Chapter 8

1.2K 33 0
                                    


Renneloppe

Tuesday na ngayon at umuwi na si Claire nung Sunday pa kase baka daw nakakasagabal na siya kahit hinde tyaka may pasok na rin daw kinabukasan. Sinubukan pa namin siyang pigilan pero di na namin talaga napilit. Hinatid na lang namin siya ni Kuya sa kanila.

Ay. Nasa kotse nga pala ako. Papasok na ko ng school. Hehe.

"Andito na tayo, Ma'am Renneloppe." Nakangiting sabi ni Manong. Di ko namalayan ah.

Ngumiti ako kay Manong. "Salamat, Kuya! Mamaya ulit!" Sabi ko habang bumababa na. Ngumiti lang si Manong.

Naglalakad na ko papasok nung gate nung makita ko si Kuya na nakatambay sa guard house ng school ko. Ang lakas ng loob na tumambay pa dito sa school ah. Talagang nangaasar siya.

Binilisan ko pa ung lakad ko. Kinuyom ko ung kamao ko sa sobrang inis.

Nung nakarating na ko sa guard house ay nagulat pa siya. Pinandilitan ko siya ng mata.

Dahan dahan siyang naglakad habang nakatingin saken. Sinusundan ko lang siya ng tingin.

Ako naman ang nagulat nung tumakbo siya habang tumatawa. Tumakbo rin ako.

Aish! Patay talaga saken yun pag nahuli ko yon!

"Tigiiil! Wag ka nang tumakbooo!" Sabi ko habang at tumigil sa pagtakbo. Habol habol ko ung hininga ko.

Tumigil na rin siya. Pawis na pawis na rin siya. Linagay niya ung dalawang kamay niya sa pantalon niya habang tumatawa pa rin. Nakakaasar!

Ganito kase ung nangyare kaya asar na asar ako sakanya.

Flashback: Last night

Pagod na pagod ako ngayon dahil ang dami kong ginawang homeworks. Waaaah! Patong patong kaya ung libro ko kanina. Halos lahat ng subject may homework.

Tiningnan ko ung orasan.

9:30pm na pala.

Bumaba muna ako sa kwarto ko para uminom ng gatas.

Pagkadating ko sa kusina nakita ko si Kuya na kumakain ng chocolates. Napatingin siya saken at biglang ngumiti mg nakakakilabot.

"K-kuya. Wag ngayon. Pagod ako." Tuwing kumakain kase si kuya ng chocolates ay nagiging hyper siya. As in, sobrang harot! Minsan nga kumain siya ng isang buong toblerone nung gabi. Tulog na kami lahat tas binulabog ba naman kami ni Ate! Di kame pinatulog!

"Okay! Sabi mo e." Nakangising sagot niya. Napanatag naman ang loob ko.

Kumuha na ko ng baso at isinalin na ung gatas don.

Linagay ko na sa sink ung baso ko at pumunta na ng kwarto.

Tumingin pa ko kay Kuya habang umaakyat sa hagdan. Nakangiti siya habang nakangiti saken. Kinilabutan na naman ako.

Pagkapasok ko sa kwarto ay sinara ko ung pinto. Nagunat ako sabay hikab.

Isinalampak ko na lang ung katawan ko sa higaan sa sobrang antok. Di ko na alam ang nangyare dahil ang lalim na agad ng tulog ko.

Next Morning

Tumunog na ung alarm clock ko. Dumilat na ko pero parang ang bigat ng mukha ko.

Tumingin muna ako sa orasan at tiningnan ung oras. Watda?! 3:00 pa lang bat tumunog na agad tong alarm clock ko, e 5 naman talaga tumutunog yan!

I'm Inlove With My Stepsister's STEPBROTHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon