Naglalakad papunta sa parking lot sina Lauren at Melanie nang makasalubong nila si Margaret. Naglalakad ito papunta sa may direksyon kung saan sila nakatayo. Hindi na ito umiiyak subalit mugto naman ang kanyang mga mata. Nung makalapit na si Margaret sa kanilang pwesto, kinamusta kaagad nila ito.

    "Oh, Margaret, bakit ka naandito?" tanong ni Melanie kay Margaret.

   "Anong nangyari doon sa loob ng gym?" tanong pa ni Lauren. Sumagot naman kaagad si Margaret. Pero hindi nila inaasahan ang kanyang isinagot.

   "Wag nalang natin ituloy yung singing production sa Linggo." malungkot na sabi ni Margaret sakanila. Ni hindi man lang nito isinagot ang kanilang mga tanong, ni isa wala.

  "B-bakit?" nauutal-utal na tanong ni Lauren sakanya. Naiisip nyang sayang naman ang pinaghirapan nilang makapag-practice ng maayos ng hindi sila nag-aaway-away na anim.

   "Ah, basta! Ayoko ko na. Ayoko na silang makasama!" sigaw pa ni Margaret. Clueless naman ang dalawa sa kanyang sinabi. Kahit sila ay hindi gustong makasama ang RB.

   Nag-walk out nalang bigla si Margaret. Papunta ito sa direksyon kung saan matatagpuan ang opisina ng kanilang eskwelahan. Naiwan namang nakatayo lang sina Melanie at Lauren. Maya-maya pa ay sumakay na sila sa kanya-kanya nilang sasakyan at nag-drive pauwi. Dismissal narin kasi nila kanina pa. Hindi lang pinatunog ang kanilang dismissal bell ng kanilang principal.

   Nang nakatayo na si Margaret sa harap ng pinto, kumatok kaagad siya. Binuksan naman kaagad ng isang staff ng kanilang paaralan ang pinto. Pagkakita sakanya ng staff, binati siya kaagad nito at pinapasok. Tinanong pa siya kung ano ang kanyang kailangan. 

   "Ahhm, gusto ko lang pong makausap si Mrs. Keith." sabi nya nalang rito. Sinamahan sya nito hanggang sa isang kwarto na kung nasaan nandoon ang kanilang principal. Nagpasalamat muna siya bago ito umalis.

   Kumatok muna siya bago siya pinapasok ni Mrs. Keith, ang principal ng kanilang paaralan. 

   "Oh, Ms. Durr, kamusta? Nakapag-handa na ba kayo para sa Linggo?" bati nito kay Margaret habang naka-ngiti. Wala syang kaalam-alam kung ano ang gustong sabihin sakanya ni Margaret.

   "Ahhm, yun nga po ang problema. Ayaw ko na pong mag-perform kasama ang Rising Boys," nagulat naman ang kanilang principal at unti-unti nang nawawala ang ngiti sa kanyang labi. "hindi naman po sa ayaw, pero hindi po talaga kami magkasundo-sundo. Pinaglaban nyo nga po kami noon, pero wala din naman po kayong napala. Kaya naisip ko lang po, na kung pwede lang po sana.." huminga ng malalim si Margaret at tsaka nya ipinagpatuloy ang kanyang pagsasalita. "wag nyo nalang po kaming pagsamahin. At andito nga rin po ako ngayon para po sana magpaalam ng one week or even two weeks of absence simula po bukas. 'Yun lang po at maraming salamat." ngumiti ito ng mapait at umalis na din ito.

   Dismayadong-dismayado ang kanilang principal. Hindi nya basta-basta maiaalis sa schedule ng kanilang pagtitipon sa Linggo ang kanilang singing production, lalo na at ito ang inaabangan ng lahat ng tao. Malungkot siya dahil sa desisyon ni Margaret.

~~

   Sumapit na ang Linggo. Masayang-masaya ang lahat dahil sa wakas mapapanood ulit nila mag-perform ng magkasama ang MPG at RB. Wala silang kaalam-alam sa mga nangyayari. Naandito ngayon ang lahat ng mga artista na nag-aral sa TSU. Hindi na kasi nag-practice ulit sina Melanie, Lauren, Zander, Javier, at Xavier simula noong araw na 'yon. Wala din silang kaalam-alam na hindi pupunta si Margaret ngayon. Akala lang nila na ito ay nagkasakit simula nung Lunes, nung nangyari ang "insidente".

Gotta Be You // KathQuenBasahin ang storyang ito ng LIBRE!