Chapter 6

10.1K 340 8
                                    

Third Person POV

Nagising si Althea dahil sa sinag ng araw na tumatama sa kaniyang mukha. Kahit na mayroong bintana ang silid ay hindi naman maayos na naisara ang kurtina.

Nang igalaw niya ang katawan nito, pakiramdam niya'y parang nagbubuhat siya ng malaking bato.

Bumangon siya mula sa pagkakahiga at sinubukan niyang itayo ang sarili, ngunit nawalan siya ng balanse kaya agad siyang nahulog sa sahig.

"Ano ba 'yan self! Ang tanga-tanga mo kasi eh!" sermon niya sa sarili. Napahawak siya sa kaniyang tagiliran nang maramdaman niya ang impact ang pagkahulog niya sa sahig.

Iginala niya ang kaniyang paningin at kumunot ang noo niya. Nasaan ako? tanong ni Althea sa kaniyang isipan nang mapagtanto niyang mag-isa lang siya sa isang silid.

Ang silid na kinaroroonan niya ay halos puti ang makikita, mula sa pintura ng dingding hanggang sa mga lamesa at kama.

Malapit sa bintana ang kinaroroonan ng dalaga kaya maaari siyang sumilip sa labas kung gugustuhin niya. Hindi niya naisip na nasa isang klinika siya dahil walang mga maliliit na tubo ang nakakabit sa kaniya.

Isang minuto na siyang ganoon ang pwesto niya. Sinubukan niyang sariwahin ang mga nangyari sa kaniya, nagbabakasakaling malaman niya kung bakit nasa silid siyang iyon.

"Naku, self. . . Tama! May magic, may pinto na umiilaw at sa opisina ay nakaramdam ako ng pananakit ng tiyan at pagkaubos ng lakas," wika niya sa sarili.

Dahan-dahan siyang tumayo, kumapit siya sa gilid ng kama para kumuha ng suporta sa pagtayo. Ngunit nabigo siya dahil nanghihina pa ang katawan niya kaya natumba ulit siya.

Marahang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang nagaalalang kaibigan. "Althea! " sigaw nito. Agad itong tumakbo patungo kay Althea.
"Ayos ka lang?"

"Hindi, mare. Ang sakit-sakit na 'tong pwet ko. Nakakainis naman kasi!" tugon ni Althea.

Inalalayan siya ni Angeline pabalik sa kama ni Althea. Nang may mapansin ito sa kaibigan. "Oh, Althea. . . nawala na pala 'yong mga pasa mo at kulay ubeng marka sa braso mo," pagtitiyak ni Angeline.

"Huh? Anong sinasabi mo bestie. Wala nga akong nararamdaman, konting panghihina lang," saad niya.

Pinitik ni Angeline ang noo ni Althea, gustong-gusto niya talaga iyon gawin sa kaibigan. "Paano eh, nahimatay ka. Mapapansin mo ba? Siyempre hindi!" bulyaw nito.

Humiga ulit si Althea. "Whatever, bestie!" tumitig siya sa puting kisame, "pero salamat Angge sa pagdala sa 'kin dito ha?"

Ipinatong ni Angeline ang palad nito sa kaliwang kamay ni Althea, "No problem," ngumiti siya. "Pero hindi ako ang nagdala sa 'yo rito," dugtong nito.

Nakusot ang noo ni Althea. "Huh? Eh, sino?" tanong niya.

"Si Red," tugon nito.

"Sinong Red?"

Inikot ni Angeline ang kaniyang mga mata nang mapagtanto niyang hindi nga pala sila kilala ni Althea. "Oo nga, hindi mo pa pala sila kilala! Pero malalaman mo rin naman kung sino siya," ngumiti si Angeline, "ang sarap nga tingnan kung paano ka niya buhatin na para bang bagong kasal."

Totoo ang sinabi ni Angeline dahil matapos mawalan ng malay si Althea ay agad silang naging alerto. Si Red ang bumuhat sa kaniya patungong klinika. Sina Aubrey at Tyler ang naghanap sa pinakamahusay na manggagamot sa kanilang paaralan. Habang si Angeline naman ay nakatulala lamang sa kawalan.

Naupo si Althea at sumandal siya sa unan. "Naku, Angeline umayos ka ha. Wala akong time para sa lovelife," sabi niya.

"Lovelife agad?" hinawakan nito ang magkabilang pisnge saka kumurap ng dalawang beses at napangiti. "Ang babait nila mare, alam mo ba na 'yong Aubrey, habang tulog ka ay inilibot niya ako rito although hindi naman 'yong buong Academy. . ."

Morore AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon