"Now I'm speechless, over the edge, I'm breathless,

I never thought that I'd catch this, love bug again

Now I'm hopeless, head over heels, in the moment,

I'd never thought that I'd get hit by this love bug again..

   "Love bug again..!"

   Todo strum pa si Javier sa gitara hanggang matapos na ang kanta. Todo palakpak din ang mga nanonood. Pagkatapos nilang mag-perform, bumaba kaagad sila mula sa stage. Maya-maya pa kasi magpe-perform ang MPG. 

   "Wala na naman si Margaret. Wala na naman ding gana si Xavier. Nakuu.." pang-aasar pa ni Zander kay Xavier sabay akbay sa kakamping si Javier.

   "Uhhm, Xavier, anong oras mo nga ulit kakantahin 'yung isang mong pinraktis?" tanong ni Javier kay Xavier habang tinatanggal ang pagkaka-akbay ni Zander sakanya. 

   "Maya-maya daw. Pagkatapos mag-perform ng MPG." walang emosyon na sagot sakanya ni Xavier. Lumapit na din sila sa mga kaibigan nilang mga artista at nakipag-kwentuhan.

   "Wala akong ganang kumanta, Lauren.. Wala nanaman si Margaret. Hmp!" pagtatapat ni Melanie kay Lauren.

   Kasalukuyan silang nasa dressing room nya para magkapaghanda sa performance nila mamaya. Naayusan na rin sila ng mga stylist nila para rito.

   "Kala mo ikaw lang? Ako rin kaya! Ang daya lang.. Ganyan talaga pag may iniiwasan. Tsk! Kala nya sya lang, tayo rin kaya!" iiling-iling pa si Lauren.

   Maya-maya pa ay tinawag na sila ng isang staff. Oras na kasi para sila ay magperform. Huminga muna ng malalim sina Lauren at Melanie bago lumabas ng backstage. Nung nag-umpisa na ang intro, nag-umpisa na rin silang kumanta. 

   "Wouldn’t wanna be anybody else, hey.

You made my insecure.

To me I wasn’t good enough.

But who are you to judge.

When you’re diamond in the rough.

Am sure you got some things.

You like to change about yourself

But when it comes to me

I wouldn’t want to be anybody else."

   Pag-uumpisa nila sa kanta. Ngumiti pa sila ng kaunti para ipakita sa mga mannonood na nae-enjoy nilang kumanta kahit wala si Margaret.

   "Who says!

Who says you’re not perfect

Who says you’re not worth it

Who says you’re the only one that’s hurting

Trust me that’s the price of beauty

Who says you’re not pretty

Who says you’re not beautiful.

Who says!"

   Noong umabot sila sa may gitna ng kanta, may narinig silang boses na kumakanta din. 

   Napatigil sila. Napatigil ang lahat.

   Lumabas ang isang babae mula sa pinaka-aisle o pinaka-gitna, kaharap ng stage. Naka-shorts na maong, naka-puting maikling dress, naka-high heels na puti, may light make-up na suot, at nakalaylay ang mahabang itim na buhok nito. May hawak din itong mic. Ibang-iba ang ayos nito. Tila hindi nya sya makilala ng iba.

Gotta Be You // KathQuenBasahin ang storyang ito ng LIBRE!