Chapter 14

875 22 0
                                    


Renneloppe

Malungkot akong nakatingin sa labas ng kotse. Umuwi agad ako pagkatapos ng paguusap namin ni Claire.

Titingin tingin lang ako nung biglang may nakita akong pamilyar na mukha na nakikipagbugbugan!

Medyo malayo na ung kotse nung naalala ko na kung sino ung nakikipagbugbugan!

Ung lalaking muntik na naming masagasaan!

"Manong! Kita mo ung mga nagbubugbugan? Pigilan mo, Manong! Bilis!" Tarantang sabi ko habang di inaalis ung tingin sa mga nagbubugbugan.

"M-mam. W-wag na po. N-nakakatakot." Di nakapaniwalang tiningnan ko si Manong.

Kay laking tao, natatakot?! Unbelievable!

"Juicecolored." Bulong ko at binalik ulit ung tingin ko sa nagbubugbugan. Walang tao dito kasi sa longcut kami dumaan. Rinequest ko kay Manong kasi gusto kong ilibot ung mata ko pero eto lang pala madadatnan ng paningin ko. Tago pa naman tong lugar na to.

May dugo na sa labi ung lalaking muntik nang mabunggo namin dati at hawak hawak na ng dalawang lalaki ung magkabilang braso nung muntik na namin mabunggo dati habang ung isang lalaki naman kinakausap ung muntik na naming mabunggo dati.

Bale tatlo sila.

Tinitigan ko muna ung muntik na naming mabangga. Nakakaawa na ung itsura.

Tutulungan ko ba? Pucha!

"M-mam! Tara n-na po!"

"Teka nagiisip pa ko, Manong!"

Bahala na!

Lumabas na ko sa kotse at linapitan ung mga lalaki.

Napatingin tuloy sila sakin.

Nanlaki ung mata ko. Di ako nakapagplano! Pano pag ako naman ung bugbugin ng nga lalaking to tas pabayaan ako ng muntik na naming mabangga?!

"U-uhh? Hi? N-napadaan lang. Hehe." Shet. Ung puso ko! Malalaglag na sa sobrang kaba!

Nakatalikod na ko para bumalik sa kotse nang tawagin ako nang isa sa kanila.

"San ka pupunta? Masyado kang maganda para tumakas."

Hanodaw? Ano konek?

"Mam!" Tawag sakin ni Manong.

Di ko pinansin yung tawag sakin ni Manong dahil mas pinansin ko ung unti unting paglapit sakin nung lalaking kumakausap sa muntik na naming mabangga dati.

"Heyeyey!" Biglang nagsalita ung muntik na naming mabangga dati kaya napatigil siya sa paglapit sakin. Pucha ang haba ng pangalan ah.

"Oh? Bilis mo naman makarecover sa super duper ultra mega punch ko?" Pagyayabang ng lumalapit sakin kanina.

"Weh? Yun na yon? Super duper ultra mega mo na ba yon?" Sagot naman ni muntik na naming mabangga.

"Haha! Wooow! Kaya naman pala nanlata ka kanina!"

Oo nga! Tama tong si Boy Lapit.

I'm Inlove With My Stepsister's STEPBROTHERWhere stories live. Discover now