Chapter 12

1K 24 1
                                    


"Juicecolored. Di pa rin natutunaw ung mga kinain ko." Reklamo ni Ate.

Nagorder pa kase siya ng ulam. Halos lahat ata ng klase ng ulam dun sa carinderia kinain niya e. Ako hanggang menudo lang. Ung una naming inorder.

"Sino tanga?" Tiningnan niya ko ng masama kaya natawa ako.

"Waaaah! Ang laki ng tyan ko." Sabi niya.

Naglalakad lakad kami ngayon. Inaya ko siya maglakad para naman hindi reklamo ng reklamo tong kasama ko. Minsan nga iniisip ko kung sino ba talaga ang ate samin e.

"Wow!" Napatingin ako kay ate dahil sumigaw siya.

Hahaha! Para siyang buntis kase iika ika siya maglakad na parang ang bigat ng dinadala niya. Tapos nakahawak pa ung isang kamay niya sa tyan niya tapos ung isa naman nasa braso ko.

"Bakit?" Tanong ko.

"Bili tayo nun oh!" Sabi niya habang di niya pa rin inaalis ung tingin niya sa tinitingnan niya.

Tiningnan ko rin ung tinitingnan niya at nakita ko na may nagbebenta ng bibingka.

"Busog ka na diba?!" Sermon ko sakanya. "Pag pumutok yang tiyan mo bahala ka."

"Di ko naman ngayon kakainin e! Mamaya pa! Itetake out lang natin! Sige naaaa." Pagpapacute niya.

"Anak ng. Aish. Bumili ka na nga!" Hinila na niya ko.

"Hi magandang buntis! Bili ka na ng bibingka namin! May discount na para sayo dahil buntis ka!" Masayang sabi nung tindera ng bibingka.

"Di po siya bun--" Kinurot ako ni Ate sa tagiliran kaya napadaing ako.

"Opo. Buntis po ako. Pabili po ng dalawa." Nakangiting sabi naman ni Ate.

"Sumakay ka na lang. May discount oh." Pasimpleng bulong ni Ate.

Tumango na lang ako ng palihim.

"Eto na, mga ganda oh." Sabi nung tindera at nagbayad na kami.

"Salamat po!" Natutuwang sabi ni Ate. Umalis na kami.

"Waaaah! Ang saya pala pag buntis. Ang bait sayo ng mga tao. Hahahaha!" Sabi niya habang yinuyugyog ako.

"Tsk. Ano ba!" Tinanggal ko ung kamay niya sakin.

Kinuha ko ung phone ko sa bulsa ko at tiningnan ung oras.

"2:45 na pala ate. Uwi na tayo." Tumingin ako sakanya at laking gulat ko nung kinakain niya na ung bibingka.

Pinalo ko siya sa braso.

"Aray ko." Naka pout na daing niya.

"Aish. Tara na nga!" Hinila ko na lang siya at bumuntong hininga.

Ang hirap magalaga ng Ate.

"Hoy! Narinig kita ah." Sabi ni Ate.

Napalakas ba ung pagkakasabi ko?

"Tara naaa!" Hila ko sakanya.

"Teka, di ko masubo!" Tukoy niya sa bibingka kase nakahawak ako sa braso niya kung san hawak niya ung bibingka.

--

"Mamaaaaa!" Tawag niya kay Mama na kasalukuyang bumababa sa hagdan.

Sinalubong namin si Mama at nagbless, yinakap at kiniss ko siya.

"Akyat na po ako." Paalam ko at umakyat na papuntang kwarto ko.

Nakasalubong ko si Papa na tahimik.

"Hala nahulog!"

"Ay tahimik!"

Ginulat lang pala ako kaya ang tahimik!

I'm Inlove With My Stepsister's STEPBROTHERWhere stories live. Discover now