Chapter 7

243 6 2
                                    

   "Eh Sir, bakit ko po ba kailangang pag-aralan 'tong kantang 'to? Bakit po walang ganito sila Javier at Zander? At bakit po dalawang kanta yung meron akong kopya?" tanong ni Xavier sa kanilang guro para sa pagkanta. Nagtataka kasi siya kung bakit kailangan nyang pag-aralan ang dalawang mga magkaibang kanta. At kung bakit walang isa pang kopya ng kanta sina Javier at Zander ng katulad ng isa nya. Rehearsals kasi nila ngayon para sa may mga production number ngayong Linggo. Mag ta-tatlong linggo na mula nung huling pumasok si Margaret sa paaralan. At miss na miss na siya ni Xavier.

   "Kailangan, Xavier. Kailangan. Kailangan mong kantahin 'yang kanta. Pero yung naka-highlight lang yung kakantahin mo kasi yung iba kakantahin ng isa pang kakanta. Magdu-duet kayong dalawa. Iba ang kakantahin nila Zander at Javier, kaya wag kang mag-alala. Yung isa, kakantahin nyong tatlo nila Javier, yung isa naman yung kantang may makaka-duet ka." sagot sakanya ng kanyang guro. Nagtaka naman lalo si Xavier dahil sa isinagot nito sakanya.

   "Sino pong makakasama ko; makakaduet ko? Wala na po ba yung loveteam namin ni M-Margaret?" tanong pa ni Xavier. Kinakabahan siya. Paano kung totoong itatambal na siya sa iba at hindi na kay Margaret? Anong gagawin niya?

   "Secret. Basta kantahin mo nalang 'yan ha?" 'yan na lamang ang isinagot sakanya ng kanyang guro. Bahagya pa siyang itinapik sakanyang balikat at tsaka ito umalis. Naiwan namang nakatayo lang doon si Xavier. Hawak-hawak pa rin nya ang kopya ng kantang kakantahin nya.

   Bigla namang lumapit sina Javier at Zander sakanya. "Oh ano? Ano yung isa mong kakantahin? Saatin daw nila Zander yung Love Bug ng Jonas Brothers." tanong sakanya ni Javier nung pagkalapit nilang dalawa ni Zander sakanya.

   "'Yung part daw ni Joe Jonas sa This Is Me ni Demi Lovato. May makaka-duet daw ako, hindi ko naman kilala kung sino." sagot nya kay Javier.

   "Lagooot..! Baka wala na yung 'MarVier'!" pagbibiro naman ni Zander.

   "Wag mo ngang lokohin 'tong si Xavier, dude! May lovesick na nga yung tao eh.." sabi pa ni Javier kay Zander.

   "Ayan nanaman yung lovesick nyo! Makapag-rehearse na nga lang." sabi naman ni Xavier at tsaka umalis. 

"Huwag naman sana.." 

   Samantalang si Javier at Zander naman ay nagsitawanan na lang. 

   Habang sina Lauren at Melanie naman ay litong-lito naman kung paano nila hahatiin ang kanta para sakanilang dalawa. Para sa iba, madali lang 'yon. Pero sakanila, hindi. Sanay na kasi silang maghati ng kanta para sa tatlo; para sakanilang tatlo ni Margaret. Kinuha ni Melanie ang kopya nya ng kanta sa katabi nitong lamesa. Hindi pa kasi niya nakikita ng buo ang kanilang kakantahin. Si Lauren palang ang nakakakita.

SPEAK NOW by TAYLOR SWIFT 

   "Speak now? Taylor Swift?" gulat pang tanong ni Melanie kay Lauren. Napatingin naman sakanya si Lauren. "Ba't hindi mo sinabing si Taylor Swift ang kumanta ng kakantahin natin?" tanong pa ni Melanie kay Lauren.

   "Tinanong mo ba? Maganda naman yung kanta ah." sabi naman ni Lauren sakanya. Napabuntong hininga muna si Melanie bago magsalita.

    "Wala akong alam na kanta 'nun eiii..!" pag-amin naman ni Melanie. Hindi kasi siya pala search sa internet. Kung baga.. hindi siya palaging nababalitaan. Hindi updated.

   "Taylor Swift? Hindi mo kilala? Halika nga, pumunta tayo sa computer lab. Papakita ko sayo kung sino si Taylor Swift. At doon na rin tayo mag rehearse. Taralets!" yaya naman ni Lauren sakanya at tumayo na rin ito mula sa pagkaka-upo. Tumayo narin si Melanie at sumunod kay Lauren patungo sa computer lab.

   Nung makarating sila sa may pinto ng computer lab, may narinig silang mga kumakanta sa likod ng pinto. Takang-taka naman si Melanie kung sino ang mga kumakanta sa loob ng computer lab. Halatang-halata naman kung mapapakinggan na marami ang kumakanta ng kanta sa loob ng computer lab. Pamilyar na pamilyar ang mga boses. Hindi nga lang matukoy ni Melanie kung saan nya narinig ang mga boses.

   "Now I’m speechless, over the edge, I’m just breathless, I never thought that I’d catch this love bug, again..

   "What the? Ano 'yun?!" pasigaw namang tanong ni Melanie.

   "Sssh! Wag kang maingay!" saway naman ni Lauren sakanya habang nakasilip sa kaunting espasyo na naka-awang na pinto. Nakisilip din si Melanie sa nakauwang na pinto.

   Nung nakita nya kung sino ang mga kumakanta, nagulat siya. Sina Javier, Zander, at Xavier ang mga kumakanta. Kung tawagin, ay ang Rising Boys. Ayaw sana nilang sirain o istorbohin ang kanilang pagpa-praktis, pero na istorbo naman nila ito.

"AyTaylorSwift!"

   Nawalan ng balanse si Melanie at sya ay natumba. Dahil doon, nabuksan niya ng malawak na malawak ang pinto. Dahilan naman para mapahinto at mapatingin doon ang tatlong lalaki. Sa halip na tulungan si Melanie, tumawa sila ng malakas na malakas. Sapat na ito para bumangon si Melanie mag-isa, hindi pinapansin ang kamay ni Lauren na dapat nyang abutin para makatayo. 

   "Anong pinagtatawanan nyo dyan, ha?!" pasigaw pang tanong ni Melanie sa tatlong lalaki habang nagpapagpag ng kanyang damit.

   "Eh, kayo? Anong ginagawa nyo dyan, huh? Pinagnanasaan nyo kami, noh?!" sigaw sakanila pabalik ni Javier. Bigla namang namula sina Lauren at Melanie kahit hindi talaga iyon ang kanilang pakay.

   "Anoooo?! Hoy Cabrera, anong pinagnanasaan? Wag kang feeler! Kaya kami naandito kasi magse-search kami!" sagot naman ni Melanie sakanya pabalik. Tumawa naman si Javier dahil sa kanyang isinagot.

   "Anong ise-search nyo? Picture namin sa Google?" tanong naman ni Zander.

   "Anong picture nyo? As if naman kung may lalabas na picture nyo. Ise-search lang namin sa Youtube yung kantang kakantahin namin! FYI lang, kanta ni Taylor Swift." sagot naman sakanya ni Lauren. Hinila nya ang kamay ni Melanie at naglakad sila sa isang naka-bukas kompyuter.

   "Atsaka, bakit kayo dito nagpra-practice? Hindi naman ito yung practice room, ah?" tanong pa ni Melanie sa mga lalaki. 

   "Paki nyo ba? Atsaka.. mag-search nalang nga kayo dyan!" sagot nalang ni Javier sakanya. 

   Si Xavier naman ay nag-focus nalang sakanyang kakantahin. Wala kasi siyang maaasar dahil wala naman si Margaret.

"Oh, how I wish naandito sya.." 

   "Who Says na nga lang 'yung kantahin natin Lauren! Atleast 'yon kilala ko 'yung kumanta. Si Selena Gomez." sabi naman bigla ni Melanie kay Lauren.

   "Oh, bakit si Selena Gomez kilala mo? Samantalang si Taylor Swift hindi mo kilala. Who Says? Sige. Maganda naman 'yon eh." pagsang-ayon ni Lauren kay Melanie habang tatango-tango.

   "Mga babae nga naman." sabi pa ni Zander.

   "Tama. Mga babae nga naman." sagot naman ni Xavier.

   "Nagsalita ang may lovesick!" pansin naman ni Javier kay Xavier.

   "Huh? Sinong may lovesick? Anong lovesick?!" tanong naman bigla ni Lauren at Melanie sabay tingin sakanilang tatlo. Kinabahan naman sila bigla.

   "Ahm, sige, labas lang ako. Magpra-practice pa ako ng isa kong kakantahin.." sabay labas ni Xavier sa computer lab. Naiwan naman sina Javier at Zander para sagutin ang tanong nila Melanie at Lauren.

   "Xavieeerr! Bumalik ka dito ang daya mooo..!" sigaw pa ni Zander kay Xavier pero pinabayaan lang sya ni Xavier at ipinagpatuloy ang paglabas sa silid.

  "Daya.." medyo malakas pang sabi ni Javier. 

   Nung tumingin sila kanila Melanie at Lauren, nakapamewang na ang mga ito.

   "A-ah.. e-eh.." nauutal-utal pa nilang sabi sa dalawang babae.

"SPEAK.. NOW!"

Gotta Be You // KathQuenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon