong niya ang kanang kamay niya sa kaliwang balikat ko bilang pagsuporta. Napa-ubo ako nang dumapo ang kamao niya sa sikmura ko, ramdam na ramdam ko ang pagbaon nito.

Akala ko matatapos na ngunit biglang lumapit sa akin ang dalawang alipores niya. Hinawakan nila ang magkabila kong braso nang hindi ako makatakas. Sa lagay kong ito, tatakbo pa ba ako? Wala na akong lakas para manlaban. Namamanhid na ang katawan ko.

Tuwang-tuwa si Becca sa patuloy niyang pagsampal at pagsikmura sa akin. Walang-wala na ang punching bag kumpara sa akin.

Mukhang ito nga talaga ang kapalaran ko sa paaralang ito. Isang nerd na walang kalaban-laban.


Morore AcademyWhere stories live. Discover now