ALTHEA

Maraming nai-kwento sa akin ang kaibigan ko tungkol sa kagandahan ng Academy na ito. Napagod na siya siguro sa kakwe-kwento kaya napahimbing ang tulog niya ngayon malapit sa paanan ko.

Gusto ko rin ma-experience 'yong kwento niya. Hindi sapat na imagination ko lang 'yon 'no! Kailangan ko ring makita kasi 'to see is to believe' ika nga.

Wala akong ideya kung anong oras na ngayon kaya naman tiningnan ko ang labas ng bintana, maliwanag pa naman.

"Red. . ." rinig kong bulong niya. Nanaginip ba siya?

"Hoy!" sigaw ko saka tinapik ang braso niya. Mahirap na baka kasi bangungutin, hindi pa ako ready mamatayan ng kaibigan.

Nagmulat siya at kinusot ang kaniyang mga mata. Tiningnan niya ako, umiiyak ba siya?

"Bakit?" tanong niya sabay punas ng palad niya sa kaniyang mata.

"Umiiyak ka ba?" tanong ko.

Tumawa siya, "Hindi!"

"Eh, ano nga?"

Ini-unat niya ang kaniyang mga kamay at hinilot ang leeg. "Nanaginip lang kasi ako na ikinakasal daw ako sa isang lalaking wala namang mukha. . . I mean may mukha siya sa panaginip ko pero hindi ko na matandaan," umiling siya, "Haysss kainis."

Pero alam ko naman na kung sino 'yon, baka si Red? Eh siya naman 'yong binubulong niya kanina eh.

"Edi, sana all. Ako, when kaya?" tanong ko. Siyempre biro lang, nag sa-sana all lang ako pero hindi ako jowang-jowa.

"Kapag pumuti na siguro ang uwak," biro ni Angeline. Siguro, wala naman yatang interesado sa 'kin eh.

Napatingin kami nang sabay ni Angeline sa pintuan nang biglang bumukas ang pinto. Umihip ri nang kakaiba ang hangin pagkatapos ay bumukas rin ang bintana na kanina pa nakasara.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon pero nanlalamig ako at tumatayo ang mga balahibo ko.

Annabelle is coming? Chos.

Napatili kami sa gulat ni Angeline dahil sa biglang pagsulpot ng isang babae sa aming harap. Inilapat niya ang hintuturo niya sa labi ko kaya hindi ako umimik. "Shhhh."

Bakit ang ganda niya?

Hindi niya kami pinansin at naglakad siya patungong bedside table at may inilagay siya roong papel. "Wag nga kayong oa, diyosa ang kaharap niyo, hindi multo!" sabi niya.

Hindi nga siya nagbibiro dahil nagsasabi siya ng totoo. Bakit gano'n, ano kayang pakiramdam ng favorite? Salong-salo niya nang umulan ng kagandahan.

Saan kaya siya pinaglihi? Gusto ko tuloy ma-reincarnate. Ang ganda niya talaga.

Maputi siya at may kahabaan ang buhok niya na kulay Pink. Mukha siyang anime na in the end ay mamamatay rin, chos.

"Gising ka na pala. . . mabuti kung gano'n," nakangiting wika ng babae sa akin. Lumakad siya palapit sa akin at iniabot ang kaniyang kanang kamay, "By the way, I'm Lynberg Healeria."

Hinawakan ko ang kamay niya, malamig ito. "I'm Althea Scarlet. And this is my friend Angeline Cervantes," nakangiting sabi ko bago nakipagkamayan sa kaniya.

Bumitaw ako nang magsimula na siyang magsalita.

"Bukas na ang start ng school kaya magpagaling ka. I mean, bilisan mong mag-recover," sabi niya.

Lumakad siya patungo sa isang closet. Binuksan niya ito at dalawang kahon ang lumutang palabas. Habang naglalakad papunta sa direksiyon namin si Lynberg ay nakasunod din sa likuran niya ang kahon.

"Anyway. . . sa loob ng kahong ito," itinuro niya ang mga nakalutang, "ang laman nito ay dorm keys, cards, uniform at allowance."

Tumango kami ni Angeline. Grabe, lumulutang talaga 'yong mga kahon. Sana all na lang talaga.

Lumutang ito patungo sa amin at nahulog ang kahon sa bandang tiyan ko, samatalang ang isa naman ay sa paanan ko.

"So paano, kayo na ang bahala, I guess kaya niyo na? Mauna na ako," sabi niya at kumaway pa siya sa amin bago siya maglaho sa paningin namin na parang bula.

Bumuntong hininga si Angeline bago niya ako tingnan, "Mabuti pa Althea, my bestie, magpahinga ka muna," tumayo siya at nilapitan niya ako saka pinitik ang noo ko.

"Aray naman!"

____

Vote☆ and Comments Are Highly Appreciated♡

Follow me if you like☺

Morore AcademyWhere stories live. Discover now