Chapter 2

3K 55 0
                                    


Renneloppe

Claire: Aish! Nasira na naman diet ko sa Mang Inasal na yan.

Ako: Tch. Kasalanan mo rin naman yan eh. Extra rice pa more! Hahaha.

Sabi ko habang nag fofocus sa pag dadrive. Pauwi na kami.

Claire: Kaya ayaw kong kumain dun eh!

Ako: Hahahaha. Ngayon alam ko na kung bakit gusto mo sa mamahaling resto na kokonti ang pagkain.

Claire: *pout* Forever koooo!

Ano connect?!

Ako: Huy! Ano ba yan! Nakakagulat ka! Mamaya mabangga tayo! Ano ba pinagsasabi mo?!

Claire: Nakita mo yung mga lalaki kanina! Ung tinitingnan mo nung tumigil ka sa paglalakad.

Nakita niya yun?!

Ako: Oh? Ano meron dun?

Claire: Ang gagwapo nila, girl!

Ako: Tch. Kalandian mode on.

Natawa naman siya

Claire: Grabe ka sakin, girl. Haha.

Tinignan ko siya sandali tapos paglingon ko sa kalsada...

Me and Claire: WAAAAAAAAAAH!

Diniinan ko ung pagapak sa preno. Waaah! Buti na lang napreno ko agad! Kung hindi, talsik tong nakamotor na to!

Agad akong lumabas para sitahin ung nakamotor.

Ako: Hoy! Magpapakamatay ka ba?! Dun ka sa tulay magpakamatay! Hindi ung nangdadamay ka pa!

Kuyang Panget na nakamotor: Tss.

Ako: Hoy, Kuya! Pa-cool ka masyado ah! Bat ka kase dirediretso?! Pag namatay ka, makukulong pa kami?!

Kuyang Panget na nakamotor: Tsk. Wala namang nangyare diba? Ayos ang lahat. Di ako namatay. Pwede na ba akong umalis?

Nasa subdivision na namin kami. Wala namang masyadong tao at buti na lang wala masyadong kotse dito sa subdivision tuwing gantong oras. 4 na ng hapon. Siesta ng mga tao.

Ako: Ang yabang mo! Panget ka naman.

Kuyang panget na nakamotor: Ah talaga?

Sabi niya sabay tanggal ng helmet niya!
Shocks! Ang gwapo!

Nakatitig lang ako sa nakamotor tapos maya maya ay naramdaman kong may tumabi sakin. Tiningnan ko kung sino ang tumabi sakin at nakita ko si Claire nakatitig kay Kuyang nakamotor. Wala ng panget.

Nginisian ako ni Kuya at tyaka sinuot niya na yung helmet niya tas umalis na at iniwan kami ni Claire na nakatulala sa kawalan.

Claire: Girl, ang dami kong nakitang gwapo ngayong araw.

Bumalik ako sa wisyo nung nagsalita si Claire.

I'm Inlove With My Stepsister's STEPBROTHERWhere stories live. Discover now