"Celine, magqua-quality time daw. Hindi tumulala.." bulong ni Yves sa kanya.

   Naandito sila ngayon sa workshop room para mag-'bonding'. Isa ito sa kanilang ginagawa kapag may bago kang kapareha - ikukulong kayo sa isang kwarto para makapag-interview, usap, o makapag-kulitan kayo. Para daw maging close at mabuo ang chemistry.

   Lahat ng mga bagong magka-love team ay ikinulong dito ngayon sa workshop room para makapag-quality time. Tatagal sila ngayon sa kwarto ng mahigit dalawang oras. At heto silang dalawa ngayon ng kanyang bagong ka-love team, nakaupo lang sa sahig habang ang iba ay nakakapag-adjust na.

   "I know.." sagot nya dito habang sya'y papaharap. "So, saan tayo magsisimula?"

   "Hmm, saan nga ba?" nag-isip pa saglit si Yves bago magsalita ulit. "Alam ko na, bakit hindi muna tayo magtanungan?" suggest pa nito.

   "Great idea! Sino mauuna?" tanong nya pa.

   "Ako muna. Ako muna 'yung magtatanong sa'yo.." ngumiti pa ito bilang dagdag.

   "Okay, sige. Game!" inayos nya pa ang kanyang pagkakaupo bago payagan magtanong ang kausap.

   "What's your favorite color?" unang tanong sa kanya ni Yves. Bigla naman syang natawa dahil dito. "Oh, ba't ka natatawa?" itinaas pa nito ang isang kilay. Para itong nawi-weirdohan sa kaharap.

   "Ang basic naman ng tanong mo. Pero hindi bale, sasagutin ko parin 'yun. YELLOW." tatawa-tawa nyang sagot. Napansin nya nakatingin lang sa kanya ang kaharap. "Huy, ano nang nangyari sa'yo?" nag-snap pa sya ng fingers sa harap ng mukha nito. Para naman itong nagbalik sa realidad.

   "Wala, wala." iiling-iling pa ito. "Ang ganda pala ng tawa mo, noh? Akalain mo marunong ka rin pala tumawa? Akala ko kasi para kang abnormal na hindi marunong ngumiti o tumawa.." Tila na stuck naman sa kanyang utak ang mga katagang binitiwan nito. Parang musikang sya'y na-LSS. Pero bumalik kaagad sya sa realidad noong nagsalita ulit 'to. "Yellow? Sa dinadami ng kulay, bakit color yellow 'yung favorite mo?"

   "I find it interesting, eh. Parang sunflower lang. Sunny color." tatango-tango nalang si Yves dahil dito. "Ikaw, anong favorite color mo?"

   "Marami akong favorite color. Uhm, blue, yellow, and red." sagot nito sa kanya.

   "Oo, ang dami nga. Mahilig ka siguro mag-mix ng colors, noh? Parang watawat na kasi ng Pilipinas 'yang mga favorite color mo.." biro nya pa. At infairness, natawa ang bagong ka-tambal dahil sa kanyang sinabi.

   "Havey 'yang joke mo. Havey na havey. Pero, hindi rin, eh. Hindi ako mahilig mag-combine.." sabi pa nito. "Ahm, kailan birthday mo?"

   "March 26. Ikaw?" tanong nya pabalik.

   "Ang galing naman, November 26 ako.." paghanga pa ni Yves.

   "Oo nga, noh? Same tayo ng birthdate. 'Yieee.." pag-cheer nya.

   "Teka, magde-debut ka na, ah? Diba ikaw 'yun?" paninigurado pa ng kaharap.

   "Uh-huh. Mga ilang weeks na lang birthday ko na. Mukhang malabo pa nga akong makapag-handa, eii.." kwento nya habang sumasandal sa dingding. Ganoon din naman ang ginawa ng kanyang kausap.

Gotta Be You // KathQuenBasahin ang storyang ito ng LIBRE!