Chapter 5

10.9K 345 21
                                    

THIRD PERSON

NAKALUHOD pantay kay Althea si Tyler. Malalim niyang pinagmasdan ang mukha ni Althea habang ito ay payapang natutulog na nakasandal sa punong kahoy. Siniyasat niya ito ng tingin at natigil siya at bumalik sa sarili nang magsalita si Aubrey.

"Tyler, baka matunaw siya. Ang lapit-lapit pa ng mukha mo!"

Hindi umimik si Tyler bagkus tumayo at nagpamulsa siya sa harap ng natutulog na dalaga.

"Weird," bulong ni Aubrey.

Katahimikan ang bumalot at namagitan sa kanilang tatlo. Walang gustong umimik dahil wala naman silang maisip na pwedeng pag-usapan.

Red cleared his throat, "Ehem," lumakad siya patungo sa likuran ni Tyler, hinawakan niya ang balikat nito. "Ang ganda niya 'no? Pero mas maganda kung magiging girlfriend ko siya."

Ang tinutukoy niya ay si Althea. Kung maikukumpara kasi siya sa dati niyang hitsura, wala namang nabago sa kaniya maliban na lang sa wala siyang suot na eyeglasses. Hindi rin naman kasi siya nagkaroon ng pimples, hindi siya tipikal na nerd kagaya ng mga nasa movies.

Tinapik ni Tyler ang kamay ni Red at sinamaan niya ito nang tingin. May tensiyong namamagitan sa kanila at alam iyon ni Aubrey. Hindi talaga pwedeng magsama ang dalawang lalaki sapagkat baka sila pa ang magkasakitan.

"Yeah, girlfriend material. But she isn't my ideal girlfriend," sagot ni Tyler.

"Ang type mo kasi ay 'yong masayahing bata tapos in the end papat---" hindi natapos ni Red ang sasabihin nang mapahawak siya sa panga niya dahil sa pagdapo ng kamao ni Tyler sa kaniyang mukha.

"That incident was 10 years ago---"

Itinulak ni Red si Tyler, "Gago ka ba? Sa tingin mo makakalimutan ko---namin 'yon ng basta-basta?"

"That's bullshit!"

"Eh gago ka pala eh---"

"Kayong dalawa---" Aubrey was about to say something nang mapahinto siya dahil biglang nagmulat ng mata si Althea.

Nagulat ito nang biglang tumayo at nagtatalon si Althea sa tuwa, "Oh my gosh! Buhay ako!" Althea blinked her eyes twice bago siya napahawak sa harapan niya, pinisil niya ito na para bang matagal na niya itong hindi nahahawakan, "Mimay, Pipay. . . Legit! Buhay nga ako, hindi 'to next life!" she said referring to her breast.

Napahinto siya at biglang namutla nang mapansin niya ang dalawang lalaki na nasa harap niya, nakatitig sila sa kaniya. Ngumiti siya nang pilit at sa isip niya ay gusto na niyang magpalamon sa lupa. "Oh. . . my. . . gosh!" tili ni Althea.

"Bold!" sigaw ni Aubrey bago siya tumawa.

✄-----

KANINA pa sila naglalakad sa madilim na parte ng kagubatan na kung tawagin ay Black Forest. Sa sobrang lawak nito ay tiyak na maliligaw ang sino mang baguhan sa pagpasok dito.

Tahimik lang na sumusunod sa likuran nila sina Althea at Angeline. Nang biglang makaramdam si Althea ng pagkapagod.

Huminto siya sa paglalakad at nagpamewang. "Sigurado ba kayo sa dinadaanan natin ha? At saan niyo ba kami dadalhin, aber?" pagdadabog ni Althea.

Walang umimik sa kanila maliban kay Angeline na bumulong kay Althea. "Binge yata sila bestie."

"Hello?! May tao ba?" pag-uulit ni Althea. "Sabi ko nga. . . may tao."

Mula sa matayog na puno, may pigura ng taong tumalon mula rito at humarang sa kanila. Sinubukan nilang aninagin at tukuyin kung sino ito ngunit nabigo sila. Marahil ay hindi ito pamilyar sa kanila.

Morore AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon