Chapter 20

221 4 0
                                    

"Hey, 'Weekly Updates' na pala oh!" sabay turo ni Zander sa stage.

   Ang 'Weekly Updates' ay isang programa sa TSU tuwing may program sila. Dati ay tuwing Linggo lang ito, ngunit binago nila ang schedule nito. Ipinapakita sa programang ito ang mga updates tungkol sa mga artistang nag-aral sa TSU, mga sikat na estudyante, at kung ano-ano pa.

   Kakatapos lang mag-perform ng RB at MPG. Magkasama na naman silang nag-perform. At tulad ng inaasahan, hindi nga nakarating si Margaret.

   Nanonood lang ang lima ng tahimik sa 'Weekly Updates'. Ngunit noong marinig nila kung sino ang nag-post sa kanyang Instagram account, na nagkataon pang pinakahuling ipinakita bago matapos ang programa, ay bigla silang nagbulungan. Punong-puno ng pagtataka ang lahat dahil rito.

   "Ayon sa official Instagram account ni Margaret Durr.." sabay pakita pa nito sa screen ang picture na kanyang tinutukoy. "@DurrMrgt: Good-bye for now =(" binasa pa nito ang description ng picture na kakapost lang ni Margaret last December 22.

   "Hindi kaya umuwi sila ng England?" bulong ni Melanie sa katabing si Lauren.

   "Siguro.. Pero bakit?" tanong pabalik ni Lauren sakanya. Kibit-balikat nalang ang kanyang isinagot dito.

   Ang ipinakita na picture ay si Margaret na may hawak-hawak na trolley. Ito ang klase ng trolley na matatagpuan sa isang airport. Naka-braid ang kanyang buhok, naka-longsleeves, naka-jeans, naka-wedges, at naka-shades din ito. Medyo nakatalikod ito sa camera at halatang-halata na sya ay nasa airport.

  Ipinakita din ng host ang ilan pang latest updates ni Margaret. Isa sa mga ipinakita ay ang family picture nila habang nasa tabi ng isang Christmas tree. At ang picture na kakapost lang nito isang minuto lang ang nakakalipas. 

  Ang picture ay si Margaret at si Clifford. Mukhang selfie shot pa ito. At kitang-kita din sa picture na ang 'sweet na sweet' ang mga ito. Katulad noong naunang litrato, binasa din ng host kung anong description nito.

   "@DurrMrgt: Finally! <3"

   "Madya-dyaryo sila nyan.." iiling-iling pa sila Melanie at Lauren.

~~

   "Hello, Margaret?" bati ni Erich Gonzales sa kaibigang si Margaret. Napag-isipan kasi nilang mag video chat. Tutal, matagal-tagal na din hindi sila nagkita at Pasko din naman.

   "Hello, Ate Erich! Long time no see, huh?" ngiting bungad ni Margaret sa kaibigan. Nasa kwarto sya ngayon habang ang kanyang kausap ay nasa backstage.

   "Haha.. oo nga noh? Busy kasi mga schedule natin eh.." ngumiti pa sakanya si Erich. "Nga pala, Merry Christmas! Ang daya mo ah.. Wala ka rito.." dagdag pa ni Erich.

   "Aww, Merry Christmas rin! Wala tayong magagawa.. Gusto ko rin eii.." malungkot na sagot nya rito.

   "So, ginusto mo rin palang umalis ng walang paalam?" bigla namang sumulpot mula kung saan si Enchong Dee. Kagaya ni Erich, kaibigan din nya si Enchong. At ka-tropa din ito nila Xavier, Javier, at Zander o ang tinatawag ng karamihan na 'Rising Boys'.

   "Kuya Enchong, is that you?" gulat pang paninigurado ni Margaret.

   "Oo naman, ako pa! So, ginusto mo nga bang umalis?" tanong ulit ni Enchong sakanya. Katabi na nito si Erich sa couch na kasalukuyang pinag-uupuan nya kanina. Kumbaga nasa may 'ASAP Chillout' sila.

Gotta Be You // KathQuenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon