Chapter 7

9.2K 307 47
                                    

ALTHEA

Hapon na nang makalabas kami ng klinik, hindi ko alam kung hospital ba 'yon dahil napakalawak niya noong lumabas kami. Palubog na rin naman kasi ang araw. Akalain mo 'yon, sinisikatan at may lumulubog pala na araw dito.

Maayos na ang lagay ko ngayon dahil nakatulog ako kanina, hindi ko alam kung 'yon ba talaga ang rason pero mabilis lang talaga ako siguro mag-recover.

Sabi ni Angeline kanina, nagkaroon ako ng mga pasa noong nahimatay ako at dahil daw ito sa natamo kong damage mula kay Violet.

Naglalakad kami ngayon ni Angeline sa hallway. Kumunot ang noo ko at ikinuskos ko ang hintuturo ko sa ulo ko dahil kanina ko pa tinititigan kung ano ang ibig sabihin ng nakasulat sa papel na hawak ko, hindi ko man lang maintindihan.

496!) #14

Ganiyan ang nakasulat. 'Yan kasi 'yong laman ng card na nasa kahon na hawak namin ngayon. Buti na lang talaga at may kakayahan ang kahon na lumiit, kaya parang lalagyan na ito ngayon ng singsing.

Hindi rin naman kasi nakakatulong itong si Angeline, eh. Pareho kaming sabaw pagdating dito.

"Nakakainis naman, bakit kasi hindi na lang sinabi ni Lynberg kung saan 'yong dorm natin!" maktol ko.

Nang igala ko ang aking tingin, marami na ang mga estuduyanteng nagkalat sa iba't ibang parte ng Academy na ito. May mga grupo-grupo sila at may mga nakakasalubong din kami sa hallway na dinadaanan namin.

Huminto sa paglalakad si Angeline at hinawakan niya ang papel na hawak niya nang mabuti. "Ok, I think gets ko na!" aniya sabay itinaas ang hawak na papel. "Hindi kaya, 'yong dorm number natin itong 14?"

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa kaniya dahil sa kaniyang sinabi. Obvious naman kasi na number 'yong 14. Ang hirap naman kasi ng ganito, weakness ko pa naman ang mga logic, not sure kung ito tawag sa nakalagay sa papel.

"Ewan," sabi ko saka nagkibit balikat. "Magtanong nalang kaya tayo? Tutal eh may mga pakalat-kalat din namang mga estudyante at baka alam nila kung sakali."

"Alam mo Althea, ang talino mo talaga. Sana all nag-iisip!" nakangiting sabi ni Angeline.

"Siyempre, ako pa! Baka Althea 'to."

Saktong may nakasalubong kaming isang estudyante. "Excuse me," pigil ko sa kaniya. Huminto naman siya na magkasalubong ang dalawang kilay. "Pwedeng magtanong?"

"Sure?" sagot niya.

"Alam mo ba kung saan ang dorm na ito?" tanong ko saka ipinakita sa kaniya ang nakasulat sa papel na hawak ko.

Imbes na sagutin niya ako, dumistansiya siya sa amin. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Tinaasan niya rin ako ng kilay!

"Mukha ba akong tanungan ng mga ignorante?" sabi niya.

Kumalma ka Althea, ako ignorante? Eh kung straight-en ko kaya ang kulot niyang buhok? Nakakainis ang babaeng to ah! Akala mo naman kagandahan.

"Oo," biglang sumama tingin niya sa akin. "Este, hindi. . . ganda mo nga eh."

Ang ganda siguro dukutin 'yang dalawang mata mo. Bulls eye!

Morore AcademyWhere stories live. Discover now