"Stop over muna ulit tayo sa may gas station, mga ilang minutes nalang nandoon na tayo.." pag-inform ni Xavier sa kasamang si Margaret. Pinark nya muna ang kanyang sasakyan sa may tabi bago mapalingon uli sa kasama. Napansin nya na ito pala ay natutulog. Nakatulog na pala ito sa haba ng byahe.

   Pinagmasdan nya ang mukha nito. Tinignan nya ang mga mata nitong nakapikit, ang ilong nitong may katangusan, at syempre.. ang labi nito. Bigla naman syang napaisip kung ano ang mangyayari kung sasabihin nya sakanya ang totoo. Ang nararamdaman nya para dito. Nag-sink in naman sa kanyang utak na baka lumayo lalo ang loob ng dalaga sakanya kapag sinabi nya ang katotohanan. Takot kasi syang malayo si Margaret sakanya. Kaya pinagplanuhan nya talaga ang lakad nilang ito. Para mapalapit sya lalo dito at para mapalapit din si Margaret sakanya kahit papaano.

   Kaya nyang isantabi muna ang mga sinabi sakanya ni Margaret dati. Ang mga masasakit na salitang hindi nya nakalimutan simula noong araw na binitiwan sa kanya ni Margaret ang mga 'yon. At dahil IBA o sadyang MALAKAS lang talaga ang tama nya sa dalaga, kaya nya rin itong kalimutan. Pero ang hindi nya lang alam ay kung kaya syang mahalin din ni Margaret pabalik. Paano nya malalaman ito kung MANHID 'to? Atsaka, wala nga syang kaalam-alam tungkol sa damdamin nya.

   Nang walang ano-ano ay biglang minulat ni Margaret ang kanyang mga mata. Sumalubong kaagad sakanya ang pagmumukha ni Xavier. Napansin kaagad nya na nakatingin ito sa ibabang bahagi ng kanyang mukha! Inangat naman ni Xavier ang kanyang tingin sa mga mata nya. Tulad ng inaasahan, nag-eye contact sila.

   Nailang naman bigla si Margaret kaya dali-dali nyang inalis ang kanyang tingin, papalayo.

   "Uhm, Margaret, stop over muna ulit tayo dito. Ilang saglit nalang, nandoon na tayo. So, taralets?" pagbasag ni Xavier sa katahimikan. Tumango nalang sya rito.

   Noong makababa na sila sa sasakyan, nag-paalam si Margaret kay Xavier na magc-CR lang ito. Pinayagan naman sya kaagad ng kasama.

   Pagkatapos nyang lumabas sa isang cubicle sa loob ng restroom, lumapit sya sa harap ng malawak na salamin. Binuksan nya ang gripo, at kaagad syang naghilamos. Nakailang basa din sya ng kanyang mukha bago sya tumigil. Tumingin sya sa kaharap na salamin. 

   "Gosh, Margaret, anong nangyayari sa'yo? Kalaban sya.. Kalaban!" paalala nya sa kanyang sarili. Pinatay na nya ang gripo atsaka lumabas ng CR.

~~

   "Check in muna tayo sa hotel. Then, mag-gala na tayo pagkatapos 'nun. Okay?" pag-inform ni Xavier sakanya habang nagpa-park ang kanyang kotse. Mga hapon na din sila nakarating sa kanilang pupuntahan.

   "Tapos.. Bukas na tayo pupunta sa Ocean Adventure, diba?" tanong nya sa kasamang si Xavier habang bumababa ng sasakyan.

   "Exactly. Bukas ng umaga." sagot nito sakanya. Tumango-tango nalang sya.

   "Hey, ako na dyan.." sabay lapit pa ni Margaret kay Xavier. Hihilahin na sana kasi nito ang kanyang traveling bag kasama ng sakanya. Naibaba na kasi lahat ni Xavier ang kanilang mga bitbitin at maglalakad pa sila dahil malayo sa hotel ang pagpa-parking-an.

   "Hindi ako na. Baka mabigatan ka eh.." nag-aalalang tugon sakanya ng kausap. Akmang kukuhanin na sana ni Margaret ang kanyang maleta ng biglang inilayo ni Xavier sa kanya ito.

   "Xave naman eii.. Wag matigas ulo, akin na kasiii!" pag-argue pa nya.

   "I insist, Meg." nag-pout nalang si Margaret kay Xavier bilang sagot.

Gotta Be You // KathQuenBasahin ang storyang ito ng LIBRE!