Ayoko ng gano'n.

Proud ako sa kanya. Pero hindi ko talaga gustong gawin ang gusto niya. Idol ko siya no'ng bata pa ako, kaya nga lumaki akong may sariling pangarap na gustong mai-share sa kanila. Kaya nabigyan ko ng goal yung sarili ko. Kasi dahil sa kanya iyon.

Dahil sa kanila.

Sina North naman kung tutuusin, mas angat sila sa amin. Hindi lang halata but their parents own a powerful company. Based na rin sa kwento niya at sa mga nababasa kong article. Ang tatay niya ang may hawak ng Hansen Corporation na pinaghirapan talaga nito. Ang Mom naman nila ay galing sa isang kilalang pamilya na may ari rin ng isang company pero 'ung Tito nila na nakatatandang kapatid ng nanay nila ang namamahala ng lahat.

Kung tutuusin, hindi na kakailanganin ni North na maging prof o magtayo ng coffeeshop kasi mayaman na ang family niya. Pero nag-decide siyang bumukod at buhayin sina South, East, at West nang walang hinihinging financial help sa tatay o sa kapatid ng Mom niya.

Iyon ang siguradong alam ko dahil siya mismo ang nagkuwento no'n nang mapag-alaman ko na may mga kapatid pala siya. And that's one of the reason kung bakit humahanga ako sa best friend ko. Kapatid na nga, magulang pa. Masyado nga lang din talaga siyang masikreto. Nasa lahi na siguro nila.

Nangangalahati na ang iniinom ko nang mapansin ko. Hindi ko man lang namalayan sa dami ng iniisip.

At saka bakit ba napadpad sa mga Hansen ang takbo ng utak ko? Sakit na yata 'to, eh. Lahat na lang nako-connect ko sa kanila. Grabe.

"Good morning!"

Nilingon ko si East na umagang-umaga ay masigla na agad. Ang ganda ng ngiti sa akin. Tumango ako. "Morning. Maganda yata gising mo? What do you want to drink?" Alok ko sa kanya.

"Milk na lang, Jade, para tumangkad pa ako," Hagikhik niya. Bigla tuloy pumasok sa isip ko si South na halata mong pinagkaitan ng height. Ibang klase. "Tsaka lagi namang maganda gising ko."

"Pansin ko nga." Sang-ayon ko sa kanya. Pinanood ko siyang magtimpla ng gatas niya. "Kapag nakikita kita, feeling ko, good vibes ka lagi. Marunong ka bang mainis?"

Lumingon lang siya sa akin tapos nag-wink. Ano kaya iyon? Nagkibit na lang ako ng balikat. Pagkatapos niyang matimpla ay umupo na kaagad siya sa tapat ko. Ngingiti-ngiti pa siya na akala mo napakagaan ng buhay. "Alam mo kasi, Jade, naniniwala akong life is short kaya dapat palagi tayong masaya."

"Pero nagkaka-problema ka?"

"Siyempre naman!" Hyper na sagot niya. "Tingin mo sa akin, abnormal?" Nag-make face siya kaya natawa ako. Parang baliw, eh. "Lahat tayo may mga sari-sariling problema. Ultimo pagbangon mo sa umaga, problema na 'yon. Masarap kaya matulog!"

"Eh, bakit gising ka?" Tanong ko sabay tingin sa phone. "Magfo-four pa lang, oh."

"Waley lang. Naalimpungatan, eh." Uminom siya bago ako ngitian, yung smile na pambata. "Saka ayaw mo 'yon? At least may kasama ka. Parang ang lalim ng iniisip mo, eh. Share mo naman!"

"Wala 'yon."

"Share!" Ulit niya, "share!"

"Ay, makulit." Natatawang sambit ko sa sarili. Ang mga Hansen talaga, unique. "Okay. Okay lang magtanong? Medyo personal nga lang."

"Sure." Mabilis na sagot niya. "Friends na naman tayo, 'di ba?" Tumango ako na ikina-smile na naman niya. "Edi ayos. Sasagutin ko hangga't kaya."

"Okay. Hmm..." Ano bang magandang unahin na itanong? Hinigop ko yung natitirang laman sa baso ko. "How does it feel living in a broken family?" Lakas-loob kong tanong. I heaved a deep sigh. "Hindi ka sana na-offend. Pwedeng hindi mo sagutin."

"Nah," Umiling siya. "Okay lang." Sumandal siya sa inuupuan. "Alam mo, Jade, para naman sa'kin hindi kami broken family. Kung pagbabasehan ng pamilya ay yung may nanay, tatay, at kapatid na masayang magkasama sa iisang bubong man o hindi, aminado akong kulang kami no'n." Sumeryoso siya bigla. Para na siyang si West. "Si Mama, wala na. Si Dad naman, may bago nang pamilya. Balita ko nga, eh, kakapanganak lang no'ng bagong asawa niya." Ngumiti siya. "Gusto ko sana makita yung bagong kapatid namin. Pero baka hindi rin ako payagan."

"Bakit naman?" Tanong ko pero umiling lang siya.

"Back to the topic. So, ayon nga. Kahit sino, masasabi na broken family kami. Pero para sa akin, hangga't alam kong hindi ako nag-iisa, may family pa rin ako. Kasi ang definition ko ng pamilya, wala 'yan sa dugo." Ngumiti siya ng matamis. "Parang ikaw, pamilya ka na rin namin."

Na-speechless ako bigla. Alam ko namang sobrang bait nitong si East, pero iba pa rin talaga kapag may nagsasabi sa'yo ng ganito. Na isa na ako sa member na family nila. Kahit na kung susumahin, eh, hindi pa naman talaga kami matagal na magkakilala.

"Na-touch ka, 'no?" May halong pang-aasar na tanong niya. "Bawal umiyak!"

"Sira." Natawa tuloy ako bigla sa kanya. "Ang optimistic mo."

Ngumiti lang siya sa akin. "Sana mga mahawaan ko si Ate South, eh. Ang sungit niya kasi!"

"Eh, masungit naman talaga iyon." Sang-ayon ko. Moody rin.

"Pero sobrang bait no'n." Tinaas-baba niya ang kilay. "Promise."

Ows? Nailing ako sa isip ko. Sobrang bait? Hindi ko pa nakikita yung gano'ng side ng batang 'yon.

_____

She's Complicated (GL) [HSS #1, Completed]Where stories live. Discover now