Chapter 15

876 25 2
                                    

John Patrick

Hahahaha! So ganon pala ang ugali niya. Medyo nakakabwiset pero makakayanan pa naman.

Umupo muna ako sa bench dito sa park. Dito ako napadpad e.

Hinawakan ko ung labi ko kaya napangiwi ako. Ang sakit. Ang lakas sumuntok nun.

Kaya ako binugbog nung mga yon dahil nakaaway ko yun dati sa bar nung lasing ako. Naghiganti ngayon. Hays. Ang gusto ko lang naman nung pumunta ako dun ay yung halo halo. Malapit lang kase ung nagtitinda ng halo halo sa bar.

Nakakaantok. Dapat di na ko nagcutting e. Wala tuloy ung motor ko.

Pag nagkacutting kasi ako di ko sinasama ung baby ko dahil maririnig ng guard na tulog lagi. Baka kasi magising.

Inaantok talaga ako tas ang sakit pa ng mukha ko.

Gusto ko ng umuwe!

Pero bawal dahil papagalitan na naman ako ni tanda.

Kabwiset!

Alam ko na! Kila Calvin na lang!

Tumayo na ko at naglakad nung naalala ko nagcutting nga pala ako at nasa school pa siya.

Bumalik ako sa upuan at ginulo ko ung buhok ko sa pagkainis!

Pumikit ako habang nakakunot ung noo at sumandal sa upuan.

Nagulat ako ng may umapak sa paa ko.

"Aaaaaaaaaaaaaaaaawwwww!" Napatayo ako sa sakit.

Hinawakan ko ung paa ko at tumalon talon paikot sa bench.

"Pakshet! Ang saket! Puta! Araaaay! Shit Shit shit!" Tumingin ako sa umapak sakin.

"Bat mo ko inapakan?!" Sabi ko sa batang lalaki na blangko lang ang mukha! Puta! Papatulan ko tong batang to! Mga nasa 7 na siya. Tangina parang bakal ung paa.

Umupo ulit ako at hinubad ang sapatos saka ko minasahe ung paa ko. Puta ang sakit!

"Hoy, Klio! Bat mo sinipa ung lalaki! Ang bad mo talaga!" Sabi nung batang babae naman habang pinapalo sa braso tong batang umapak sakin!

"Eh diba sabi ko sayo aawayin ko ung uupo dito." Sabi niya sa babaeng bata habang nakaturo sakin o sa upuan.

"Kaya mo ko inapakan?! Bat di mo na lang ako kinalabit! Tangina ano bang klaseng paa yan? Paa ba ng bata yan?!"

"Ayan tuloy! Nagbad words na siya! Ibig sabihin galit siya! Bat ba kasi nag kakarate ka e! Dapat hindi na para di mo siya nasaktan!" Sabi ng batang babae sabay lapit sakin.

"Sorry po. Naughty po kasi siya kaya ganon." Nakasimangot naman ako tumango kaya ung batang lalaki naman ang linapitan niya.

Pinalo niya muna ito bago kinausap.

"Magmall na lang tayo! Nakakainis ka!"

"Kala ko ba dito gusto mo?" Sagot naman nung batang lalaki at naglakad na sila papunta sa yaya nila.

---

Kanina pa ko nakaupo dito at naghihintay ng uwian sa school namin dito sa labas ng gate. Naghihintay ako para makuha ko na ung motor ko.

Nakatitig lang ako sa relo ko.

"5..4..3..2..1.." tumayo na ko para tingnan kung naglabasan na sila. Yooon! Hohoho!

Pumasok na ko sa gate habang naglalabasan sila. Pumunta agad ako sa parking lot para kunin na si baby ko.

"Found ya, madapakahhh! Hehehe!" Natutuwa kong sabi.

"Cutting na naman?" Nakita ko si Calvin sa likod ko.

Nagkibit balikat lang ako.

"Punta ako sainyo." Sabi ko.

"At bakit?"

"Gamutin ko lang sugat ko."

"Ayan ba?" Turo niya sa labi ko kaya tumango ako. "Pano ba gamutin yan? Lalagyan ng betadine hanggang malunon mo?"

"Tanga. Ako na bahala."

"Bat ka nga pala nagkasugat dyan sa labi mo?"

Sumandal ako sa motor ko at ganon din siya sa motor niya.

"Naalala mo ung last na punta natin sa bar? Ung lasing ako?" Tumango siya.

"Ahh. Naghihiganti?" Nakangisi niyang sabi.

"Oo." Tatawa na sana ako kaso biglang kumirot ung paa ko kase nadiin ko ung daliri ko sa paa.

Shet di niyo alam dinanas ko makapaglakad lang mula sa park hanggang dito sa school.

Di ko namamalayan na sumasama na ung tingin ko sa kawalan kaya tinapik ako ni calvin.

"Anong nangyayare sayo? Tara na sa bahay." Sabi niya at sumakay na sa motor niya. Padabog akong sumakay sa motor ko. Kabwiset ung bata e.

_____

Ang ikliii! Hahahaha! Sorry. Tinamad si akuu tyaka antok na. Hahaha!

Thank you sa mga nagtyatyagang magbasa neto. Hahaha! Labyu. Haha!


I'm Inlove With My Stepsister's STEPBROTHEROn viuen les histories. Descobreix ara