Chapter 5

1.7K 42 0
                                    

Renneloppe

"Hmmm." Napatingin ako agad kay Claire nung napaungol siya. Nakarest lang yung ulo ko sa kama tapos nakaupo naman ako sa sahig. Mababa lang naman ung kama ko e.

"Claire? Claire gising ka na?" Tanong ko.

"Ang lamig." Sabi niya habang hinahanap ung kumot. Hinihigaan niya yung kumot e!

Kinuha ko yun at tinaklob sa katawan niya. Nakapalit na siya ng damit. Pinalitan ko siya.

"Uy. Ang init mo ah." Sabi ko nung nadaplis ung kamay ko sa leeg niya.

"Hmmm." Ungol niya na naman.

"W-wait lang. Tawagin ko lang si Kuya." Sabi ko tapos binuksan ung pinto at lumabas.

Nasa pinto na ko ng kwarto ni Kuya.

"Kuya. Kuya. Si Claire may lagnat." Mahinang sabi at katok ko dahil tulog na sila Mommy.

Tulog na yata si Kuya e. 2:45am na!

Bumaba na lang ako papuntang kusina para kumuha ng usang basong tubig. Papainom ko sakanya.

Umakyat ulit ako sa kwarto ko.

"Claire. Tubig oh." Sabi ko tapos tinulungan ko siyang umupo.

"A-anong nagyare?" Tanong ni Claire.

"Bukas na lang. Pahinga ka muna." Sabi ko sakanya nung naubos na ung tubig.

Humiga na siya tapos nagtalukbong ng kumot.

"Dito ka mahiga sa tabi ko." Nakapikit na sabi niya habang tinatap ung space ng higaan.

"Wag na. Matulog ka na." Sabi ko tapos tumayo at pinatay ung ilaw. Binuksan ko naman ung lamp.

"Ay. Ang tanga ko." Sabi ko sa sarili ko. Binuksan ko ulit ung ilaw at pumunta sa cabinet ko at kinuha ung higaan na maliit. Kasya na ko dito.

Linatag ko na yun tapos pinatay ko na ung ilaw.

Napahikab ako. Aaawww. Nakakapagod.

+++

K I N A B U K A S A N

"Hoy! Buksan mo ung pinto!" Ano ba yan e! Natutulog ung tao ke ingay ingay!

"Gumising na kayo!" Sigaw na naman ni Kuya.

"Ano ba?! Natutulog pa e!" Sigaw ko tapos tinakpan ng unan ung mukha ko.

"L-loppy. Baka m-magalit ung kuya mo. B-buksan ko na ung pinto." Sabi ni Claire kaya tumango na lang ako. Ang sakit ng likod ko! San ba ko nakahiga? Sa batuhan? Leche!

"Aray! Ano ba?!" Sigaw ko kase may umapak sa unan na nasa ulo ko.

"Bangon na bangooon!" Sabi ni Kuya- Si Kuya pala ah! Lagot ka saking dambuhala ka!

"Yah!" Sigaw ko nung kinuha ko ung paa niya kaya natumba siya.

"Aray! Di ka titigil?!" Sabi niya habang nakahigang kinukutusan ako. Di naman niya ko matamaan.

I'm Inlove With My Stepsister's STEPBROTHERWhere stories live. Discover now