Chapter 33

179 5 2
                                    

   "Tapos, alam mo ba na kumanta si Zander ng 'She Will Be Loved' ng Maroon 5, si Margaret ng 'We Belong' ni Toni Gonzaga?" paninigurado pa ni Melanie sa kasintahang si Javier habang naglalakad-lakad sa loob ng basketball court sa TSU.

   "Oo. Diba 'If I Die Young' 'yung kinanta mo?" tanong pa ni Javier.

   "Uh-huh.." sagot nya rito.

   "Kitams, nakinig talaga ako sa inyo noong Sabado!" tuwang-tuwa at tila proud pa ang kanyang kasama dahil dito. Pero, hindi naman sya satisfied sa 'pagpapatunay' nito.

   "Eh, narinig mo ba 'yung nag-'hi' si Zander kay Lauren?" paninigurado pa ulit nya.

   "H-huh? Nag-'hi' sya?" napalunok naman kaagad ng laway si Javier dahil rito. Kumunot pa ang kanyang noo bilang dagdag at huminto sya sa harap ng kasama.

   "Gotcha! See, hindi mo alam kasi hindi ka nakinig!" nagchi-cheer pang sabi ni Melanie habang tatalon-talon.

   "Oisst.. Hindi ah, nakinig talaga ako! Atsaka, wait nga. Nire-recall ko 'yung mga narinig ko sa radyo noong Sabado. Flashback kumbaga!" tila natataranta pang excuse ni Javier sa kaharap.

   "Bwahaha.. Talo ka, talo kaaa! Hindi ka kasi talaga nakinig noong Saturday. Yipeee!" at tuluyan na ngang nag-cheer si Melanie.

   "Aisst.. Osige, para sa ikakatahimik ng lahat, oo na, talo na ako. Basta nakinig ako 'nun! So what now?"  pagsuko nya.

   "Ice cream ko? Diba sabi ko kanina kapag nasagot mo lahat ng itatanong ko, wala akong treat. Pero kapag hindi mo na sagot, may treat ako. So, saan na 'yung ice cream ko?" ibinuka pa ni Melanie ang kanyang palad sa kanyang harap.

   "A-ano? Sinabi mo 'yun kanina?" hindi makapaniwalang tanong nya sa kausap.

   "Oo kaya! Oh, don't tell me na nakalimutan mo na 'yun? Juskoo.. Kung noong Saturday nga hindi mo natandaan kung nag-'hi' nga ba si Zander kay Lauren, ngayon hindi mo matandaan kung sinabi ko nga 'yun. Take note, KANINA ko lang 'yun sinabi!" medyo malakas pang sabi ni Melanie kay Javier. Bigla namang sumulpot mula kung saan sina Lauren at Zander na malapit na pala sa kanilang dalawa. "Hi, Lauren! Hi, Zander!" kakaway-kaway pa si Melanie sa dalawa.

   "Hi, Melanie. Oh, anong nangyari sainyong dalawa? Ang lakas ata ng boses mo ngayon Melanie.." bati pabalik ni Lauren noong makalapit na sila sa kanila.

   "Sya kasi. Hindi nya matandaan 'yung sinabi ko sa kanya kaninaaa.." sumbong kaagad ni Melanie sa ka-grupo habang naka-cross arms. Iiling-iling nalang si Javier dahil rito.

   "Ano ba kasing sinabi mo kanina?" tanong naman ni Lauren. "By the way, magpa-practice daw dito ngayon 'yung mga taga-'kabila'.." pag-inform pa nito sa kanila.

   "Taga-'kabila'? You mean the other school? The Lonely Hearts University? LHU?" gulat na gulat na react ni Melanie.

   "Uy, kasama 'yung mga cheerleaders?" pilyo pang tanong ni Javier. Dahilan para sya'y mabatukan ni Zander.

   "Umayos ka, Cabrera. May girlfriend ka na!" saway ni Zander sa kanya.

   "Well, yes, of course. Magpa-practice din ang mga cheerleaders dito." sagot ni Lauren sa tanong ni Javier. 

Gotta Be You // KathQuenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon