Chapter 7

1.5K 37 0
                                    

John Patrick Espiridion

"Oy ano? Tuloy ba tayo?" Napatingin ako sa kakarating lang na si Calvin pero sandali lang. Binalik ko na ulit yung tingin ko sa linilinisan kong motor. Nasa likod kame ng bahay namen.

"Di mo ba nakikita? May ginagawa ako." Malamig na sabi ko. Sanay na siya saken tyaka ganto din naman ugali niya. Cold. Pero mas mabait siya. Sabi kase nila masungit ako. Tss.

"Okay." Yan ung gusto ko sakanya. Di nangungulet.

Inaaya niya ko magbasketball ngayon. Gusto ko mag basketball pero mas mahal ko ung motor ko. Ang tagal ko kayang pinagipunan to.

8:30am na pala.

"Hoy." Tawag ko sakanya habang naglalakad papunta sa patayan ng hose.

"Oh?" Sagot niya.

"Lalamon ka dito?" Napangisi siya sa tanong ko. Nanatili akong naka poker face.

Bumalik ako sa motor ko para kunin ung balde ng sabon tyaka ung sponge at binalik na sa kinalalagyan non. Ang lalim ng mga pinagsasabe ko. Nakakabwiset.

"Pwede ba?" Tumingin ako sakanya at inirapan.

"Itatanong mo pa kung pwede, e kakain ka din naman dito. Tss. Tara na sa loob." Sabi ko sabay lagay sa bulsa ng kamay ko sa short ko na hanggang tuhod.

Di na siya sumagot at sumunod na lang saken.

"Lola. Daddy." Gising na pala sila. Nung lumabas kase ako para linisin nga ung motor ko tulog pa sila e. Nasa kusina kame.

"Goodmorning, Son." Tumango lang ako.

"Goodmorning po sainyo." Nakangiting bati ni Calvin kila Daddy at Lola.

"Goodmorning." Nakangiting bati din ni Daddy. Si Lola ay umiinom ng kape at nagbabasa ng dyaro. Ganyan talaga si Lola. May sariling mundo. Sakanya yata ako nagmana.

"Maupo ka na Calvin." Sabi ni Daddy kaya umupo na si Calvin. Kanina pa kase ako nakaupo. Ayokong napapagod ako.

"Magbabasketball kayo?" Tanong ni Daddy saken o kay Calvin? Tss. Ewan. Napansin kase ni Daddy na nakabihis si Calvin ng pangbasketball.

"Dapat po pero di natuloy dahil naglilinis po pala ng motor si JP." Nakangiting sabi ni Calvin.

Tahimik na kaming kumakain. Ung tunog lang ay yung pagkaluskos ng kutsra at tinidor sa plato.

Ang ulam ay bacon, hotdog, itlog, tyaka may tinapay pa pero nagkanin lang kaming lahat.

"Ehem." Napunta ung atensyon namin nung nag ehem si Lola.

"Tapos na ko." Akmang tatayo si Lola nung pinigilan ni  Daddy.

"Wait, Ma. Papakuha ko lang ung gamot niyo." Daddy

"Clarisse." Tawag ni Daddy sa Nurse ni Lola na nakabantay lang kay Lola. Matanda na si Lola tas sunod sunod na ung sakit kaya kumuha na si Daddy ng nurse para kahit papano may nagbabantay kay Lola.

Si Daddy kase may trabaho tas ako naman, maaasahan naman sa pagbabantay pero may school din naman ako. Psh.

Nararamdaman kong kinakalabit ako ni Calvin sa hita kaya napatingin ako sakanya nang nakakunot na noo.

"Bakla ka ba?" Bulong ko para di makaistorbo sa paguusap nila Dad. Mukhang naintindihan niyo yan kaya kumunot din ung noo niya.

"Gago." Bulong naman niya sabay tigil sa pagkalabit. "Tara na." Bulong din niya. Inirapan ko lang siya tapos tumayo na ko at uminom ng tubig.

I'm Inlove With My Stepsister's STEPBROTHERDonde viven las historias. Descúbrelo ahora