Ngumisi si Muntik na naming --- argh. Ang haba!

"Edi laban ulit tayo." Nagtitigan muna sila saka nagsalita si Boy Lapit.

"Bitawan niyo siya." Sabi ni Boy Lapit sabay ngisi. "One on one?"

"Kahit kayo pang tatlo."

"Okay. One on one."

Lumayo na ung dalawang nakahawak kay Muntik na naming mabangga kaya lumayo din ako kahit medyo malayo pa ko.

"Aaaww! Hahaha!" Parang baliw na sabi ni Boy Lapit habang nakahiga. Kumurap lang ako nahiga na siya?

Tumayo si Boy Lapit at kunwari chill lang siya pero bigla siyang umatake.

Buti na lang umiwas ung muntik na naming mabangga!

"Gogogo!" Bulong ko habang pinapanood na sumuntok ung muntik na naming mabangga.

"Mam!" Napatingin ako sa may likuran ko at nakita ko si Manong na may kasamang mga tanod.

May magandang maidudulot pa rin pala tong si Manong e.

Pumito ung mga tanod sa pito nila kaya nagsitakbuhan na sila pero may pahabol pang sabi si Boy Lapit.

"Di pa tayo tapos! Tandaan mo!"

---

Sumisilip silip ako kay John Patrick. Alam ko na ung pangalan ni muntik na naming mabangga kaya di na mahihirapan mag type si otor. Hahahaha! Nagpakilala siya kasi tinanong ko. Galing dibuh?

Nakahawak siya sa ulo niya at nakapikit.

Bat kaya nakipagaway to? Tyaka nakauniform pa siya oh. Nag cutting siguro. Mga kabataan nga naman ngayon.

Oy ako nagpaalam ako sa teacher pero gumawa nga lang ako ng kwento. Sinabi ko na masakit ung puson ko kahit hinde.

"Stop starring at me." Napataas ung isa kong kilay.

Aatake na naman ung pagiging moody ko.

"I'm not starring at you. Iw. Feeler." Pairap na kong humarap sa bintana. Nasa kaliwa ako nasa kanan naman ung pwesto niya.

Di ko mapigilang tingnan siya kaya tinignan ko siya nang hindi nagpapahalat ung tipong mata lang ang titingin di kasama katawan.

Di ko alam kung namamalik mata ba ko pero nakita ko siyang nakangiti.

Umiwas na ko ng tingin. Sheyt. Creepy.

Baka kaya siya nakipagaway kasi ninakawan niya ung nga lalaki don! My ghad! Baka ako na isunod nito! Bat kasi tinulungan ko pa to!

Umiling iling ako para mawala na ung iniisip ko.

"Ack! What the fuck!" Sabi niya habang tinatanggal ung buhok kong tumama sa mukha niya nung umiling iling ako.

Hawak hawak niya ung mata niya.

"Bat kasi nandyan ka! May space pa naman don bat di ka umusog!" Inis na sabi ko.

"Eh malay ko bang iiling ka bigla! Sakit sa mata pucha." Sabi niya at umusog na.

"Bakit? Wala na ba kong karapatang umiling! Ha? Lintek na to." Sarap bigwasan ng sampo.

Inirapan niya lang ako kaya nainis ako.

"Hoy! Baka nalilimutan mo nakikisakay ka lang! Baka gusto mong tusukin ko yang mata mo at pababain ka! Bakla!" Pagbubunganga ko.

"Sino bang nagpumilit na pasakayin ako dito!"

Hm. Pahiya aqu.

Flachback kahit kanina lang

"Hoy! Sumabay ka na!" Sabi ko habang sinusundan siyang kunin ang bag niya sa upuan.

"Ayoko."

"Sumabay ka na!" Nagsimula na siyang maglakad kaya sinundan ko siya.

"Ayoko!"

"Bat ba ayaw mo! Ang arte neto!"

Humarap na siya sakin na asim ang mukha sa sobrang inis. Muntik na kong matawa pero pinigilan ko.

"Eh ayoko e! Aaaayyyooookkkkoooo! Okay na?! Ang ingay mo eno!" Sigaw niya sakin at naglakad na pero di ko siya sinundan.

Tumakbo na ko sa kotse at pumasok.

"Manong, pakisundan siya. Bagalan mo lang ung takbo." Sabi ko habang tinuturo ung lalaki.

Tumango si manong.

Binuksan ko ung bintana at sumigaw.

"Sakay na! Pabebe pa e!"

Medyo nagulat siya pero medyo lang kaya naglakad ulit siya.

"Hoooooy!!!" Pinakamalakas na sigaw ko na yan!

Manong: takip sa tenga
Lalaking muntik nang mabangga: nganga
Kotse:
Lupa:
Salamin:
Ibon:

Bumuntong hininga siya at ginulo ung buhok tapos pumasok na siya kaya umusog na ko.

"Kulit mo."

Napangisi ako at tumingin kay manong na hawak ung tenga.

Hahahahahha!

"Manong tara na."

Tumango si manong habang hawak na ng isang kamay niya ung isng tenga.

End of flashback na kanina lang

"Oh ano ka ngayon?" Pangaasar niya sakin.

"Tao pa rin! Ikaw? Tae pa rin?"

"Yak! Korni mo!"

"Bakla!"

"Bakla?"

"Oo! Bakla?"

"Sus! Galawan mo para mahalikan lang ako eno!" Sinabi din yan ni Karl ah!

"Kapal ng mukha mo gago!"

"Crush mo lang ako e!"

"Hindi kaya! Bakla! Bading!"

Di na siya sumagot at pumikit na lang tapos nag make face.

Nagdabog na lang ako.

"Saan nga po pala siya natin ihahatid?" Tanong ni manong na rinding rindi na samin kanina pa.

"Oy. Saan ka daw ihahatid." Kalabit ko kay John Patrick.

Dumilat siya at tiningnan kung nasan kami.

"Dito na lang." Sabi niya tapos umalis na.

Di man lang nagpasalamat amp.

Wag ko lang ulit makikita yun. Ako pa mismo magpapabugbog sakanya tandaan niyo yan. Kala niya ah.



I'm Inlove With My Stepsister's STEPBROTHEROù les histoires vivent. Découvrez maintenant