“Margaret, If you would choose.. ano’ng pipiliin o gagawin mo, sasabihin mo sakanya ang totoo kaso masasaktan mo ang damdamin nya o magsisinungaling ka nalang sakanya para hindi sya masaktan?”

   Natigilan ng ilang minuto si Margaret sa huling tanong ng emcee. Kasalukuyan parin kasing ginaganap ang ‘Question And Answering” portion para sakanila. At hindi nya inaasahan na itatanong sakanya ang pinaka-mahirap na tanong para sakanya. Kauna-unahang thinking question na na-encounter nya. Ngunit kahit ganoon ay sinagot nya parin ito.. mula sa puso.

   “For me, pipiliin ko ‘yung magsasabi ako ng totoo kahit na masasaktan ko ‘yung damdamin nya. Kasi, okay.. ilagay natin sya sa sitwasyon ko ngayon. Kasi may pinagsabihan ako dati na hindi ko sya mahal, hindi ko naman sinabi sakanya ng diretso.. basta sinabi ko sakanya in a different way, hindi diretso. At nasaktan ko ata ‘yung feelings nya about it. But here’s the thing, it’s not true. What if totoo pala na mahal ko sya, kaso it’s too late to undo it na. If undoing is much harder than doing it, ganoon din ‘yun. Sasabihin mo sakanya ang totoo kahit na masaktan mo sya. ‘Cause it’s the truth, wala ka nang magagawa at hinding-hindi mo na mababago ang katotohanan.”

   Palakpakan ang mga nanonood pagkatapos nyang sagutin ang tanong. Pati narin sina Melanie, Lauren, Javier, Zander, at syempre si Xavier ay nagsipalakpakan na din.

“What if…? No, don’t assume..”

   Nag-bow muna saglit si Margaret bago bumaba ng stage, hinihintay na kasi sya sa baba ng mga kasama.

   “Ahm, sino naman ‘yung tinutukoy mo kanina, Margaret?” bungad na tanong ni Lauren sakanya pagkalapit na pagkalapit nya dito.

   “Sarili ko, bakit?” wala sa mood na sagot nya dito.

   “Weh?” kontra ni Zander sakanya. Natawa naman sina Javier at Melanie dahil rito.

   “Hay nako, taralets na nga!” yaya ni Margaret sakanila sabay lakad palabas ng auditorium. Sumunod nalang sakanya ang lima pa nyang kasama.

   “Xavier, sabayan mo kaya sa paglalakad ‘yun si Margaret. OP ka eh..” pansin sakanya ni Javier.

   “Oo nga naman, Xavier.” pagsang-ayon ni Melanie sa ideya ni Javier.

   “Okay.” Tumango pa sya bilang dagdag bago nya bilisan ang paglalakad para maabutan nya si Margaret.

   “Guys, ano kayang nangyari doon sa gym dati? ‘Yung magso-sorry sana ‘yang si Xavier kay Margaret kasi nasungitan nya ‘to?” tanong ni Lauren sa mga kasama.

   “Oo nga noh. Ano kayang nangyari noon?” napaisip din sina Javier, Melanie, at Zander dahil dito.

   “Speaking of.. nasabi o nabanggit nyo na ba kay Margaret tungkol sa feelings ni Xavier sakanya?” tanong ni Javier sa mga babaeng kasama.

   “Hindi pa. Hinihintay pa namin na siya mismo ang magkwento saamin.” sagot ni Melanie sakanya.

“That’s good.”

~~

   “Guys, nakita nyo ba si Margaret?” tanong ni Xavier kina Javier, Melanie, Lauren, at Zander. Lunch time kasi nila at kasalukuyang may kanya-kanyang “moment” ang mga ito.

   “Huh, hindi mo makita si Margaret? Baka nasa library..” opinyon ni Zander.

   “Wala sya dun. Kilala ko si Margaret, hindi sya mahilig tumambay sa library. Atsaka, pumunta na ako doon kanina, pero wala sya doon.” sagot nya dito.

Gotta Be You // KathQuenBasahin ang storyang ito ng LIBRE!