Chapter 4

12.2K 391 18
                                    

THIRD PERSON

Umalingaw-ngaw ang ingay nang magkaroon ng sunod-sunod na pagsabog sa loob at labas ng unibersidad. Sa isip ng iba, baka inaatake na sila ng mga terorista kaya nagsitakbuhan sila kung saan-saan.

Mula sa isang itim na portal, lumabas doon ang isang lalaki. Nakasuot siya ng pula na hooded cloak. Nasa likuran niya ang mga hindi mabilang na kasama niyang nakasuot ng itim na cloak. Ang mga dark wizard.

"Hanapin niyo sila at patayin ang sino mang sumubok na humarang," utos niya.

Tumango sila.

Mabilis na nawala ang mga kasama niya. Maliban sa isang nasa tabi niya. Nagkalat sila sa buong Universidad habang abala sila sa paghahanap sa tinutukoy niya.

"Kapral, sigurado ka ba sa nakita mo?" pag-usisa ng katabi ni Kapral.

Ngumisi siya, "Oo Lizeth, kaya bago pa tayo maunahan ng taga-akademya, kailangan na natin silang makuha. Kung ayaw nila," mula sa palad ni Kapral, may nabuong isang itim na apoy. "Pilitin natin."

"But paano natin sila mahahanap?" tanong ni Lizeth.

"No need," wika ni Kapral nang makita niya ang dalawang babaeng mabilis na tumatakbo sa direksiyon nila, sina Angeline at Althea.

Hahakbang pa sana si Lizeth nang biglang pigilan siya ni Kapral. Umiling siya, ang ibig niyang sabihin ay hayaan niya lamang sila.

Isa sa mga dark wizard ang humarang sa dalawang babae kaya napahinto sina Angeline at Althea sa pagtakbo. Habol ang hininga silang napahinto.

"Teka lang muna mare," saad ni Althea sa kaharap nilang dark wizard. Yumuko siya at humawak sa dalawang tuhod, "Time freeze."

Nauto ni Althea ang dark wizard dahil huminto nga ito at pinagmasdan niya lang silang dalawa. Mukhang hindi siya nag-iisip.

Huminga nang malalim si Angeline bago marahang pumikit. Pinakiramdaman niya ang sarili at nang iminulat niya ang kaniyang mga mata, namangha si Althea dahil mula sa natural na kulay ay naging kulay Violet ang mga mata ng kaibigan.

Lumiwanag ang mukha ni Kapral kasabay nang pagguhit ng ngisi sa kaniyang labi. "Hindi ba't sabi ko naman sa 'yo Lizeth, tama ang nakita ko."

Bumaha ang takot sa mukha ng dark wizard dahil pakiramdam niya'y mas nakalalamang si Angeline. Siya dapat ang unang aatake sa dalaga kaya inilabas niya ang isang mahaba at matulis na espada at itinapat niya ito sa kanila na tila ba nagbabantang katapusan na ng kanilang buhay.

Napako sa kinatatayuan si Althea habang nanginginig ang kaniyang tuhod. Bumaha ang takot sa mukha niya at napalunok nang makita niya ang pagkislap ng tip ng espada.

Kumurap-kurap si Althea, "Omg, mamatay na yata tayo."

Lumakas ang pagpitik ng kaniyang puso nang mabilis na tumakbo ang dark wizard patungo sa kanila.

"Althea, wala akong experience sa pakikipaglaban pero susubukan ko," wika ni Angeline.

Halo-halong emosyon ang namuo sa dibdib ni Althea habang ang kaniyang tingin ay nasa kaibigan niya, nag-aalala siya.

"Mare, kung mamatay man tayo ngayon. . . Bawi na lang next life!" ani Althea.

Nang makalapit ang dark wizard, sinipa siya agad ni Angeline sa sikmura kaya napaatras ito sa lakas ng impact.

"Oh, yes. Go Angeline! Upakan mo 'yan. . . Proud kaibigan here!" ikinakaway pa ni Althea ang kamay sa hangin bilang pag suporta sa kaibigan. Parang batang tumatalon, nababaliw na yata.

Morore AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon